Biyelorusya
Ang Biyelorusya (Biyeloruso: Беларусь, tr. Bielaruś), opisyal na Republika ng Biyelorusya, ay bansang walang pampang sa Silangang Europa. Hinahangganan ito ng Rusya sa silangan at hilagang-silangan, Litwanya at Letonya sa hilagang-kanluran, Polonya sa kanluran, at Ukranya sa timog. Sumasaklaw ito ng mahigit 207,600 km2 at tinitirhan ng halos 9.2 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Minsk.
Republika ng Belarus
| |
---|---|
Awitin: Дзяржаўны гімн Рэспублікі Беларусь Dziaržaŭny Himn Respubliki Biełaruś "Awiting Estatal ng Republika ng Belarus" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Minsk 53°55′N 27°33′E / 53.917°N 27.550°E |
Wikang opisyal | Biyeloruso • Ruso |
Katawagan | Biyeloruso |
Pamahalaan | Unitaryong republikang pampanguluhan |
• Pangulo | Aleksandr Lukashenko |
Roman Golovchenko | |
Lehislatura | Pambansang Asembleya |
• Mataas na Kapulungan | Konseho ng Republika |
• Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan |
Makabagong Kasaysayan | |
9 Marso 1918 | |
31 Hulyo 1920 | |
19 Setyembre 1991 | |
8 Disyembre 1999 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 207,595 km2 (80,153 mi kuw) (ika-84) |
• Katubigan (%) | 1.4% (2.830 km2 (1.093 mi kuw)) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 9,255,524 (ika-96) |
• Densidad | 45.8/km2 (118.6/mi kuw) (ika-142) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2020 |
• Kabuuan | $185.9 bilyon (ika-69) |
• Bawat kapita | $19,758 (66th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2020 |
• Kabuuan | $57.7 bilyon (ika-75) |
• Bawat kapita | $6,133 (ika-84) |
Gini (2019) | 25.3 mababa |
TKP (2019) | 0.823 napakataas · ika-53 |
Salapi | Rublo (BYN) |
Sona ng oras | UTC+3 (MSK) |
Ayos ng petsa | dd.mm.yyyy |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +375 |
Internet TLD | .by .бел |
Sa pagitan ng panahong medievo at ika-20 siglo, pinamahalaan ang lupain ng kung ano ngayo'y tinatawag na Belarus ng mga banyagang estado, kabilang ang Rus ng Kyiv, Prinsipalidad of Polatsk, Dukadong Maringal ng Litwanya, Mankomunidad ng Dalawang Bansa, at Imperyong Ruso. Matapos ang Himagsikang Ruso ng 1917, nalikha ang Demokratikong Republika ngunit agad na ineksilya ng mga Bolshebista, na nagtagumpay sa naganap sa digmaang sibil sa dating imperyo at bumuo ng Republikang Sosyalistang Sobyetiko sa bansa. Naging republikang konstituyente at pundador ito ng URSS. Nawala ang halos kalahati ng teritoryong hawak ng Biyelorusya sa pagtatapos ng Digmaang Polako–Sobyetiko. Karamihan sa mga makabagong hangganan nito ay nabuo noong 1939, nang naibalik ang iilan sa lupa ng Ikalawang Republikang Polako nang sinakalakay ng mga Sobyetiko ang Polonya sa ilalim ng Paktong Ribbentrop-Molotov. Sinalanta ng mga operasyong militar ang bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang nawala ang halos isang-kapat ng populasyon at kalahati ng mapagkukunang pang-ekonomiya nito. Sinakop ng Alemanyang Nazi ang Biyelorusya noong 1941, na gumawa ng malawak na insurhenteng kilusang anti-pasista sa bansa. Pinamunuan ng kilusan ang politika nito hanggang sa dekada 1970, kung saan trinansisyon nito ang ekonomiyang agraryo nito sa industriya. Prinoklama ng parlamento ang soberanya ng bansa noong Hulyo 1990, at nagdeklara ang Biyelorusya ng kasarinlan noong Agosto 1991.
Mga sanggunian
baguhinMga kawing na panlabas
baguhin- The 21 Names of Belarus Naka-arkibo 2005-08-02 sa Wayback Machine., tala ng mga maling pagbaybay ng pangalan ng bansa
- Prezident Respubliki Belaruś, opisyal na website ng pangulo
- Sovet Ministvor Respubliki Belaruś Naka-arkibo 2006-06-14 sa Wayback Machine., opisyal na website ng pamahalaan ng Belarus (sa Ruso)
- A Belarus Miscellany
- Media in Belarus
- The Virtual Guide to Belarus
- E-Government in Belarus
- BELARUSinside, ang pangtingin sa Belarus mula sa loob ng bansa
- About Belarus