Si Miguel López de Legazpi[1] (1502–1572) kilala rin bilang si El Adelantado (Ang Gobernador) at El Viejo (Ang Nakatatanda) ay isang Baskong Espanyol kongkistador na nagtatag ng unang kolonya sa Pilipinas noong 1565.

Si Miguel López de Legazpi.

Unang bahagi ng buhay

Ipinanganak noong 1502, siya ang pinakabatang anak nina Don Juan Martínez López de Legazpi at Elvira Gurruchategui. Ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya at lumaki siya sa maliit na bayan ng Zumárraga, sa Basque sa lalawigan ng Guipúzcoa sa España.

Sa gitna ng 1526 at 1527, naglingkod siya bilang councillor sa pamahalaang munisipal ng kanyang bayan. Noong 1528, matapos magtayo si Hernán Cortés ng mga paninirahan sa Mexico, pumunta siya doon para magsimulang muli dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at ang hindi niya pagtanggap sa kanyang nakakatandang kapatid, na minana ang lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya. Sa Tlaxcala, nagtrabaho siya kay Juan Garcés at ang kanyang babain kapatid, si Isabel Garcés. Pinakasalan ni Legazpi si Isabel at nagkaroon sila ng siyam na anak. Namatay si Isabel sa kalagitnaan ng 1550s.

Sanggunian

  1. Karnow, Stanley (1989). "Miguel López de Legazpi". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) - Hinggil sa Miguel Lopez de Legazpi o Manuel de Legazpi: May kamalian si Stanley Karnow sapagkat ginamit niya ag pangalang "Manuel de Legazpi" para tukuyin si Miguel Lopez de Legazpi sa sekyong Cast of Principal Characters, The Spanish ng kaniyang aklat sa pahina 446, ngunit sa Index at sa kabuoan ng libro ginamit lamang niya ang pangalang "Miguel Lopez de Legazpi"; Nagkamali rin si Karnow sa paggamit ng taong "1871" (bilang taon ng pagkakatatag ng Maynila para sa pagka-kabisera) sa seksiyong Cast of Principal Characters, The Spanish, ngunit "1571" ang ginamit niya sa kalahatan ng aklat, partikular na ang mga nasa pahinang 43-47, 49, at 485

Bibliyograpiya

  • De Morga , Antonio. (2004). The Project Gutenberg Edition Book : History of the Philippine Islands - 1521 to the Beginning of the XVII century. Tomo 1 at 2.
  • López de Legazpi , Don Miguel. (1564 - 1572). Cartas al Rey Don Felipe II : sobre la expedicion, conquistas y progresos de las islas Felipinas. Sevilla , Espanya.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.