Ang Mosku ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Rusya. Ang lungsod ay isang mahalagang sentrong pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, pang-agham, panrelihiyon, pansalapian, pang-edukasyon at pantranportasyon ng Rusya at ng kontinente. Ang Mosku ay ang pinaka-hilagang lungsod sa daigdig sa mga may populasyong higit sa 10 milyon, pinakamataong lungsod na nasa kontinente ng Europa at ang ika-anim na pinakamalaking lungsod sa daigdig. Ang populasyon nito, ayon sa simula ng mga resulta ng bilangan ng 2010, ay 11,514,300[12]. Ayon sa Forbes 2011, ang Mosku ay mayroong 79 bilyonaryo, at siyang pumalit sa Nueva York bilang lungsod na may pinakamaraming bilyonaryo[13].

Mosku

Москва (Ruso)
Moskva
Pederal at kabiserang lungsod ng Rusya Rusya
Watawat ng Mosku
Watawat
Eskudo de armas ng Mosku
Eskudo de armas
Awit: "My Moscow"
Lokasyon ng Mosku
Mga koordinado: 55°45′21″N 37°37′2″E / 55.75583°N 37.61722°E / 55.75583; 37.61722
Country Russia
Federal districtCentral
Economic regionCentral
First mentioned1147[1]
Pamahalaan
 • KonsehoCity Duma[2]
 • Mayor[3]Sergey Sobyanin[3]
Lawak
 • Total2,561.5[4] km2 (989.0 milya kuwadrado)
 • Urban
6,154 km2 (2,376 milya kuwadrado)
 • Metro
48,360 km2 (18,670 milya kuwadrado)
Taas
156 m (512 tal)
Populasyon
 • TotalNeutral increase 13,010,112
 • Ranggo1st
 • Kapal5,080/km2 (13,200/milya kuwadrado)
 • UrbanNeutral increase 18,800,000
 • Densidad sa urban2,762/km2 (7,150/milya kuwadrado)
 • MetroNeutral increase 21,534,777[5]
 • Densidad sa metro450/km2 (1,200/milya kuwadrado)
DemonymMuscovite
Sona ng orasUTC+3 (MSK[9])
Kodigo ng ISO 3166RU-MOW
Plaka ng sasakyan77, 177, 777; 97, 197, 797; 99, 199, 799, 977[10]
OKTMO ID45000000
Gross Regional Product₽24.471 trillion
(€Padron:To EUR billion)
₽1,935,205
(€Padron:To EUR)[11]
Websaytmos.ru

Ang Mosku ay matatagpuan sa ilog Moscova sa Gitnang Distritong Pederal ng Europeong Rusya. Sa pagdaan ng kasaysayan nito, ang lungsod ay nagsilbing kabisera ng mga nagsilipasang mga bansa, mula sa Dakilang Dukado ng Mosku at sa sumunod na Zarato ng Rusya hanggang sa Unyong Sobyet. Ang Mosku ay ang kinalalagyan ng Kremlin, isang moog na sa ngayon ay siyang tahanan ng Rusong Presidente at ng sangay-tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Rusya. Ang Kremlin ay isa sa ilang mga World Heritage Site sa lungsod. Ang dalawang pangkat ng Rusong parlamento (ang Duma ng Estado at ang Konsilyo ng Pederasyon) ay nakaupo rin sa Mosku.

Ang lungsod ay sinerserbisyuhan ng malawakang sistemang pantransportasyon, na kasama ang apat na paliparang pandaigdig, siyam na estasyon ng "malayuang" tren at ang Moscow Metro, pangalawa lamang sa Tokyo pagdating sa dami ng sumasakay at kilala bilang isa sa mga palatandaan ng lungsod dahil sa iba't ibang disenyo ng 182 estasyon nito.

Sa paglipas ng panahon, ang Mosku ay binansagan ng ilang mga palayaw, na ang karamihan ay tumutukoy sa laki nito at katayuan sa loob ng bansa: Ang Pangatlong Roma (Третий Рим), Putimbato (Белокаменная), Ang Unang Trono (Первопрестольная), Ang Apatnapung Apatnapu (Сорок Сороков)[14].

Ang tawag sa mga taga-Mosku ay Muscovita[15].

Sanggunian

baguhin
  1. Comins-Richmond, Walter. "The History of Moscow". Occidental College. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 17, 2006. Nakuha noong Hulyo 3, 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Moscow Statute". Moscow City Duma. Moscow City Government. Hunyo 28, 1995. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 23, 2011. Nakuha noong Setyembre 29, 2010. The supreme and exclusive legislative (representative) body of the state power in Moscow is the Moscow City Duma.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "The Moscow City Mayor". Government of Moscow. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 23, 2011. Nakuha noong Marso 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Общая площадь Москвы в длинну и ширину". RosInfoStat. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2021. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Including Moscow Oblast (8,524,665)
  6. "Оценка численности постоянного населения по субъектам Российской Федерации". Federal State Statistics Service. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 1, 2022. Nakuha noong 1 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Urban); $2
  8. Moscow metropolitan area
  9. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 22, 2020. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Автомобильные коды регионов России-2022: таблица с последними изменениями". РИА Новости (sa wikang Ruso). Nobyembre 16, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 28, 2022. Nakuha noong 2022-11-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. ""GRP volume at current basic prices (billion rubles)"". rosstat.gov.ru. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 31, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Федеральная служба государственной статистики (Federal State Statistics Service) (2011).
  13. http://www.bloomberg.com/news/2011-03-09/carlos-slim-tops-forbes-list-of-billionaires-for-second-year.html
  14. In old Russian the word "Сорок" (forty) also meant a church administrative district, which consisted of about forty churches.
  15. http://dic.academic.ru/dic.nsf/eng_rus/391243/Muscovite

Mga kawing panlabas

baguhin

Opisyal na websayt

baguhin