Kaharian ng Maynila

Malaking sinaunang pamayanan sa Luzon, sa kinalalagyan ngayon ng Intramuros, Maynila

Ang Tagalog na bayan ("bansa" o "estadong lungsod")[2] ng Maynila (Baybayin:ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ (Maynila)) ay isa sa mga pinaka-kosmopolitang mga sinaunang bayan sa Kapuluang Pilipino.[3] Pinatitibay ng palisadeng kahoy na alinsunod sa mga karaniwang pamamaraan sa labanan, ang Maynila ay matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, kung saan ang distrito ng Intramuros sa Maynila ay kasalukuyang matatagpuan,[2][4] at sa kabila nito ay matatagpuan ang hiwalay na pinamumunuan ng Bayan ng Tondo.[3]

Kaharian ng Maynila
Kingdom of Manila
ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ Maynila
ika-16 dantaon–1571
Mapa ng Kaharian ng Maynila (kulay dilaw) noong 1570.
Mapa ng Kaharian ng Maynila (kulay dilaw) noong 1570.
KatayuanKaraja-an
Karaniwang wikaMalay at Tagalog
Relihiyon
Animismo at Islam[1]
PamahalaanKaraja-an
Kasaysayan 
• Itinatag ng Sultanato ng Brunei sa ilalim ni Sultan Bolkiah
ika-16 dantaon
• Pagsakop ng Espanya
1571
Pinalitan
Pumalit
Brunay
Bireynato ng Bagong Espanya
Silangang Indiyas ng Espanya
Manila (probinsya)
Bahagi ngayon ng Pilipinas

Ang Maynila ay pinamunuan ng mga nakatataas ng mga pinuno na gumamit ng pamagat hango salitang Malay na "Rajah", kung saan ito ay binabanggit bago ang kanilang pansariling pangalan.[2] Sa tanyag na literatura at sa mga sulating pangkasaysayan noong mga naunang mga dekada matapos ang pagkalaya ng Pilipinas sa mga Kastila, ang sinaunang Maynila ay tinagurian bilang "Kaharian ng Maynila", at ang mga Rajah nito bilang mga "hari", kahit naman na hindi sila nagkaroon ng kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit ng dahas para makaroon ng monopolyo sa kalakalan sa Luzon at iba pang mga lugar.[3][5] Kundi, dahil sa kakaunting populasyon, sa kasaganahan ng lupa at sa mga palipat-lipat ng mga taniman ay nangangahulugan ito na ang kanilang kapangyarihan ay nakasalalay lamang sa mga pansariling istruktura ng katapatan at mga pampublikong tungkulin kaysa sa pagkakaroon ng isang malinaw at hindi nababagong teritoryo.[3][6] Ang Maynila rin ay minsang tinaguriang "Kaharian ng Luzon", ngunit ayon sa ilang mga historyador ay maaring ito ay tumutukoy sa Look ng Maynila sa kabuuan, kung saan ito ay maaring mangahulugan na ang lawak ng kapangyarihan ng kaharian ng Maynila ay umaabot sa iba pang mga lupain na malapit sa look.[7]

Ayon sa mga tradisyong pasalita, iminumungkahi na ang Maynila ay isang bayang itinatag ng mga Muslim noong mga ika-1250, kung saan maaring pinalitan nito ang mas nakatatandang bayang pagano. Ngunit ayon naman sa mga natuklasan ng mga arkeologo na mga kagamitan, ang pinaka-maagang petsa ng mga kagamitan ay pumapasaloob sa mga panahon ng 1480 hanggang 1500. Noong ika-16 dantaon, ang Maynila ay isa nang mahalagang sentro ng kalakalan, na may pangmalawakang ugnayang pampulitika sa mga mangangalakal na galing sa Dinastiyang Ming.[8] Kasama ang Tondo, ang bayan sa hilagang kanulurang dulo ng Ilog Pasig, pinangunahan ng mga bayang ito ang pangangalakal ng mga yari galing Tsina patungo sa iba't ibang mga lugar sa buong kapuluan sa Pilipinas.

Upang mapataas ng mga hari ng Maynila ang kanilang antas sa politika ng rehiyon, ang mga pinuno ng Maynila ay nagtatag ng ugnayan sa pamilya ng sultan ng Brunei sa pamamagitan ng pagkakasal ng mga kani-kanilang mga kamag-anak sa isa't isa, ngunit ang kapangyarihan ng Brunei sa Maynila ay hindi maaring sabihin na dumako sa larangan ng militar o politika.[3] Ang pagkakasal ng mga kamag-anak sa ibang mga pamilya ay isang pangkaraniwang estratehiya para sa mga malalaking mga imperyong-pandagat tulad ng Brunei at Maynila upang mapalawig nila ang kanilang kapangyarihan. Noon ay hindi naging posible ang direktang paghawak ng mga malalayong lupain sa Timog Silangang Asya hanggang sa kasalukuyang panahon.[9]

Pagsapit ng taong 1570, ang Maynila ay pinamumunuan ng dalawang pinuno, ang mas nakatatandang Rajah Matanda, at ang mas nakababatang Rajah Sulayman, kung saan sila pareho ay may mga higit na nakababang mga datu na napasasailalim sa kanila.[2] Ito ang kinatatayuan na nasalubong ni Martin de Goiti nang lusubin niya ang Maynila noong Mayo ng nasabing taon. Ang labanan sa Maynila ay natapos nang nasunog ang bayan ng Maynila, ngunit hindi malinaw kung ang apoy ay sinimulan nila Goiti, o ng mga Tagalog bilang isang taktika upang hindi magamit ng mga mananakop ang kanilang bayan o ang mga yaman sa loob nito, at ang taktikang ito ay madalas na ginagamit rin sa buong kapuluan. Muling naitayo ang Maynila ng sumunod na panahon, taong 1571, noong ang buong puwersa ng nakatataas kay Goiti, si Miguel López de Legazpi, ay dumako sa bayan upang ito ay ipasailalaim sa Nueva Espanya.[4]

Matapos ang pangmatagalang pag-uusap sa mga pinuno ng Maynila at mga karatig-bayan tulad ng Tondo, ang Maynila at itinatag bilang isang lungsod ng mga Kastila noong 24 Hunyo 1571. Dito natapos ang katayuan ng Maynila bilang isang malayang bayan.[4]

Etimolohiya

baguhin
 
sa halamang Nilad nakuha ng Kaharian ang pangalan nito.

Nagmula nag ang pangalan ng kaharian sa salitang Nilad, o Maraming Nila o May-Nilad, o Lagus-Nilad na isang uri ng Bakawan dahil maraming bakawan sa Tabing dagat noon panahong iyon. na sa katagalan ay naging Maynila ang katawagan. Ngunit ayon sa mga historyador gaya ni Ambeth Ocampo at Carmen Guerrero Nakpil[10] ay "wala daw maaring maging "d" sa Maynila".[11]

Pagkakatatag

baguhin

Ayon sa mga tala

baguhin

Ayon sa mga tala, ang Maynila noon ay isang Kahariang may koneksyon sa Brunay, na isa ring Bansa na may diplomatikong relasyon sa bansang Tsina at sa mga Imperyo ng Indya Tulad ng Kaharian ng Tondo at bansa ng Ma-i (na nauna dito).

Pagbuwag sa Maynila

baguhin

Nabuwag ang maynila noong panahong sakupin ng mga Kastila sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-16 dantaon ay unti-unting humina ang kapangyarihan ng Hari ng Maynila hanggang sa tuluyang napasailalim ng Espanya ang Maynila..[12][13][14]

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. M. A. Khan (2009), Islamic Jihad: A Legacy of Forced Conversion, Imperialism, and Slavery, iUniverse, p. 138, ISBN 978-1-4401-1846-3{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Pre-colonial Manila". Malacañang Presidential Museum and Library. Malacañang Presidential Museum and Library Araw ng Maynila Briefers. Presidential Communications Development and Strategic Planning Office. Hunyo 23, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 9, 2016. Nakuha noong Abril 27, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Junker, Laura Lee (1998). "Integrating History and Archaeology in the Study of Contact Period Philippine Chiefdoms". International Journal of Historical Archaeology. 2 (4): 291–320. doi:10.1023/A:1022611908759. S2CID 141415414.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Abinales, Patricio N. and Donna J. Amoroso, State and Society in the Philippines. Maryland: Rowman and Littlefield, 2005.
  5. Rafael, Vicente L. (2005) The Promise of the Foreign: Nationalism and the Technics of Translation in the Spanish Philippines.
  6. Scott, William Henry (1991). Slavery in Spanish Philippines. De La Salle University Press. ISBN 9789711181024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Alfonso, Ian Christopher B. (2016). The Nameless Hero: Revisiting the Sources on the First Filipino Leader to Die for Freedom. Angeles: Holy Angel University Press. ISBN 9789710546527.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Scott, William Henry (1984). Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History. Quezon City: New Day Publishers. ISBN 978-9711002268.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kaplan, Robert D. (Marso 25, 2014). Asia's Cauldron: The South China Sea and the End of a Stable Pacific. Random House. ISBN 9781452619194.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ambeth Ocampo (Hunyo 25, 2008), Looking Back: Pre-Spanish Manila, Philippine Daily Inquirer, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-26, nakuha noong 2008-09-09{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. name="ambethfb">https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151126369857635&set=pb.47261762634.-2207520000.1353837119&type=3&src=https%3A%2F%2Ffbcdn-sphotos-h-a.akamaihd.net%2Fhphotos-ak-ash3%2F550156_10151126369857635_865424955_n.jpg&size=639%2C960 accessed 2012-11-25
  12. Joaqiun, Nick (1990). Manila, My Manila: A History for the Young. City of Manila: Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-971-569-313-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Scott, William Henry (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 971-550-135-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Dery, Luis Camara (2001). A History of the Inarticulate. Quezon City: New Day Publishers. ISBN 971-10-1069-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)