Lupang Hinirang
Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ang himig nito ay ipinalikha, sa taóng 1898, ni Gen. Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe, sa ngalang "Marcha Filipina Magdalo". Ang áwítin ay isa sa mga pagsasa-Tagalog ng tulang "Filipinas" na isinulat ni Jose Palma sa taóng 1899 sa wikang Español.
![]() Pagsulat sa tugtugin ng Lupang Hinirang | ||||
Pambansang Awit ng | ![]() | |||
---|---|---|---|---|
Mga panitik ni | José Palma, 1899 (pinagmulaang tulang Kastila) | |||
Tugtugin | Julián Felipe, 1898 | |||
Inangkin | 1899 (Kastila) 1963 (Tagalog) | |||
|
Ang tugtugin ng awit na ito ay isang marcha. Ang unang itinawag dito ay "Marcha Filipina Magdalo" (Marchang Pilipinong pang-Magdalo). Pinalitan ito ng katawagan na "Marcha Nacional Filipina" (Pambansang Marcha ng Pilipinas) nang ang himig at ang Kastilang tula ay gawing pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas.
Unang naipatugtog ang himig ng awit na ito nang ika-12 araw ng Hunyo 1898, sa bánda ng San Francisco De Malabon nang ipahayag ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa España. Ang mga salitang Kastila ng awit ay naidagdag lamang matapos maisulat ni Jose Palma ang tulang "Filipinas" sa Agosto ng taóng 1899. Ang ibinungang awit ay tinawag na "Patria Adorada" (Sintang Bayan).
Sa panahon ng mga Amerikano, noong dekada 1920, matapos mapawalang-bisa ang Flag Law (batas na nagbabawal ng mga palatandaang maka-Pilipino), ipinanukala ng pamahalaang laan sa kapuluan, na pakana ng Estados Unidos, na isa-Ingles ang awit mula sa Kastila.[1] Ang naging pinakakilalang pagsasalin ng awit ay ang "Philippine Hymn" (Áwítin ng Pilipinas) na ginawa ng Senador Camilo Osias at ng isang Amerikanong si Mary A. Lane. Sa taóng 1938, ang pagsasalin na ito ang ganap na inayunan ng Kapulungan ng Pilipinas.
Ang mga pagsasa-Tagalog ng awit na ito ay unang ginawa noong dekada 1940. Ang pinakakilala sa mga ito ay ang "O Sintang Lupa" na isinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ilang taon matapos palayain ng Estados Unidos ang Pilipinas, ito ang naging pambansang awit noong taóng 1948.
Sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Ramon Magsaysay, nagbuo ng lupong mapag-aatasan ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang paghusayin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit. Nagbunga ito sa kathang "Lupang Hinirang" na unang inawit sa ika-26 ng Mayo 1956. May mga kaunti pang pagbabagong ginawa sa awit na ito sa taóng 1962, at ang kinahinatnan nito ang siyang awit na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
Mga pagsasalin ng awitBaguhin
Narito ang ilang mga pagkakasalin ng pambansang awit.
Inaayunang ganap ang nasa Filipino na nagmula sa awit na Tagalog ng taóng 1962. Ang nasa Español ay ang tula man din na "Filipinas" ni Jose Palma na siyang pinagmulan ng lahat ng ibang salin. Kasunod ang sa Ingles at ang mga naunang salin sa Tagalog. Kasunod din ang mga salin sa Ilocano, Bisaya ng Cebu, Hiligaynon, Bicolano, at Pangasinense, na pawang mga ibang wikang katutubo sa Pilipinas.
Filipino: Lupang HinirangBaguhin
Katha nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo; pinakahuling pagsasa-Tagalog ng awit, sa taóng 1962.
- Bayang magiliw,
- Perlas ng Silanganan.
- Alab ng puso,
- Sa dibdib mo'y buhay.
- Lupang Hinirang,
- Duyan ka nang magiting.
- Sa manlulupig,
- Di ka pasisiil.
- Sa dagat at bundok,
- Sa simoy at sa langit mong bughaw.
- May dilag ang tula,
- At awit sa paglayang minamahal.
- Ang kislap ng watawat mo'y,
- Tagumpay na nagniningning.
- Ang bituin at araw niya,
- Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
- Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
- Buhay ay langit sa piling mo.
- Aming ligaya na 'pag may mang-aapi,
- Ang mamatay nang dahil sa iyo.
Español: Marcha Nacional FilipinaBaguhin
Katumbas ng tulang "Filipinas" ni José Palma.
- Tierra adorada
- Hija del sol de Oriente,
- Su fuego ardiente
- En ti latiendo está.
- ¡Tierra de amores!
- Del heroísmo cuna,
- Los invasores
- No te hollarán jamás.
- En tu azul cielo, en tus auras,
- En tus montes y en tu mar
- Esplende y late el poema
- De tu amada libertad.
- Tu pabellón, que en las lides
- La victoria iluminó,
- No verá nunca apagados
- Sus estrellas ni su sol.
- Tierra de dichas, del sol y amores,
- En tu regazo dulce es vivir.
- Es una gloria para tus hijos,
- Cuando te ofenden, por ti morir.
Ingles: Philippine HymnBaguhin
ni Senador Camilo Osias at Mary A. Lane
- Land of the morning,
- Child of the sun returning,
- With fervor burning,
- Thee do our souls adore.
- Land dear and holy,
- Cradle of noble heroes,
- Ne'er shall invaders
- Trample thy sacred shore
- Ever within thy skies and through thy clouds
- And o'er thy hills and seas,
- Do we behold the radiance, feel and throb,
- Of glorious liberty.
- Thy banner, dear to all our hearts
- It's sun and stars alight,
- O never shall it's shining field,
- Be dimmed by tyrant's might!
- Beautiful land of love,
- O land of light,
- In thine embrace 'tis rapture to lie,
- But it is glory ever, when thou art wronged,
- For us, thy sons to suffer and die.
Ingles: Chosen LandBaguhin
Literal na salin ng Lupang Hinirang sa Ingles. Hindi opisyal.
- Beloved country,
- Pearl of the Orient,
- The heart's fervor,
- In your bosom is ever alive.
- Chosen Land,
- You are the cradle of the brave,
- To the conquerors,
- You shall never surrender.
- Through the seas and mountains,
- Through the air and your azure skies,
- There is splendor in the poem
- And songs of beloved freedom.
- The sparkle of your flag
- Is shining victory.
- Its stars and sun
- Forever will never dim.
- Land of the morning, of glory, of our affection,
- Life is heaven in your arms;
- When someone oppresses you, it is our pleasure
- To die for you.
Tagalog: Diwa ng BayanBaguhin
Unang pagsasa-Tagalog ng tulang Kastila, ginamit sa Panahon ng Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Lupang mapalad,
- Na mutya ng silangan;
- Bayang kasuyo,
- Ng Sangkalikasan.
- Buhay at yaman,
- Ng kapilipinuhan;
- Kuha't bawi,
- Sa Banyagang kamay.
- Sa iyong langit, Bundok,
- Batis, Dagat na pinalupig;
- Nailibing na ng karimlan,
- Ng kahapong pagtitiis.
- Sakit at luha, hirap,
- Susa at sumpa sa pagaamis;
- Ay wala nang lahat at naligtas,
- Sa ibig maglupit.
- Hayo't magdiwang Lahi kong minamahal,
- Iyong watawat ang siyang tanglaw;
- At kung sakaling ikaw ay muling pagbantaan,
- Aming bangkay ang siyang hahadlang.
Tagalog: Lupang PinipintuhoBaguhin
Pagsasa-Tagalog ni Balmaceda, Santos at Caballo na ginamit mula taóng 1948 (dalawang taon mula 1946, kung kailan pinalaya ng Estados Unidos ang Pilipinas) hanggang 1956. Napalitan ito ng sa taóng 1956, na siyang nagkaroon pa ng karagdagang pagbabago.
- O sintang lupa,
- Perlas ng Silanganan;
- Diwang apoy kang
- Sa araw nagmula.
- Lupang magiliw,
- Pugad ng kagitingan,
- Sa manlulupig
- Di ka papaslang.
- Sa iyong langit, simoy, parang.
- Dagat at kabundukan,
- Laganap ang tibok ng puso
- Sa paglayang walang hanggan.
- Sagisag ng watawat mong mahal
- Ningning at tagumpay;
- Araw't bituin niyang maalab
- Ang s'yang lagi naming tanglaw.
- Sa iyo Lupa ng ligaya't pagsinta,
- Tamis mabuhay na yakap mo,
- Datapwat langit ding kung ikaw ay apihin
- Ay mamatay ng dahil sa 'yo.
Ilokano: Nailian a DayyengBaguhin
Orihinal na bersyon nina Dr. Mary Lou Campo at Prof. Romeo Sevilleja
- O Pilipinas, tampok ti kinapintas
- Ti addaan puso, ay-ayatendaka
- Bagnos ken baggak, perlas ti dumaya
- Dimi ipalubos nga irurumendaka
- Iti tangatang, ulep ken pul-oy
- Bambantay ken baybay
- Mangmangngeg ken mariknami't
- Samiweng ni waya-waya
- Ipatpategmi ti wagaywaymo
- Tanda ti balligi
- Bitbituen, Initmo, Ingget raniag
- Dinto pulos nga aglidem
- Daga ni gasat, ragsak
- Nam-ay ken Ayat
- Ta sidongmo, dayawmi ti agbiag
- Ngem nadaydayawkam
- A sikakanatad
- Gapu kenka, iruknoymi toy biag.
bersyon ni Eugene Carmelo C. Pedro
- Imnas nga ili
- Baggak ti dumadaya
- Daytoy ayatmi
- Ti sagutmi kenka
- Dagat' kinasudi
- Indayon ti nakired
- Iti mangdadael
- Haanka pailuges
- Iti tangatang, ulep ken pul-oy
- Bambantay ken baybay
- Addan dayag ti daniw ken dayyeng
- Ti nasamit a wayam
- Ti raniag ta wagaywaymo
- Ket balligi a nasileng
- Ti init ken dagiti bituenna
- Dinto pulos aglidem
- Nakaliblibnos unay a dagan' ayat
- Daytoy biag langit dita dennam
- Ngem no ti dayawmot' inda dadaesen
- Inggat' tanem sumalakankam
Sebwano: Nasudnong AwitBaguhin
ni Jess Vestil
- Yutang tabunon
- Mutya nga masilakon
- Putling bahandi
- Amo kang gimahal
- Mithing gisimba
- Yuta s'mga bayani
- Sa manglulupig
- Among panalipdan
- Ang mga bungtod mo ug lapyahan
- Ang langit mong bughaw
- Nagahulad sa awit, lamdag sa
- Kaliwat tang gawas
- Silaw sa adlaw ug bitoon
- Sa nasudnong bandila
- Nagatimaan nga buhion ta
- Hugpong nga di maluba
- Yutang maanyag, duyan ka sa pagmahal
- Landong sa langit ang dughaan mo;
- Pakatam-isom sa anak mong nagtukaw
- Kon mamatay man sa ngalan mo.
Hiligaynon: Banwang GuinhalaranBaguhin
- Banwang masinadyahon,
- Perlas sang nasidlangan,
- Init sang tigpusuon,
- Gakabuhi sa imo nga dughan.
- Banwang Guinhalaran,
- Payag ka sang maisog,
- Sa mga manugpigos,
- Wala guid nagapadaog.
- Sa dagat kag bukid,
- Sa usbong kag sa dagway nga gabanaag,
- May idlak kag tibok ang dilambong,
- Kag amba sang kahilwayan.
- Ang idlak sang ayahay mo,
- Isa ka matam-is nga kadalag-an,
- Ang bituon kag ang adlaw,
- Nangin masanag sa katubtuban.
- Dutang nasambit sang adlaw kag paghigugma,
- Sa sabak mo matam-is ang mabuhi,
- Ginapakipagbato namon, nga kung may manungpanakop,
- Ang mapatay nahanungod sa imo.
Bikolano: Rona Kang MawiliBaguhin
- Bayang Inutang
- Aki ka nin sirangan
- Tingraw niyang malaad
- Nasa si-mong daghan.
- Rona kang mawili
- Nagimatan bayani
- An mansalakay
- Dai ka babatayan.
- Sa si-mong langit, bukid
- Hayop kadagatan siring man
- Nagkukutab nagbabanaag
- An si-mong katalingkasan.
- Simong bandera na nagkikintab
- Sa hokbo naglayaw
- Dai nanggad mapapara
- An simong bitoon Aldaw.
- Dagang nawilihan, maogma, maliwanag,
- Sa limpoy mo hamis mabuhay
- Minamarhay mi kun ika pagbasangan
- An buhay mi si-mo idusay.
Pangasinan: Oh, Pilipinas dalin min kagal-galangBaguhin
- Oh, Pilipinas,
- Dalin min kagal-galang
- Musia na dayat,
- Ed dapit letakan
- Simpey gayagan,
- Panag-ugagepan day
- Totoon lapag,
- Ed dapit-seslekan.
- Saray anak mo agda
- Kawananen ya ibagat ed sika'y
- Dilin bilay da no
- Nakaukulay galang tan ka-inaoan
- Diad palandey, lawak, taquel,
- Dayat o no dia ed lawang
- Sugbaen day patey ya andi
- Dua-rua no sikay pan-sengegan.
- Diad silong na laylay mo mankaka-sakey
- Tan diad sika man-lingkor tan mangi-agel
- Bangta dia'd akualan mo aneng-neng day silew
- Diad akualan mo muet akuen day patey.
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ Pomeroy, William J. (1992), The Philippines: Colonialism, Collaboration, and Resistance [Pilipinas: Pananakop, Pakikikampi, at Panlalaban], International Publishers Co., pa. 10, ISBN 0717806928, nakuha noong 2008-01-26; pagwika: "In 1909 an entire band was sent to prison for playing the Philippine National Anthem at a festival in Quiapo, Manila." [Nang taóng 1909, may isang buong banda ang ipinakulong dahil sa pagtugtog nila ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa isang pagdiriwang sa Quiapo, Maynila.], nakuha kay Agoncillo, Teodoro A. (2005), The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan [Paghihimagsik ng Madlangbayan: Kasaysayan ni Bonifacio at ng Katipunan], Quezon City: University of the Philippines Press