Vladimir Putin

Pangulo ng Rusya (1999–2008, 2012–kasalukuyan)

Si Vladimir Vladimirovič Putin (Siriliko/Ruso: Владимир Владимирович Путин; ipinanganak Oktubre 7, 1952) ay isang Rusong pulitiko at dating intelligence officer na ngayo'y ang kasalukuyang pangulo ng Rusya, puwestong kaniyang kinaluluklukan mula pang 2012, at mula rin noong 2000 hanggang 2008. Siya rin ang naging punong ministro mula 1999-2000 at noon ding mula 2008-2012.[4] Si Putin ang ikalawang pinakamatagal-na-nanunungkulang pangulong Europeo sunod kay Alexander Lukashenko ng Belarus.

Vladimir Putin
Si Putin noong 2022
Kapanganakan7 Oktubre 1952[1]
  • (Rusya)
MamamayanRusya (1991–)[3]
NagtaposPampamahalaang Unibersidad ng Saint Petersburg
Trabahopolitiko
OpisinaPangulo ng Rusya (7 Mayo 2012–)
Pirma

Nagtrabaho siya bilang isang foreign intelligence officer sa KGB, kung saan naipataas niya ang kaniyang ranggo sa pagiging tenyente-koronel, bago magbitiw sa trabaho noong 1991 upang simulan ang kaniyang karera pulitikal sa San Petersburgo. Lumipat siya ng Mosku noong 1996 upang pakiisahan ang administrasyon ni pangulong Boris Yeltsin. Nanilbihan siya bilang direktor ng Serbisyo Seguridad Pederal at kalihim ng Konseho ng Seguridad bago maatasan bilang punong ministro noong 1999. Matapos ang pagbitiw ni Yeltsin, si Putin ang naging nanunungkulang-pangulo at direktamenteng nahalal para sa kaniyang unang termino bilang pangulo pagkalipas ng 'di-lalabis sa apat na buwan, at muli noong 2004. Dahil hindi siya pinahintulutan ng saligang batas na lumabis sa dalawang magkasunod na termino, muling nanilbihan si Putin bilang punong ministro sa ilalim ni Dmitry Medvedev, at bumalik sa pagkapangulo noong 2012 sa isang halalan na puno ng bahid ng mga alegasyon ng pandaraya at mga protesta; at muli siyang nahalal noong 2018. Noong Abril ng 2021, kasunod ng isang reperendum, naglagda siya ng pagsasabatas ng mga konstitusyunal na pag-amyenda kabilang ang isa na magpapahintulot sa kaniya na muling mahalal nang dalawa pang beses na tila nagpapalawig sa kaniyang pagkapangulo hanggang 2036.[5][6]

Sa ilalim ng unang panunugkulan ni Putin bilang pangulo, lumago ang ekonomiya ng Rusya nang pitong bahagdan kada taon sa karaniwan, kasunod ng mga repormang pang-ekonomiya at ng isang pagtaas nang limandaang bahagdan ng halaga ng oil at gas. Pinumunuan niya rin ang Rusya sa pakikipagdigma nito laban sa mga separatistang Chechena hanggang sa muling mapasakamay ng pederasyon ang kanilang rehiyon. Bilang punong ministro sa ilalim ni Medvedev, pinangasiwaan niya ang mga naging reporma sa militar at kapulisan, maging ang tagumpay ng Rusya sa pagdigma nito laban sa Georgia.

Pagkabata at Maagang Karera

baguhin

Noong 1952, ipinanganak si Putin sa Leningrad (ngayon ay St. Petersburg), siya lang ang katangi-tanging anak ng isang tagapangasiwa ng pabrika at ng kanyang asawa. Noong 1975, nagtapos ng abogasya si Putin sa departamentong batas sa Estadong Unibersidad ng Leningrad. Sa parehong taon, sumali siya sa Foreign Intelligence Service ng KGB.[7]

 
Si Putin na nakasuot ng unipormeng KGB

Noong 1983, pinangasawa ni Putin si Lyudmila, isang espesyalista sa mga lenggwahe. Sa gitna ng 1985 hanggang 1990, si Putin ay inassign ng gawain sa Dresde, Silangang Alemanya.[7][8]

Habang naka-post sa Dresde, nagtrabaho si Putin bilang isa sa mga liaison officer ng KGB sa lihim na pulis ng Stasi at naiulat na siya'y na-promote bilang tenyente kolonel. Ayon sa opisyal na Kremlin Presidential site, pinuri ng rehimeng komunista ng Silangang Alemanya si Putin ng isang medalyang bronse para sa "tapat na serbisyo sa Pambansang Sandatahan ng Bayan". Ipinahayag ni Putin sa publiko ang kagalakan sa kanyang mga aktibidad sa Dresde, minsang ikinuwento ang kanyang mga paghaharap sa mga anti-komunistang nagpoprotesta noong 1989 na nagtangkang sakupin ang mga gusali ng Stasi sa lungsod.[9]

Noong 1990 rin naging rektor siya ng usaping internasyonal sa Estadong Unibersidad ng Leningrad at naging pinuno ng Leningrad City Council. Noong 1991, umalis si Putin sa KGB.[7]

Mga bandang 1994 hanggang 1996, naging first deputy chairman si Putin ng lokal na gobyerno ng St. Petersburg, naging pinuno rin siya ng komite para sa panlabas na pakikipag-ugnayan. Pagkatapos nito si Putin ay lumipat sa Moscow at naging first deputy manager ni Boris Yeltsin.[7]

Karerang Pampolitika at Pag-akyat bilang Pangulo

baguhin

Noong Marso 1997, si Putin ay naging deputy chief of staff na nangangasiwa sa Departamentong may Pangkalahatang Kontrol at noong Mayo 1998 naman, siya ay nangasiwa sa iba't-ibang rehiyon sa Rusya.[7]

Si Putin rin ay naging direktor ng Federal Security Council, isang ahensyang pumalit sa KGB at sa gitna ng Marso hanggang Agosto 1999, siya ang nangasiwa bilang sekretarya ng Seguridad sa Rusya. Noong Agosto 1999 rin naging punong ministro si Putin.[7]

Noong Disyembre 31, 1999, bumaba sa puwesto si Yeltsin at si Putin muna ang umaktong pangulo habang nagsasagawa ng eleksyon. Noong Marso 26, 2000, nanalo si Putin bilang pangulo na may porsiyentong hihigit pa sa singkwenta at noong Mayo 7, 2000, nanungkulan bilang presidente. Nangako si Putin:[7]

Mayroon tayong isang mithiin: isang malakas na bansang Rusya

— Vladimir Putin

Bilang Pangulo

baguhin

Dekada 2000s

baguhin

Noong Hunyo 2000, nagpasimuno si Putin ng sa isang summit sa Moscow kasama ang Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton. Dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang bansa, nakipagkita si Putin kay dating Presidente Jiang Zemin at nakipagkasundo sa isang pahayag na taliwas sa kagustuhan ng Estados Unidos na gumawa ng mga missle shed sa Hilagang Amerika at Asya. Noong Disyembre 2000, nakipagkita si Putin kay Fidel Castro para ayusin ang nasirang relasyon magmula noong bumagsak ang Unyong Sobyet.[7]

Noong Abril 2001, naakusahan si Putin na pinapatahimik ang mga pribadong midya tulad ng NTV television.[7]

Noong unang summit kay Pangulong George W. Bush ng Amerika, sinabi ni Putin na magkaibigan ang dalawang bansa.[7] Pagkatapos ng dalawang oras na pag-uusap, sinabi ni Bush sa mga mamamahayag na naramdaman niya ang kaluluwa ni Putin. Parehas silang pumirma sa Moscow Treaty on Strategic Offensive Reductions kung saan papayag ang dalawang bansa na bawasan ang mga armas na pandigma gayundin sa mga nuclear weapons sa loob ng sampung taon.[10]

 
Si Putin at si Bush na pinipirmahan ang Moscow Treaty on Strategic Offensive Reductions

Nanalo uli si Putin bilang pangulo noong Marso 15, 2004 at noong Mayo 7, 2004, nanungkulan muli bilang pangulo.[10]

Mula 2005 hanggang 2006, maraming binisitang bansa si Putin pati na rin sa mga pinuno nito. Ilan dito ang Israel, pagkikita sa Punong Ministro ng UK na si Tony Blair, at ang Pangulo ng South Africa na si Thano Mbeki. Dahil dito noong 2007, tinanghal siya ng Time Magazine bilang Person of the Year.[10]

Sa kasamaang palad hindi siya nanalong pangulo noong 2008, pero itinalaga si Putin bilang Punong Ministro ni Medvedev.[10]

Dekada 2010s

baguhin

Noong Setyembre 24, 2011, tinawag ni Medvedev ang United Russia Party at inindorso si Putin bilang kandidato sa 2012. Noong Marso 4, 2012, nanalo si Putin at noong Mayo 7, 2012, nanungkulan bilang pangulo ng Rusya sa ikatlong termino.[10]

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Vladimir Putin"; hinango: 9 Abril 2014.
  2. https://www.thoughtco.com/when-was-st-petersburg-known-as-petrograd-and-leningrad-4072464.
  3. http://www.nytimes.com/2009/05/16/world/europe/16gazprom.html?pagewanted=all.
  4. "Timeline: Vladimir Putin – 20 tumultuous years as Russian President or PM". Reuters. 9 Agosto 2019. Nakuha noong 29 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Odynova, Alexandra (5 Abril 2021). "Putin signs law allowing him to serve 2 more terms as Russia's president". CBS News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Putin — already Russia's longest leader since Stalin — signs law that may let him stay in power until 2036". USA Today.
  7. 7.00 7.01 7.02 7.03 7.04 7.05 7.06 7.07 7.08 7.09 "NPR News: Vladimir Putin: Biographical Timeline". legacy.npr.org. Nakuha noong 2022-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Putin set to visit Dresden, the place of his work as a KGB spy, to tend relations with Germany". International Herald Tribune. 9 Oktubre 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Putin's Stasi spy ID pass found in Germany". BBC News. 11 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2022. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 "Vladimir Putin Fast Facts". CNN (sa wikang Ingles). 2013-01-03. Nakuha noong 2022-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)



   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.