Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini y Maranan (23 Hulyo 1864—13 Mayo 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipinong teoriko na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1902, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1900 na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Apolinario Mabini
Apolinario Mabini.jpg
Larawan ni Apolinario Mabini
Unang Punong Ministro ng Pilipinas
Nasa puwesto
23 Enero 1899 – 7 Mayo 1899
PanguloEmilio Aguinaldo
DiputadoPedro Paterno
Nakaraang sinundanItinatag ang katungkulan
Sinundan niPedro Paterno
Ministro ng Ugnayang Panlabas
Nasa puwesto
23 Enero 1899 – 7 Mayo 1899
Nakaraang sinundanItinatag ang katungkulan
Sinundan niFelipe Buencamino
Pansariling detalye
Ipinanganak
Apolinario Mabini y Maranan

23 Hulyo 1864 [1]
Talaga, Silangang Indiya ng Espanya
Namatay13 Mayo 1903(1903-05-13) (edad 38)
Maynila, Pilipinas
Partidong pampolitikaKatipunan
Alma materColegio de San Juan de Letran
Pamantasan ng Santo Tomas
PropesyonAbogado
Pirma

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong 5 Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong 13 Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.

Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na edukadong binata na, sa kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang klasikal na edukasyon, isang napaka-kakayahang umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng mga tanawin ng Mabini ay komprehensibo kaysa sa alinman sa mga Pilipino na ako ang nakakamit. Ang kanyang ideya ay isang panaginip ng isang Maphilindo. Hindi ang Luzon o ang kapuluan ng Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing Malay. Siya ay may pangarap, ngunit isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad, siya ay paralisado. Siya ay isang binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay na paggamit sa hinaharap ng mga isla na parang ito ay hindi para sa kanyang pagdadalamhati."[2]

Mga larawanBaguhin

SanggunihanBaguhin

  1. Mabini@150 FAQs, tinago mula sa orihinal noong 2014-03-24, nakuha noong 2014-07-22
  2. http://books.google.com/?id=4lMTAAAAIAAJ&q=%22Mabini+is+a+highly+educated+young+man+who,+unfortunately,+is+paralyzed.+He+has+a+classical+education,+a+very+flexible,+imaginative+mind%22&dq=%22Mabini+is+a+highly+educated+young+man+who,+unfortunately,+is+paralyzed.+He+has+a+classical+education,+a+very+flexible,+imaginative+mind%22

Maaring bisitahinBaguhin