Galeon ng Maynila

(Idinirekta mula sa Kalakalang Galeon)

Ang kalakalang Galeon o kalakalang Galyon (Ingles: galleon trade) ay isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta at pabalik sa Pilipinas. Isinagawa ito noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas. Tumagal ito nang dalawa at kalahating daang taon na nakapag-ugnay sa dalawang pook. Ang mga galyon ay mga barkong pangkalakalan ng Espanya. Kapag sinasakay ang mga produkto mula Acapulco tungong Maynila, tinatawag itong Galyon ng Acapulco (Kastila: Galeón de Acapulco) kung mula Maynila naman tungong Acapulco, tinatawag itong Galeon ng Maynila (Kastila: Galeón de Manila).

Isang Kastilang Galeon
Palatandaan ng Kalakalang Galyon sa Intramuros.
Isang palatandaan ng Kalakalang Galyon ng Maynila at Acapulco sa Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila.

Ang mga nakalakal sa Pilipinas ay ipinagpapalit sa Mehiko at ang nakalakal naman sa Mehiko ay ipinapalit sa Pilipinas.[1] Ang mga galyon ng Maynila ay tinatawag din bilang "La Nao de la China" (Ang barkong Tsino) sa Bagong Espanya (Mexico). Dahil ito sa mga maraming kagamitan at produktong Tsino na galing sa Maynila.[2]

Sinimulan ang Kalakalang Galyon sa Maynila noong 1565 pagkatapos matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang tornaviaje o daanang pabalik mula sa Pilipinas patungong Mexico. Ginawa ang unang mga matagumpay na lakbay ni Urdaneta at ni Alonso de Arellano sa taong iyon. Nagtagal ang daanan hanggang 1815 noong nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico. Nakadala ang mga galyong Maynila sa loob ng 250 taon ang mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapan at porselana para sa pilak. Nagbigay-daan din ang daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.

Noong 2015, nagnais ang Filipinas at Mexico na samahin ang Kalakalang Galyong Maynila-Acapulco sa UNESCO Pandaigidigang Pamanang Pook. Tumatangkilik din ang Espanya sa balak ng dalawang bansa.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Williams, Glyn (1999). The Prize of All the Oceans. New York: Viking. p. 4. ISBN 0-670-89197-5.
  2. Williams, Glyn (1999). The Prize of All the Oceans. New York: Viking. p. 4. ISBN 0-670-89197-5.