Pilipinas

Bansa sa Timog-Silangang Asya
(Idinirekta mula sa Republika ng pilipinas)

Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nahahati sa tatlong kumpol ng mga pulo: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa katimugan. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesya habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Naroroon sa silangan ang bansang Palau at sa hilaga naman ang bansang Taiwan.

Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines (Ingles)
Location of Pilipinas
KabiseraMaynila
Pinakamalaking lungsodLungsod Quezon
14°38′N 121°02′E / 14.633°N 121.033°E / 14.633; 121.033
Wikang opisyalFilipino at Ingles
KatawaganPilipino/Pilipina
Pinoy/Pinay (katawagang palasak)
PamahalaanUnitaryong pampanguluhang republikang konstitusyonal
• Pangulo
Ferdinand Marcos Jr.
Sara Duterte-Carpio
Juan Miguel Zubiri
• Ispiker
Martin Romualdez
Alexander Gesmundo
LehislaturaKongreso
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
Kalayaan 
12 Hunyo 1898
24 Marso 1934
4 Hulyo 1946
2 Pebrero 1987
Lawak
• Kabuuan
343,448[1] km2 (132,606 mi kuw) (Ika-64)
• Katubigan (%)
0.61[2] (tubig sa kaloobang sakop ng Pilipinas)
Populasyon
• Senso ng 2020
109,035,343 (Ika-13)
• Densidad
363.45/km2 (941.3/mi kuw) (Ika-37)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
$1.384 trilyon
• Bawat kapita
$12,127
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
$475.947 bilyon
• Bawat kapita
$4,169
Gini (2021)41.2[3]
katamtaman · Ika-44
TKP (2022)0.710[4]
mataas · Ika-113
SalapiPiso ng Pilipinas (₱) (PHP)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Oras ng Pilipinas)
• Tag-init (DST)
UTC+8 (hindi sinusunod)
Ayos ng petsa
  • buwan-araw-taon
  • araw-buwan-taon (AD)
Gilid ng pagmamanehokanan[5]
Kodigong pantelepono+63
Kodigo sa ISO 3166PH
Internet TLD.ph
* Ang Sebwano, Tsabakano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Aklanon, Ibanag, Ibatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon, Maranao, Maguindanao, Yakan, Tagalog, at Taūsug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabe ay itinataguyod sa isang pangunahing at kusang batayan.

Ang Pilipinas ay matatagpuan din malapit sa Ekwador at sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko na siyang dahilan kung bakit madalas tamaan ang bansa ng mga bagyo at lindol. Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at noong 2021, mayroon itong populasyon na humigit-kumulang 109 milyong katao.[6] Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labintatlong pinakamataong bansa sa daigdig. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Maynila at ang pinakamalaking lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Ang pagdating ni Fernando de Magallanes noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galeon ng Maynila.

Noong 1896, sumiklab ang Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-marahas na himagsikan.

Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Ekonomikong Kooperasyon sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya. Yaong isa ay ang Silangang Timor.

Pangalan

 
Si Felipe II ng Espanya.

Sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, pinangalanan ng Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang mga pulo ng Leyte at Samar bilang Felipinas ayon sa pangalan ni Haring Felipe II ng Espanya, na siyang Prinsipe ng Asturias noon. Sa huli, ang pangalang Las Islas Filipinas ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ng Islas del Poniente (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan ni Fernando de Magallanes para sa mga pulo na San Lázaro ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan.

Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ng Himagsikang Pilipino, inihayag ng Kongreso ng Malolos ang pagtatag ng República Filipina (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ng Digmaang Espanyol–Amerikano (1898) at Digmaang Pilipino–Amerikano (1899-1902) hanggang sa panahon ng Komonwelt (1935-1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilang Philippine Islands, na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula sa Kasunduan sa Paris, nagsimulang lumutang ang pangalan na "Pilipinas" at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang opisyal na pangalan ng bansa ay "Republika ng Pilipinas".[7]

Kasaysayan

Sinaunang Panahon

 
Ang Yungib ng Tabon ay ang pook kung saan natuklasan ang isa sa mga pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas, ang Taong Tabon.
 
Mga kinatay na labi ng isang Rhinoceros philippinensis na natuklasan sa Rizal, Kalinga na nagpapatunay na may mga naninirahan nang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.

Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop sa Rizal, Kalinga ay patunay na may mga sinaunang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.[8] Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Inaakala na ang labi ng Taong Callao na natuklasan sa Yungib ng Callao sa Cagayan ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng Taong Tabon sa Palawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas.[9] Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga-Indotsina at Taiwan.

Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa pamamagitan ng malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating.

 
Mga Petroglipo ng Angono, ang pinakamatandang gawang sining sa Pilipinas.

Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mga Austronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng Ilog Yangtze tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang artipakto ng batong-luntian na nasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa.

Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga port principality.

Bago dumating ang mga mananakop

Mga larawan mula sa Boxer Codex na ipinapakita ang sinaunang "kadatuan" o tumao (mataas na uri). Mula kaliwa pakanan: (1) Mag-asawang Bisaya ng Panay, (2) ang mga "Pintados", isa pang pangalan sa mga Bisaya ng Cebu at sa mga pinalilibutang pulo nito ayon sa mga unang manlulupig, (3) maaaring isang tumao (mataas na uri) o timawa (mandirigma) na mag-asawang Pintado, at (4) isang mag-asawang maharlika ng mga Bisaya ng Panay.
 
Ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, c. 900. Ang pinakamatanda at makasaysayang kasulatan sa Pilipinas na natuklasan sa Lumban, Laguna.

Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.

Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna at maagang kasaysayan ng Pilipinas ay ang araw na 21 Abril, taong 900, na siyang katumbas sa Kalendaryong Gregoryano ng araw na nakalagay sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, na siyang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas. Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang "yugto ng pag-usbong" ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na "yugto ng mga Barangay" ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, na nagsimula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas.

Batay rin sa kasulatan, ang sinaunang Tondo ay umiral noong bago mag-900 at nakasaad rin na ang Tondo noon ay may ugnayan sa Kaharian ng Medang sa kapuluan ng Java sa Indonesia. Bagaman ang katayuan ng ugnayan ng dalawa ay hindi malinaw sa kasulatan, patunay ito na noong ika-10 dantaon pa lamang ay may koneksyon na ang mga kabihasnan sa Luzon at Java. Sa pagdating ng mga Europeo noong ika-16 na dantaon, ang Tondo ay pinamumunuan ng tinatawag na "Lakan". Umusbong ito bilang pangunahing sentro ng kalakalan na may bahagi ng monopolyo sa Karahanan ng Maynila sa mga produktong kalakal ng Dinastiyang Ming sa buong kapuluan.

Ang susunod na makasaysayang tala ay tumutukoy sa isang pook sa Pilipinas ng Vol. 186 ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song kung saan isinasalarawan ang "bansa" ng Ma-i. Taun-taon binibisita ng mga Tsinong mangangalakal ang Ma-i at nagsasalarawan ang kanilang mga tala tungkol sa heograpiya, mga produktong kalakal, at ang pag-uugali ng mga namuno sa Ma-i. Isinaad ng mga Tsinong mangangalakal na ang mga mamamayan ng Ma-i ay tapat at mapagkakatiwalaan. Dahil sa hindi malinaw na mga pagsasalarawan ng mga tala tungkol sa kinaroroonan ng Ma-i, pinagdedebatihan pa rin kung saan ito umiral, may mga iskolar na inaakalang nasa Bay, Laguna ito, habang ang iba naman ay nag-aakalang nasa pulo ng Mindoro ito.

 
Ang selyong garing ng Butuan na natuklasan noong dekada '70 sa lungsod ng Butuan na nagpapatunay na mahalagang sentro ng kalakalan ang kaharian noong panahong klasikal.

Sumunod na itinukoy ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song ang Karahanan ng Butuan, isang maunlad na kabihasnan sa hilaga't-silangang Mindanao, kung saan ito ang unang naitalang bansa mula sa kapuluan ng Pilipinas na nagpadala ng sugo sa Tsina noong 17 Marso 1001. Nakamit ng Butuan ang katanyagan nito sa ilalim ng pamumuno ni Raha Sri Bata Shaja, na isang Budistang namumuno sa isang bansang Hindu. Naging makapangyarihan ang estadong ito dahil sa lokal na industriya ng panday-ginto at nagkaroon ito ng ugnayan at tunggaliang diplomatiko sa kaharian ng Champa.

Ayon sa alamat, itinatag naman ang Kadatuan ng Madyaas kasunod ng isang digmaang sibil sa pabagsak na Srivijaya, kung saan ang mga tapat na datung Malay sa Srivijaya ay nilabanan ang pananakop ng Dinastiyang Chola at ang papet na Raha nitong si Makatunao, at nagtatag ng isang estadong gerilya sa Kabisayaan. Ang datu na nagtatag sa Madyaas na si Puti, ay bumili ng lupa para sa kaniyang kaharian mula sa isang katutubong Ati na si Marikudo. Itinatag ang Madyaas sa Panay (ipinangalan mula sa estado ng Pannai na kaalyado ng Srivijaya na nasa Sumatra). Pagkatapos, madalas na nilulusob ng mga taga-Madyaas ang mga daungang panlungsod sa katimugang Tsina at nakipaggulo sa hukbong pandagat ng Tsina.

Kalapit ng Madyaas sa Kabisayaan ang Kaharian ng Cebu na pinamunuan ni Rahamuda Sri Lumay, isang maharlika na may liping Tamil mula sa India. Ipinadala si Sri Lumay ng Chola Maharajah upang sakupin ang Madyaas, subalit sumuway siya at bumuo na lamang ng sarili niyang malayang karahanan. Pawang magkaalyado ang Karahanan ng Butuan at Cebu at napanatili nila ang ugnayan at nagkaroon ng rutang pangkalakalan sa Kutai, isang bansang Hindu sa katimugang Borneo na itinatag ng mga Indiyanong mangangalakal.

Ang pinakamatandang petsa na nagbanggit tungkol sa Kaharian ng Maynila sa Luzon sa kabila ng Ilog Pasig mula Tondo ay may kinalaman sa tagumpay ni Raha Ahmad ng Brunei laban kay Raha Avirjirkaya ng Majapahit, na namuno sa parehong lokasyon bago ang paninirahan ng mga Muslim. Nabanggit rin sa mga tala ng Tsino ang isang bansa na tinatawag na "Luzon". Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa sinaunang Maynila dahil inihayag sa mga tala ng Portuges at Kastila noong mga 1520 na ang Luçon at "Maynila" ay iisa lamang. Bagaman sinasabi ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na dahil wala sa mga nakasaksi na ito ang talagang nakabisita sa Maynila, maaaring tinutukoy lamang ng Luçon ang lahat ng mga bayan ng mga Tagalog at Kapampangan na umusbong sa mga baybayin ng look ng Maynila. Gayun man, mula 1500 hanggang mga 1560, itong mga naglalayag na mga taga-Luzon ay tinatawag sa Portuges Malaka na Luções o "Lusong/Lusung", at nakilahok rin sila sa mga kilusang pang-militar sa Burma (Dinastiyang Toungoo), Kasultanan ng Malaka, at Silangang Timor bilang mga mangangalakal at mersenaryo. Ang isang prominenteng Luções ay si Regimo de Raja, na isang magnate sa mga pampalasa at isang Temenggung (sulat Jawi: تمڠݢوڠ) o gobernador at pulis-punong heneral sa Portuges Malaka. Siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ng kipot ng Malaka, dagat Luzon, at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas.

Sa hilagang Luzon, ang Kaboloan (na ngayo'y nasa Pangasinan) ay nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406-1411, at nakipagkalakal rin ito sa Hapon.

Sa ika-14 na dantaon dumating at nagsimulang lumaganap ang pananampalatayang Islam sa Pilipinas. Noong 1380, sina Karim ul' Makdum at Shari'ful Hashem Syed Abu Bakr, isang Arabong mangangalakal na isinilang sa Johor, dumating sa Sulu mula Melaka at itinatag ang Kasultanan ng Sulu sa pagkumberto sa Raha ng Sulu na si Raha Baguinda Ali at pinakasalan ang kaniyang anak. Sa katapusan ng ika-15 dantaon, pinalaganap ni Shariff Kabungsuwan ng Johor ang Islam sa Mindanao at itinatag naman ang Kasultanan ng Maguindanao. Ang kasultanang uri ng pamahalaan ay lumawak pa patungong Lanao.

Patuloy na lumaganap ang Islam sa Mindanao at umabot sa Luzon. Naging Islamisado ang Maynila sa gitna ng paghahari ni Sultan Bolkiah mula 1485 hanggang 1521. Naisakatuparan ito dahil nilabanan ng Kasultanan ng Brunei ang Tondo sa paggapi kay Raha Gambang sa labanan at matapos ay iniluklok ang Muslim na Raha Salalila sa trono at sa pagtatag ng estadong-papet ng Brunei na ang Kaharian ng Maynila. Pinakasalan din ni Sultan Bolkiah si Laila Mecana, ang anak ng Sultan ng Sulu na si Amir Ul-Umbra upang palawakin ang sakop ng Brunei sa Luzon at Mindanao. Nagpatuloy ang mga Muslim sa pakikipagdigma at nagsagawa ng mga slave-raid laban sa mga Bisaya. Bunga ng pakikilahok sa mga pagsalakay ng mga Muslim, nilipol ng Kasultanan ng Ternate ang Kadatuan ng Dapitan sa Bohol. Nadali rin ang mga karahanan ng Butuan at Cebu ng mga isinagawang slave-raid at nakipagdigma laban sa Kasultanan ng Maguindanao. Kasabay ng mga slave-raid na ito, ay ang panghihimagsik ni Datu Lapu-Lapu ng Mactan laban kay Raha Humabon ng Cebu. Mayroon ding alitan sa teritoryo sa pagitan ng Tondo at ang Islamikong Kaharian ng Maynila, kung saan ang pinuno ng Maynila, na si Raha Matanda, ay humiling ng tulong pang-militar laban sa Tondo mula sa kaniyang mga kamag-anak sa Kasultanan ng Brunei.

Ang mga tunggalian sa pagitan ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan ang nagpadali sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga kapuluan ay kakaunti lamang ang bilang ng mga naninirahang tao dahil sa patuloy na mga nagdaraang unos at pagkakaalitan ng mga kaharian. Samakatuwid, naging madali ang kolonisasyon at ang mga maliliit na estado sa kapuluan ay dagliang nasakop ng Imperyong Kastila at nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Panahon ng mga Kastila

 
Guhit ng isang galyon ng Maynila na ginamit sa gitna ng Kalakalang Maynila-Acapulco.

Sinakop at inangkin ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel López de Legazpi, ang mga pulo noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong "Las Islas Filipinas" ayon sa ngalan ni Haring Felipe II.[10] Kaagad na ipinakilala at ipinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ng pananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaong pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula sa Bireynato ng Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan sa Galyon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon.

Itinatag ng punong panlalawigan José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Samahang Pangkalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Bagong Espanya.

Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burges, binubuo ng mga nakapag-aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-sama silang sumigaw para sa kalayaan. Dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan (Luneta ngayon) dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.

Panahon ng mga Amerikano at ang Pananakop ng mga Hapon

Noong taon ding iyon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupan na ang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas at itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang hinirang na pangulo, ngunit hindi ito kinilala noong dalawang bansa.

 
Labanan sa pagitan ng mga mandirigmang Moro at mga sundalong Amerikano noong Digmaang Pilipino-Amerikano, 1913.
 
Ang mga sundalong Hapon sa Bataan noong 1942, sa gitna ng kanilang pagpapalawak ng teritoryo ng Imperyo ng Hapon sa Asya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang pagtanggi ng mga Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng mga Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang planong pagkalooban ng kalayaan ang bansa ay naudlot nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinakop ng Imperyong Hapon ang bansa at itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.[11]

Maraming mga krimen ng digmaan ang ginawa ng mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop. Ang mga gerilya ay nagpatuloy sa kanilang pang-haharas sa mga Hapones. Bumalik sa bansa ang mga Amerikano noong Oktubre 1944. Tuluyang natalo ang mga Hapones noong 1945. Halos isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Naging isa sa mga unang naging kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Pilipinas. Noong 4 Hulyo 1946 ay ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas.

Panahon ng Ikatlong Republika at Rehimeng Marcos

 
Ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946. Ipinapakita nito ang pagbaba sa watawat ng Estados Unidos habang itinataas naman ang watawat ng Pilipinas.

Noong 11 Oktubre 1945, naging isa ang Pilipinas sa mga unang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa at sa sumunod na taon, sa 4 Hulyo 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas, sa gitna ng pagkapangulo ni Manuel Roxas. Ang mga natitirang kasapi ng komunistang Hukbalahap ay nagpatuloy ang presensya sa bansa ngunit nasupil ito ng sumunod kay Pangulong Elpidio Quirino na si Ramon Magsaysay. Ang sumunod kay Magsaysay na si Carlos P. García, ay nilikha naman ang patakarang "Pilipino Muna" na itinuloy ni Diosdado Macapagal. Sa panunungkulan ni Macapagal, inilipat ang araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 at ginawang Hunyo 12, na siyang araw na inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Habang pinaigting naman ang pagbawi sa Sabah.

Noong 1965, natalo si Macapagal sa pampanguluhang halalan kay Ferdinand Marcos.[12] Sa kaniyang pagkapangulo, pinasimulan ni Marcos ang proyektong pang-imprastraktura ngunit napagbintangan naman ng malawakang katiwalian at lumustay ng bilyun-bilyong dolyar sa pampublikong pondo. Noong malapit na matapos ang termino ni Marcos ay nagpahayag siya ng batas militar noong 21 Setyembre 1972.[13] Ang panahong ito ay inilalarawan bilang panahon ng pampulitikang panunupil, pangtatakip, at paglabag sa karapatang pantao.[14][15] Itinatag sa mga pangunahing industriya ang monopolyo na kontrolado ng mga kroni ni Marcos,[16] kabilang ang pagtotroso at pagsasahimpapawid; ang monopolyo sa asukal ang siyang humantong sa taggutom sa pulo ng Negros sa kalagitnaan ng dekada 1980s.[17][18]

 
Deklarasyon ng Batas Militar, sa uluhan ng Sunday Express.

Kasama ang kanyang asawang si Imelda, inakusahan si Marcos ng katiwalian at paglustay ng bilyun-bilyong dolyar ng pondong pampubliko.[19][20] Ang mabigat na pangungutang ni Marcos sa unang bahagi ng kanyang pagkapangulo ay nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya, na pinalala ng recession noong unang bahagi ng dekada 1980s kung saan ang ekonomiya ay kumurot ng 7.3 porsiyento taun-taon noong 1984 at 1985.[21]

Noong 21 Agosto 1983, ang kalaban ni Marcos at pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino, Jr., ay pinaslang sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila.[22] Sa huli, nagpatawag si Marcos ng dagliang halalan sa 1986. Si Marcos ang inihayag na nanalo, ngunit ang mga resulta ay itinuring na may daya, na humantong sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan.[23][24] Si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado ay lumipad patungong Hawaii, at ang maybahay ni Benigno Aquino na si Corazon Aquino ay kinilala naman bilang pangulo.[23]

Panahon ng Ikalimang Republika (1986 – kasalukuyan)

Sa pagbabalik ng demokrasya at reporma sa pamahalaan noong Pebrero 1986, hinarap ng administrasyong Corazon Aquino ang problema sa malaking utang, korapsyon, at mga kudeta.[25] Isang paghihimagsik ng mga komunista at labanang militar sa mga separatistang Moro ang nagpatuloy;[26] humarap din sa sunud-sunod na mga sakuna ang administrasyon, kabilang ang lindol sa Luzon noong Hulyo 1990, at ang pagsabog ng Bundok Pinatubo noong Hunyo 1991.

Hinalinhan ni Fidel V. Ramos si Aquino noong Hunyo 1992, na nagliberalisado sa pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng pribatisasyon at deregulasyon.[27] Ang mga natamo ni Ramos sa ekonomiya ay natabunan ng pagsisimula ng krisis sa pananalapi ng Asya noong 1997.[28] Inuna ng kanyang kahaliling si Joseph Estrada ang pampublikong pabahay,[29] ngunit naharap ito sa mga paratang sa katiwalian na humantong sa kanyang pagpapatalsik sa pamamagitan ng Ikalawang Himagsikan ng Lakas ng Bayan at ang paghalili ni Pangalawang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 20 Enero 2001.[30]

Minarkahan ng paglago ng ekonomiya ang siyam na taong administrasyon ni Arroyo, ngunit nabahiran ito ng katiwalian at mga iskandalo sa pulitika,[31] kabilang ang mga alegasyon ng pandaraya sa halalang pampanguluhan sa Pilipinas noong 2004.[32] Nagpatuloy ang paglago ng ekonomiya sa panahon ng administrasyon ni Benigno Aquino III, na nagtataguyod ng mabuting pamamahala at kalinawan.[33][34] Nilagdaan ni Aquino III ang isang kasunduang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagresulta sa pagbuo ng Bangsamoro Organic Law na siyang bumuo sa rehiyong nagsasarili ng Bangsamoro, ngunit naantala ang pagpasa ng batas dahil sa pakikipagbarilan ng mga rebeldeng MILF sa Mamasapano.[35][36]

Naglunsad ng isang programa sa imprastraktura at isang kampanya laban sa droga si Rodrigo Duterte,[37] na siyang nahalal na pangulo noong 2016,[38] na bagaman nagpababa sa paglaganap ng droga, ay nagdulot ng libu-libong mga extrajudicial killing sa bansa.[39] Ipinagtibay ang Bangsamoro Organic Law noong 2018. Sa unang bahagi ng 2020, nakarating sa Pilipinas ang pandemya ng COVID-19;[40][41] Lumiit sa 9.5% ang kabuuang domestikong produkto ng bansa, ang pinakamasamang taunang pagganap sa ekonomiya ng bansa mula noong taong 1947.[42] Nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas ang anak ni Ferdinand Marcos Sr. na si Bongbong Marcos.

Heograpiya

Tingnan din: Mga Ekorehiyon sa Pilipinas
 
Ang topograpiya ng Pilipinas.
 
Ang Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng 7,641 mga pulo na ang kabuoan ng sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa 300,000 square kilometer (120,000 mi kuw).[43] Ang baybayin nito na ang sukat ay 36,289 kilometro (22,549 mi) ang dahilan kung bakit ikalima ang Pilipinas sa pinakamalawak ang baybayin sa buong daigdig.[44] Nasa pagitan ito ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at humahangga sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Sulawesi sa Timog (kasalukuyang Dagat Celebes). Ang pulo ng Borneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay nasa hilaga.[45] Ang labing-isang pinakamalaking isla ng bansa ay ang Luzon, Mindanao, Samar, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Leyte, Cebu, Bohol at Masbate, na bumubuo sa humigit-kumulang siyamnapu't-limang porsiyento ng kabuuang lawak ng bansa.[46]

Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabog ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay ang Bundok Apo sa Mindanao. Ang sukat nito ay 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat. Ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ay ang Ilog Cagayan sa hilagang Luzon, na umaagos ng humigit-kumulang 520 kilometro (320 mi).[47]

Ginamit ng mga Ifugao/Igorot ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe upang magtanim ng mga pananim sa matarik na bulubunduking bahagi ng Hilagang Pilipinas.

Ang Pilipinas ay napapaloob din sa tinatawag na Singsing ng Apoy ng Pasipiko na isa sa pinakaaktibong fault areas sa buong daigdig.[48][49][50] Humigit-kumulang limang lindol ang naitala araw-araw, bagaman karamihan ay masyadong mahina para maramdaman. Maraming bulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon.

Klima

Ang pampook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan). Ang bansa rin ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo taon-taon.

Politika

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
 
Si Ferdinand Marcos Jr., ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.

Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang punong kumandante ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa gabinete.

Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.

Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.

Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababà sa 225 kinatawan.

Ang sangay panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman, ang Punong Mahistrado ang namumuno nito at may 14 na Kasamang Mahistrado, lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.

Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin ay pagsasakdal, katulad ng nangyari sa dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dating Punong Mahistrado na si Renato Corona dahil sa pagiging tuta niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang pagsakdal noon sapagkat kusang umalis sa Malakanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Pangalawang Pangulo nitong si Gloria Macapal ang fice

Ugnayan sa ibang bansa

 
Pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vladimir Putin ng Rusya sa gitna ng pulong-panguluhan ng Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko sa Peru, 2016.

Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Ekonomikong Kooperasyon sa Asya-Pasipiko, isang kasapi ng Pangkat ng 24 at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 24 Oktubre 1945.

Pinapahalagahan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos. Sinuportahan ng Pilipinas ang Amerika sa Digmaang Malamig at ang Digmaang Pangterorismo at isang pangunahing kaalyado na hindi kasapi ng Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko. Ang mga ugnayan sa iba pang mga bansa ay maayos sa pangkalahatan. Ang ibinahaging pagpapahalaga sa demokrasya ay nagpapagaan sa ugnayan sa mga bansa sa kanluran at Europa. Habang ang parehong pang-ekonomiyang aalahanin ay nakatutulong sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansang papaunlad pa lamang. Ang makasaysayang ugnayan at pagkakahalintulad sa kalinangan ay nagsisilbi rin bilang tulay sa pakikipagugnayan sa Espanya. Sa kabila ng mga isyu tulad ng pagmamalabis at mga digmaang nakadudulot sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat, ang ugnayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan ay mabuti, na nakikita ito sa patuloy na pagbibigay hanapbuhay sa mahigit dalawang milyong Pilipinong naninirahan doon.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Kapuluang Spratly na masagana ng langis at likas na petrolyo. Ito rin ay may 'di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing ibinigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "upa" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia.

Mga rehiyon at lalawigan

Ang Pilipinas ay nababahagi sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mga lalawigan ang pangunahin na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 85 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nababahagi pa sa mga lungsod at bayan, na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pampook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 23 mga rehiyon para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pampook, maliban sa Bangsamoro at Kordilyera, na mga nagsasariling rehiyon.

Tumungo sa mga lathala ng mga rehiyon at mga lalawigan upang makita ang mas malaking larawan ng mga kinalalagyan ng mga bahagi at lalawigan.

Ekonomiya

Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay mababang gitnang sahod (lower middle income)[51]. Ang GDP kada tao ayon sa Purchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia [52]. Ang GDP kada tao ayon sa PPP ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa pamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa indeks ng pagiging madaling magnegosyo o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa Corruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon.[53]

Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas.[54] Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mga sektor ng serbisyo gaya ng industriyang pagluluwas ng semikondaktor, telekomunikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remitans o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti.[54] Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay.[54]

Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[55][56] Ito ay itinuturo ng mga ekonomista sa mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimen ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 na nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[56] Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang.[57] Sa ilalim ni Marcos, ang kapitalismong kroni at monopolyo ay itinatag kung saan ang kanyang mga kroni ay malaking nakinabang.[58] Sa ilalim ni Marcos, ang Pilipinas ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar mula kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maluklok siya sa puwesto noong 1965. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025.[59]

Ang Pilipinas ang ika-43 pinakamalaki sa buong daigdig ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas, na may tinatayang $224.754 bilyon GDP (nominal) noong 2011.[60] Kinabibilangan ng mga kalakal na iniluluwas ang mga semiconductor at mga kalakal na eletroniko, mga kagamitang pang-transportasyon, damit, mga produkto mula sa tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at mga prutas.[2] Pangunahing kinakalakal ito sa mga bansang Estados Unidos, Japon, China, Singapur, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemania, Taiwan, at Tailandia.[2]

Ang Lungsod ng Makati sa Kalakhang Maynila, ang sentrong lungsod pampinansiyal ng bansa.

Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuoang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon[2], 32% nito ay naghahanapbuhay sa sektor ng agrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP.[61][62]

Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansiyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asia. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.

Ang estratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti sa impraestruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis upang paigtingin ang kita ng pamahalaan, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pagkalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakasalalay sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumunò ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korapsyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuoang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang nang 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.

Transportasyon

 
Isang bahagi ng North Luzon Expressway.

Ang imprastrakturang pantransportasyon sa Pilipinas ay hindi gaanong maunlad. Ito ay dahil sa bulubunduking lupain at kalat-kalat na heograpiya ng kapuluan, ngunit bunga rin ito ng mababang pamumuhunan ng mga nakalipas na pamahalaan sa imprastraktura. Noong 2013, humigit-kumulang 3% ng pambansang GDP ay napunta sa pagpapa-unlad ng imprastraktura – higit na mas-mababa kung ihahambing sa karamihan sa mga karatig-bansa nito.[63][64] May 216,387 kilometro (134,457 milya) ng mga daan sa Pilipinas; sa habang ito, tanging 61,093 kilometro (37,961 milya) lamang ng mga daan ay nailatag.[65]

Madalas makakakuha ng mga bus, dyipni, taksi, at de-motor na traysikel sa mga pangunahing lungsod at bayan. Noong 2007, may humigit-kumulang 5.53 milyong mga nakarehistrong sasakyang de-motor. Dumarami nang 4.55% sa bawat taon ang mga pagpaparehistro ng mga sasakyan.[66]

Nangangasiwa ang Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas sa mga paliparan at sa pagpapatupad ng mga polisiyang may kinalaman sa ligtas na paglalakbay sa himpapawid[67][68] na may 85 gumaganang pampublikong paliparan magmula noong 2014.[69] Naglilingkod ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) sa Malawakang Maynila kasama ang Paliparang Pandaigdig ng Clark. Ang Philippine Airlines, ang pinakamatandang kompanyang panghimpapawid sa Asya na umiiral pa rin sa ilalim ng orihinal na pangalan nito, at ang Cebu Pacific, ang pangunahing pang-mababang presyo na kompanyang panghimpapawid, ay mga pangunahing kompanyang panghimpapawid na naglilingkod sa karamihang mga panloob at pandaigdigang destinasyon.[70][71][72]


Karamihang matatagpuan sa Luzon ang mga mabilisang daanan at lansangan kasama ang Pan-Philippine Highway na nag-uugnay ng mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao,[73][74] ang North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, at ang Subic–Clark–Tarlac Expressway.[75][76][77][78][79][80]

 
Isang tren ng Linya 2 sa Estasyong Santolan.

May papel lamang ang transportasyong daambakal sa Pilipinas sa paglululan ng mga pasahero sa loob ng Kalakhang Maynila. Ang rehiyon ay pinaglilingkuran ng tatlong mga linya ng mabilis na lulan: Linya 1, Linya 2 at Linya 3.[81][82][83] Noong nakaraan, nagsilbi ang mga daambakal sa mga pangunahing bahagi ng Luzon, at magagamit ang mga serbisyong daambakal sa mga pulo ng Cebu at Negros. Ginamit din ang mga daambakal para sa mga layong pang-agrikuktura, lalo na sa paggawa ng tabako at tubo. Halos wala nang transportasyong pangkargamento sa riles magmula noong 2014. Ilang nga sistemang transportasyon ay nasa ilalim ng pagpapa-unlad: nagpapatupad ang DOST-MIRDC at UP ng mga unang pag-aaral ukol sa Automated Guideway Transit.[84][85][86] Magmula noong 2015 sinusubok din ang kung-tawaging "Hybrid Electric Road Train" na isang mahabang bi-articulated bus.[87][88][89]

Bilang isang kapuluan, kadalasang kinakailangan ang paglalakbay sa mga pulo-pulo gamit ang sasakyang pandagat.[90] Ang mga pinaka-abalang pantalang pandagat ay Maynila, Batangas, Subic, Cebu, Iloilo, Dabaw, Cagayan de Oro, at Zamboanga.[91] Naglilingkod ang 2GO Travel at Sulpicio Lines sa Maynila, na may mga ugnay sa iba't-ibang mga lungsod at bayan sa pamamagitan ng mga pampasaherong bapor. Ang 919-kilometro (571 milyang) Strong Republic Nautical Highway (SRNH), isang pinagsamang set ng mga bahagi ng lansangan at ruta ng ferry na sumasaklaw sa 17 mga lungsod, ay itinatag noong 2003.[92] Naglilingkod ang Pasig River Ferry Service sa mga pangunahing ilog sa Kalakhang Maynila, kasama ang Ilog Pasig at Ilog Marikina na may mga estasyon sa Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasig at Marikina.[93][94]

Demograpiya

 
Kapal ng bilang ng tao sa bawat lalawigan magmula noong 2009 sa bawat kilometro kuwadrado.

Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon.[95] Sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685.[96] Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na ang populasyon ay humihigit sa 94 milyon.

Tinatayang ang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu.[97][98] 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang.[2] Ang tinatayang haba ng buhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga lalaki.[99]

May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas.[100] Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ng Estados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga taong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito.[101][102] Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo ng ikalawang pinakamalaking pangkat sunod sa Mehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya.[103] May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasa Arabyang Saudi.[104]

10 Pinakamataong Rehiyon sa Pilipinas (2015)[105]
Puwesto Itinalaga Pangalan Lawak Bilang ng tao (magmula noong 2015) Kapal ng bilang ng tao
Ika-1 Rehiyon IV Calabarzon 16,873.31 km2 (6,514.82 mi kuw) 14,414,744 850/km2 (2,200/mi kuw)
Ika-2 NCR Pambansang Punong Rehiyon 619.57 km2 (239.22 mi kuw) 12,877,253 21,000/km2 (54,000/mi kuw)
Ika-3 Rehiyon III Gitnang Luzon 22,014.63 km2 (8,499.90 mi kuw) 11,218,177 510/km2 (1,300/mi kuw)
Ika-4 Rehiyon VII Gitnang Kabisayaan 10,102.16 km2 (3,900.47 mi kuw) 6,041,903 600/km2 (1,600/mi kuw)
Ika-5 Rehiyon V Rehiyon ng Bikol 18,155.82 km2 (7,010.00 mi kuw) 5,796,989 320/km2 (830/mi kuw)
Ika-6 Rehiyon I Rehiyon ng Ilocos 16,873.31 km2 (6,514.82 mi kuw) 5,026,128 300/km2 (780/mi kuw)
Ika-7 Rehiyon XI Rehiyon ng Dabaw 20,357.42 km2 (7,860.04 mi kuw) 4,893,318 240/km2 (620/mi kuw)
Ika-8 Rehiyon X Hilagang Mindanao 20,496.02 km2 (7,913.56 mi kuw) 4,689,302 230/km2 (600/mi kuw)
Ika-9 Rehiyon XII Soccsksargen 22,513.30 km2 (8,692.43 mi kuw) 4,575,276 200/km2 (520/mi kuw)
Ika-10 Rehiyon VI Rehiyon ng Panay 12,828.97 km2 (4,953.29 mi kuw) 4,477,247 350/km2 (910/mi kuw)

Mga pinakamalaking lungsod

Pangkat-tao

 
Mga pangunahing pangkat etniko sa bawat lalawigan.
 
Ang mga katutubong Aeta (itaas) at mga Igorot (ibaba).
 
Ang mga Subanon ng Zamboanga.

Ayon sa pagtatala noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabilang sa iba pang mga pangkat,[2][106] na kinabibilangan ng mga Moro, Kapampangan, Pangasinense, mga Ibanag at mga Ibatan.[107] Mayroon ding mga katutubong mga pangkat gaya ng mga Igorot, mga Lumad, Mangyan, Badjao, at mga pangkat-etniko ng Palawan. Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta, at ang mga Ati, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan.[108] Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsiyento. Ang mga Aeta o Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kapalaran nila ay katulad din ng sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga katutubong Australyano at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila na napasanib at napahalo sa mga etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng "sistematikong pag-aalis" noon.

Ayon sa tala ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng mamamayan ay pangkat Malay, mga ninuno ng mga nandarayuhan mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristiyano. Ang mga mestiso, na may halong lahing Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliit ngunit makapangyarihan na pangkat pagdating sa ekonomiya at pamahalaan. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indiyan, at Arabo, at mga katutubong Negrito na nakatira sa mga malalayong pook at kabundukan.

Kabilang sa mga wikang banyaga sa Pilipinas ang Ingles; (Mandarin, Hokyen at Kantones); Ang Ingles; Hapones; Hindu ay mula sa mga kasapi ng pamayanan ng mga, Indiyan, mga Amerikano, ay mula sa kanilang, Munting Indiya o LittleIndia pook ng korea o Koreatown, pook ng mga Amerikano o Americantown at mga Munting Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang paggamit ng dalawang wika na Mandarin/English; Arabe sa mga kasapi ng pamayanang Muslim o Moro; at Espanyol, na pangunahing wika ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng mamamayan. Gayun pa man, ang tanging nabubuhay na wikang halong Asyatiko-Espanyol, na ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang paggamit ng opisyal na pambansang wika na ang Filipino na de facto na batay sa Tagalog. Itinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng taongbayan bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang pangunahing wika at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, pag-aaral at pangkabuhayan.

Wika

Bilang ng tao sa unang wika (2010)
Wika Mananalita
Tagalog 22,512,089
Sebwano 19,665,453
Ilokano 8,074,536
Hiligaynon 7,773,655
Waray 3,660,645
Iba pang mga katutubong wika/diyalekto 24,027,005
Iba pang mga dayuhang wika/diyalekto 78,862
Hindi iniulat/hindi inihayag 6,450
KABUUAN 92,097,978
Pinagkunan: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas[109]

Ayon sa pinakabagong saliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mayroong 131 wikang buhay sa Pilipinas. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang Austronesyo.[110]

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas na ibinatay sa Tagalog ngunit patuloy na nililinang at pinapagyayaman batay sa mga iba pang wika ng Pilipinas. Pangunahin itong sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapuwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyonal gaya ng Bikolano, Sebwano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang Wikang Kastila at Arabe ay itaguyod nang kusa at opsiyonal.[111]

Pananampalataya

 
Simbahan ng Paoay

Ang Pilipinas ay bansang sekular na may saligang batas na naghihiwalay sa simbahan at estado. Subalit, ang mahigit sa 80% ng populasyon ay Kristiyano: ang karamihan ay mga Katoliko samantalang ang 10% ng mga Pilipino ay kasapi sa ibang denominasyong Kristiyano, gaya ng Iglesia ni Cristo, ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios o Dating Daan, ang Iglesia Filipina Independiente, Ang Nagkaisang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, Sabadista, Born Again Groups at ang Mga Saksi ni Jehova. Sa kabila ng mga relihiyong ito, hindi dapat mawala ang ating pananalig sa Panginoong Diyos.[112] Bunga ng impluwensiya ng kulturang Kastila, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Asya na may pinakamaraming Katoliko, na sinundan ng Silangang Timor, isang dating kolonya ng Portugal.

Ayon sa Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim noong 2012, tinatayang nasa 11% ng mga Pilipino ang naniniwala sa Islam[113], na ang karamihan sa mga ito ay mga Sunni. Sa katunayan, ang karamihan ng mga taga-katimugang Pilipinas ay mga Muslim.

Pag-aaral

 
Ang Pamantasan ng Santo Tomas, na itinatag noong 1611, ay ang pinakamatandang pamantasan sa Asya.

Iniulat ng Tanggapan ng Pambansang tagatala ng Pilipinas na ang payak na kamuwangan ng Pilipinas ay nasa 93.4% at ang nagagamit na kamuwangan ay nasa 84.1% noong 2003.[2][62][114] Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at lalaki.[2] Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP.[2] Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taong pampaaralan ng 2009-2010[115] samantalang itinala ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, ang 607 dito ay pampubliko at ang 1,573 ay mga pribado.[116]

May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasama sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nakasasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral.[117]

Kalinangan at kaugalian

 
Mga mananayaw ng Tinikling.
 
Ang batong bahay ng mga Ibatan sa Batanes. Isang magandang halimbawa ng arkitekturang Pilipino. Ang bahay ay gawa sa apog at sagay habang ang bubong nito'y sa kugon.
 
Ang pista ng Kadayawan sa lungsod ng Dabaw.
 
Tinola, ang pagkaing kilala na binanggit sa nobelang Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) ni José Rizal.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang o pangkaugalian na nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.

Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na isinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-kabahagian para sa mga (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahin na wika at kumalat.

Sa karagdagan, ang panitikan o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno) at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay nasa sa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, 22 wika ang alam: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng karikatyur, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, makabayan, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikolohista, siyentista, manlililok, sosyolohista, at teologo. Pilipino ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) – si Carlos Peña Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana rito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Hagdan-hagdang Palayan o Pay-yo ng Kordilyera, na kinikilala ring ikawalong nakakahangang-yaman ng daigdig.

Midya

 
Si Lino Brocka, isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng pelikula.

Ang pangunahing wika na ginagamit sa midya sa Pilipinas ay ang Filipino at Ingles. Ginagamit din naman ang ibang mga wika sa Pilipinas, lalo na sa mga radyo dahil sa kakayahan nitong maabot ang mga malalayong pook na maaaring hindi kayang maabot ng ibang uri ng midya. Ang mga pangunahing himpilang pantelebisyon sa Pilipinas ay ang ABS-CBN, GMA at TV5 na may malawak din na serbisyong panradyo.[118]

Ang industriya ng aliwan o tinatawag na showbiz ay makulay at nagbibigay laman sa mga pahayagan at peryodiko ng mga detalye tungkol sa mga artista. Tinatangkilik din ang mga teleserye gaya rin ng mga telenobelang Latino, Asyano (partikular ang mga dramang Koreano) at mga anime. Ang mga pang-umagang palabas ay pinangingibabawan ng mga game shows, variety shows, at mga talk shows gaya ng Eat Bulaga at It's Showtime.[119] Tanyag din ang mga Pelikulang Pilipino at mayroong mahabang kasaysayan, subalit nahaharap sa matinding kompetensiya mula sa mga pelikulang banyaga. Kabilang sa mga pinagpipitagang direktor si Lino Brocka para sa pelikulang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga nakalipas na mga taon nagiging pangkaraniwan ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa telebisyon at pelikula at pagkatapos ay ang pagpasok sa politika na pumupukaw ng pangamba.[120]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-17. Nakuha noong 2017-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 Central Intelligence Agency. (2009-10-28). "Silangan at Timog-Silangang Asya :: Pilipinas". The World Factbook. Washington, DC: Author. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-19. Nakuha noong 2009-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Gini Index". World Bank. Nakuha noong 2 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Human Development Report 2019" (PDF). United Nations Development Programme. 2019. Nakuha noong 9 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lucas, Brian (Agosto 2005). "Which side of the road do they drive on?". Nakuha noong 22 Pebrero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Cudis, Christine (27 Disyembre 2021). "PH 2021 population growth lowest in 7 decades". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "1973 Constitution of the Republic of the Philippines". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). 17 Enero 1973. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hunyo 2017. Nakuha noong 15 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ingicco et al. 2018
  9. Détroit, Florent; Dizon, Eusebio; Falguères, Christophe; Hameau, Sébastien; Ronquillo, Wilfredo; Sémah, François (2004). "Upper Pleistocene Homo sapiens from the Tabon cave (Palawan, The Philippines): description and dating of new discoveries" (PDF). Human Palaeontology and Prehistory. Elsevier. 3 (2004): 705–712. Bibcode:2004CRPal...3..705D. doi:10.1016/j.crpv.2004.06.004. ISSN 1631-0683. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Pebrero 2015. Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Wing, J.T. (2015). Roots of Empire: Forests and State Power in Early Modern Spain, c.1500–1750. Brill's Series in the History of the Environment. Brill. p. 109. ISBN 978-90-04-26137-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2024. Nakuha noong 8 Mayo 2024. At the time of Miguel López de Legazpi's voyage in 1564-5, the Philippines were not a unified polity or nation.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Rankin, Karl L. (25 Nobyembre 1943). "Introduction". Document 984 (Ulat). Foreign Relations of the United States: Diplomatic Papers, 1943, The British Commonwealth, Eastern Europe, the Far East. Bol. III. Office of the Historian. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2017. Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Timberman, David G. (1991). A Changeless Land: Continuity and Change in Philippine Politics. Armonk, N.Y.: M.E. Sharpe. ISBN 978-981-3035-86-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Hastedt, Glenn P. (1 Enero 2004). "Philippines". Encyclopedia of American Foreign Policy (sa wikang Ingles). New York, N.Y.: Facts On File. p. 392. ISBN 978-1-4381-0989-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Mayo 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024. {{cite ensiklopedya}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Leary, Virginia A.; Ellis, A. A.; Madlener, Kurt (1984). "Chapter 1: An Overview of Human Rights". The Philippines: Human Rights After Martial Law: Report of a Mission (PDF) (Ulat). Geneva, Suwisa: International Commission of Jurists. ISBN 978-92-9037-023-9. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 29 Marso 2014. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. van Erven, Eugène (1992). The Playful Revolution: Theatre and Liberation in Asia (sa wikang Ingles). Bloomington, Ind.: Indiana University Press. p. 35. ISBN 978-0-253-20729-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Kang, David C. (24 Enero 2002). Crony Capitalism: Corruption and Development in South Korea and the Philippines (sa wikang Ingles). Cambridge, England: Cambridge University Press. p. 140. ISBN 978-0-521-00408-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Francisco, Katerina (22 Setyembre 2016). "Martial Law, the dark chapter in Philippine history". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Setyembre 2016. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Manapat, Ricardo (1991). Some are smarter than others: the history of Marcos' crony capitalism. New York: Aletheia Publications. ISBN 9719128704. OCLC 28428684.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. SarDesai, D. R. (4 Disyembre 2012). Southeast Asia: Past and Present (sa wikang Ingles) (ika-7th (na) edisyon). Westview Press. ISBN 978-0-8133-4838-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Vogl, Frank (Setyembre 2016). Waging War on Corruption: Inside the Movement Fighting the Abuse of Power (sa wikang Ingles). Boulder, Colo.: Rowman & Littlefield. p. 60. ISBN 978-1-4422-1853-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Raquiza, Antoinette R. (17 Hunyo 2013). State Structure, Policy Formation, and Economic Development in Southeast Asia: The Political Economy of Thailand and the Philippines. Routledge Studies in the Growth Economies of Asia (sa wikang Ingles). Londres, Inglatera: Routledge. pp. 40–41. ISBN 978-1-136-50502-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Pebrero 2024. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Quinn-Judge, Paul (7 Setyembre 1983). "Assassination of Aquino linked to power struggle for successor to Marcos". The Christian Science Monitor (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2015. Nakuha noong 2 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 Fineman, Mark (27 Pebrero 1986). "The 3-Day Revolution: How Marcos Was Toppled". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2020. Nakuha noong 2 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Burgess, John (21 Abril 1986). "Not All Filipinos Glad Marcos Is Out". Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2023. Nakuha noong 2 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Kingsbury, Damien (13 Setyembre 2016). Politics in Contemporary Southeast Asia: Authority, Democracy and Political Change. London, England: Routledge. p. 132. ISBN 978-1-317-49628-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Mydans, Seth (14 Setyembre 1986). "Philippine Communists Are Spread Widely, but Not Thinly". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Pecotich, Anthony; Shultz, Clifford J., mga pat. (22 Hulyo 2016). Handbook of Markets and Economies: East Asia, Southeast Asia, Australia, New Zealand: East Asia, Southeast Asia, Australia, New Zealand (sa wikang Ingles). Armonk, N.Y.: M. E. Sharpe. ISBN 978-1-315-49875-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2023. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Gargan, Edward A. (11 Disyembre 1997). "Last Laugh for the Philippines; Onetime Joke Economy Avoids Much of Asia's Turmoil". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Rebullida, Ma. Lourdes G. (Disyembre 2003). "The Politics of Urban Poor Housing: State and Civil Society Dynamics" (PDF). Philippine Political Science Journal. Philippine Political Science Association. 24 (47): 56. doi:10.1080/01154451.2003.9754247. S2CID 154441392. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 11 Mayo 2021. Nakuha noong 8 Mayo 2024. {{cite journal}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Landler, Mark (9 Pebrero 2001). "In Philippines, The Economy As Casualty; The President Ousted, a Credibility Repair Job". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Hutchcroft, Paul D. (Paul David) (2008). "The Arroyo Imbroglio in the Philippines". Journal of Democracy. Johns Hopkins University Press. 19 (1): 141–155. doi:10.1353/jod.2008.0001. ISSN 1086-3214. S2CID 144031968. Nakuha noong 8 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Project MUSE.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. McCoy, Alfred W. (15 Oktubre 2009). Policing America's Empire: The United States, the Philippines, and the Rise of the Surveillance State (sa wikang Ingles). Madison, Wis.: University of Wisconsin Press. p. 498. ISBN 978-0-299-23413-3. Nakuha noong 8 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Lum, Thomas; Dolven, Ben (15 Mayo 2014). The Republic of the Philippines and U.S. Interests—2014. CRS Reports (Ulat). Congressional Research Service. OCLC 1121453557. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2022. Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Lucas, Dax (8 Hunyo 2012). "Aquino attributes growth to good governance". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Rizal G. Buendia (2015). "The Politics of the Bangsamoro Basic Law". Yuchengco Center. doi:10.13140/RG.2.1.3954.9205/1. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Clapano, Jose Rodel (3 Pebrero 2016). "Congress buries Bangsamoro bill". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Vera, Ben O. de (6 Agosto 2020). "Build, Build, Build's 'new normal': 13 projects added, 8 removed". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Go, Miriam Grace (9 Mayo 2017). "LISTEN: Duterte's 1st interview as apparent winner in 2016 polls". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Romero, Alexis (26 Disyembre 2017). "Duterte gov't probing over 16,000 drug war-linked deaths as homicide, not EJK". Philippine Star. Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Gonzalez, Mia (30 Marso 2020). "Philippines confirms 1st case of novel coronavirus". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Cordero, Ted (7 Marso 2020). "CODE RED ALERT UP: DOH recommends declaration of public health emergency after COVID-19 local transmission". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Venzon, Cliff (28 Enero 2021). "Philippines GDP shrinks 9.5% in 2020, worst since 1947". Nikkei Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Know before you go: the Philippines". National Geographic (sa wikang Ingles). 4 Hunyo 2019. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Central Intelligence Agency. (2009). "Field Listing :: Coastline" Naka-arkibo 2017-07-16 sa Wayback Machine.. Washington, DC: Author. Retrieved 2009-11-07.
  45. "Philippines - A country profile". Eye on Asia (sa wikang Ingles). Pamahalaan ng Singapura. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Chaffee, Frederic H.; Aurell, George E.; Barth, Helen A.; Betters, Elinor C.; Cort, Ann S.; Dombrowski, John H.; Fasano, Vincent J.; Weaver, John O. (Pebrero 1969). Area Handbook for the Philippines (sa wikang Ingles). Washington, D.C.: U.S. Government Printing Office. p. 6. OCLC 19734. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2023. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. College of Forestry and Natural Resources, University of the Philippines Los Baños. Climate-Responsive Integrated Master Plan for Cagayan River Basin; Volume I – Executive Summary (PDF). River Basin Control Office (Ulat). Department of Environment and Natural Resources. p. 5. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 30, 2020. Nakuha noong Hulyo 30, 2020.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Rodell, Paul A. (2002). Culture and Customs of the Philippines. Culture and Customs of Asia. Westport, Conn.: Greenwood Press. ISBN 978-0-313-30415-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Pebrero 2024. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Berckhemer, H.; Hsü, K., mga pat. (1982). Alpine-Mediterranean Geodynamics. Geodynamics Series (sa wikang Ingles). Bol. 7. Washington, D.C.: American Geophysical Union. p. 31. ISBN 978-978-087-590-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2023. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Frohlich, Cliff (Mayo 4, 2006). Deep Earthquakes. Cambridge, England: Cambridge University Press. p. 421. ISBN 978-0-521-82869-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2023. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. List_of_countries_by_GNI_%28nominal,_Atlas_method%29_per_capita (sa Ingles)
  52. List_of_Asian_countries_by_GDP_per_capita (sa Ingles)
  53. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-28. Nakuha noong 2013-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. 54.0 54.1 54.2 "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-04-27. Nakuha noong 2013-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-11-07. Nakuha noong 2013-10-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. 56.0 56.1 http://www.state.gov/outofdate/bgn/philippines/195236.htm
  57. http://books.google.com/books?id=z1cpiEJMAi8C&pg=PA295
  58. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-14. Nakuha noong 2015-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
  60. "Report for Selected Countries and Subjects". World Economic Outlook Database, Oktubre 2012. International Monetary Fund. Nakuha noong 9 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Republic of the Philippines. National Statistical Coordination Board. "Third Quarter 2009 Gross National Product and Gross Domestic Product by Industrial Origin". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-29. Nakuha noong 2009-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. 62.0 62.1 Republic of the Philippines. National Statistics Office. (Oktubre 2009). "Quickstat" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-07-11. Nakuha noong 2009-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Arangkada Philippines 2010: A Business Perspective – Infrastructure" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-10-10. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Larano, Cris (3 Hunyo 2014). "Philippines Bets on Better Infrastructure". The Wall Street Journal. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "The CIA World Factbook – Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-19. Nakuha noong 20 Setyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Republic of the Philippines. Land Transportation Office. Number of Motor Vehicles Registered. (29 Enero 2008). Hinango noong 22 Enero 2009.
  67. "Republic Act No, 9447". Civil Aviation Authority of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-16. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Manual of Standards for AERODROMES". Civil Aviation Authority of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-09. Nakuha noong 21 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "Airport Directory". Civil Aviation Authority of the Philippines. Hulyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2013. Nakuha noong 23 Agosto 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "About PAL". Philippineairlines.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 4 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. State of Hawaii. Department of Transportation. Airports Division. [c. 2005]. "Philippine Air Lines". Hawaii Aviation. Hinango noong 9 Enero 2010.
  72. Oxford Business Group (2009). The Report: Philippines 2009. p. 97. ISBN 1-902339-12-6. {{cite book}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. "Philippines Transportation". Nakuha noong 23 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. "Linking the Philippine Islands, Through the highway of the Sea" (PDF): 51. Nakuha noong 23 Agosto 2014. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. The North Luzon Expressway Project Naka-arkibo 2018-08-09 sa Wayback Machine. (NLEX) is for the rehabilitation, expansion, operation and maintenance of the existing 83.7 km (52 mi) NLEX that connects Metro Manila to the northern provinces of Bulacan and Pampanga.
  76. Super User. "South Luzon Expressway (SLEX)". Toll Regulatory Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2015. Nakuha noong 17 Disyembre 2015. {{cite web}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. SCTEx delay worsens as Japan firm seeks new extension – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos[patay na link]
  78. BCDA, Japanese contractor asked to explain SCTEx delay – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos[patay na link]
  79. Arroyo adviser says SCTEx extension OKd – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos[patay na link]
  80. Arroyo order: Open SCTEx, interchanges on time – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos Naka-arkibo 2008-02-22 sa Wayback Machine.
  81. "The Line 1 System – The Green Line". Light Rail Transit Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2014. Nakuha noong 15 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. United Nations Centre for Human Settlements. (1993). Provision of Travelway Space for Urban Public Transport in Developing Countries. UN–HABITAT. pp. 15, 26–70, 160–179. ISBN 92-1-131220-5.
  83. "About Us; MRT3 Stations". Metro Rail Transit. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2013. Nakuha noong 15 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. Valmero, Anna. "DoST to develop electric-powered monorail for mass transport". Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2011. Nakuha noong 23 Setyembre 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. Regidor, Anna Kristine. "UPD monorail project begins". July 27, 2011. University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noong Setyembre 23, 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. Usman, Edd K. (27 Pebrero 2014). "Bigger Automated Guideway Train ready for testing". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 23 Setyembre 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. "BUS O TREN? DOST's road train rolls off to vehicle test". Interaksyon. 12 Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-16. Nakuha noong 19 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. "Hybrid electric road train to be road-tested this month". Manila Bulletin. 13 Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 19 Setyembre 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. "Roadworthiness tests for hybrid train to start next month". The Philippine Star. 14 Setyembre 2014. Nakuha noong 19 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. PH firm takes on challenge to improve sea travel. Published by Philippine Daily Inquirer (Written By: Ira P. Pedrasa)
  91. The Philippine Transportation System. (30 Agosto 2008). Asian Info. Hinango noong 22 Enero 2009.
  92. Strong Republic Nautical Highway. (n.d.). Official Website of President Gloria Macapagal Arroyo. Hinango noong 22 Enero 2009.
  93. Gov't revives Pasig River ferry service. (14 Pebrero 2007). GMA News. Retrieved 18 Disyembre 2009.
  94. "MMDA to reopen Pasig River ferry system on April 28; offers free ride". Philippine Information Agency. Abril 25, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2014. Nakuha noong Oktubre 3, 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. CO2 Emissions from Fuel Combustion Naka-arkibo 2011-10-21 sa Wayback Machine. Population 1971–2008 (pdf Naka-arkibo 2012-01-06 sa Wayback Machine. page 86); page 86 of the pdf, IEA (OECD/ World Bank) (original population ref OECD/ World Bank e.g. in IEA Key World Energy Statistics 2010 page 57)
  96. Republic of the Philippines. National Statistical Coordination Board. Population of the Philippines Census Years 1799 to 2007 Naka-arkibo 2012-07-04 sa Wayback Machine.. Retrieved 2009-12-11.
  97. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2008). "Official population count reveals." Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-10. Nakuha noong 2008-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. "Bishops threaten civil disobedience over RH bill". GMA News. 2010-09-29. Nakuha noong 2010-10-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. Central Intelligence Agency. "Field Listing :: Life expectancy at birth". Washington, D.C.: Author. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-28. Nakuha noong 2009-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  100. Collymore, Yvette. (Hunyo 2003). "Rapid Population Growth, Crowded Cities Present Challenges in the Philippines". Population Reference Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-16. Nakuha noong 2010-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. Asis, Maruja M.B. (Enero 2006). "The Philippines' Culture of Migration". Migration Information Source. Migration Policy Institute. Hinango noong 2009-12-14.
  102. "Selected Population Profile in the United States: Filipino alone or in any combination". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-07. Nakuha noong 2009-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) The U.S. Census Bureau 2007 American Community Survey counted 3,053,179 Filipinos; 2,445,126 native and naturalized citizens, 608,053 of whom were not U.S. citizens.
  103. Castles, Stephen and Mark J. Miller. (Hulyo 2009). "Migration in the Asia-Pacific Region". Migration Information Source. Migration Policy Institute. Retrieved 2009-12-17.
  104. Ciria-Cruz, Rene P. (2004-07-26). 2 million reasons for withdrawing 51 troops. San Francisco Chronicle.
  105. "2015 Population Counts Summary" (XLSX). Philippine Statistics Authority. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 10 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2009). The Philippines in Figures 2009 (PDF). ISSN 1655-2539. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-07-11. Nakuha noong 2009-12-23.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. "Philippines". (2009). In Encyclopædia Britannica. Hinango noong 2009-12-18 mula sa Encyclopædia Britannica Online.
  108. Dolan, Ronald E. (Ed.). (1991). "Ethnicity, Regionalism, and Language". Philippines: A Country Study. Washington: GPO for the Library of Congress. Hinango noong 2010-04-08 mula sa Country Studies US Website.
  109. Philippine Statistics Authority 2014, pp. 29–34.
  110. Lewis, Paul M. (2009). Languages of Philippines. Ethnologue: Languages of the World (16th ed.). Dallas, Tex.: SIL International. Hinango noong 2009-12-16.
  111. Joselito Guianan Chan, Managing Partner. "1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Article XIV, Section 7". Chan Robles & Associates Law Firm. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-10. Nakuha noong 2013-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2003-02-18). "2000 Census: Additional Three Persons Per Minute". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-10. Nakuha noong 2008-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  113. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-19. Nakuha noong 2014-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  114. Table G: Human development and index trends, Table I: Human and income poverty. United Nations Development Programme. 2009. ISBN 978-0-230-23904-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. Republic of the Philippines. Department of Education. (2010-09-23).Fact Sheet – Basic Education Statistics Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine.. Hinango noong 2010-04-17.
  116. Republic of the Philippines. Commission on Higher Education. (Agosto 2010). Information on Higher Education System. Official Website of the Commission on Higher Education. Hinango noong 2011-04-17.
  117. Republic of the Philippines. Department of Education. "Historical Perspective of the Philippine Educational System". Hinango noong 2009-12-14.
  118. Country profile: The Philippines. (2009-12-08). BBC News. Hinango noong 2009-12-20.
  119. Santiago, Erwin (2010-04-12). AGB Mega Manila TV Ratings (Abril 7–11): Agua Bendita pulls away. Hinango noong 2010-05-23 mula sa Philippine Entertainment Portal Website.
  120. "The Philippines' celebrity-obsessed elections". (2007-04-26). The Economist. Hinango noong 2010-01-15.

Mga palabas na kawing

Mga pahinang opisyal

Kasaysayan

Mga pahinang pambalita

Iba pang mga pahina