Ildefonso Santos
Hindi sapat ang kontekstong binibigay ng artikulong ito para sa mga hindi pamilyar sa paksa. Tumulong pagbutihin ang artikulo sa pamamagitan ng mabuting istilo ng panimula. |
Si Ildefonso P. Santos[1] ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong 23 Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.
Ildefonso Santos | |
---|---|
Kapanganakan | 23 Enero 1897 |
Kamatayan | 28 Enero 1984 | (edad 87)
Nagtapos | National Teachers College |
Trabaho | Makata Manunula |
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.[1]
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.
Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula ayon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.
Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Claudio-Perez, Marina. Naka-arkibo 2011-09-30 sa Wayback Machine. "Ildefonso Santos," Filipino Classics, Filipino Americans, Library.CA.gov, pahina 17 (PDF)