Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe

isang sikat na hagdan-hagdang palayan sa rehiyon ng Kordilyera sa Pilipinas

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang para mapadali ang kanilang pagsasaka,Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo".[1][2][3][4][5] Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.

Litrato ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe
Hagdan-hagdang palayan sa Banaue, Ifugao

Kahalagahan sa kalinangan

baguhin

Kulturang palay ng Ifugao

baguhin
 
Ang Bulol, isang diyos ng palay ng Ifugao.

Matatagpuan ang mga hagdanang-taniman sa lalawigan ng Ifugao at naging tagapag-alaga nito ang mga taong Ifugao. Umiikot ang kultura ng Ifugao[6] sa palay, at nagbubunga ang kultura ng mga masalimuot na pagdiriwang na konektado sa ritong pansaka mula sa paglilinang ng palay hanggang pagkakain ng kanin. Karaniwang kailangan ng kapistahan ng pasasalamat sa panahon ng ani, habang pinagbabawalan ang trabahong agrikultural ng ritong pangwakas ng pag-aani na tinatawag na tango o tangul (isang araw ng paghinga). Bumubuo ang pakikibahagi sa bayah (alak-kanin), kakanin, at mani ng areka sa hindi makakatkat na kaugalian sa mga pagdiriwang.

Nasasagawa ang mga Ifugao ng tradisyonal na pagsasaka, naglalaan ng karamihan ng kanilang gawain sa kanilang hagdanang taniman at kagubatan habang paminsan-minsang dumadalaw sa paglilinang ng mga lamanlupa. Kilala rin ang mga Ifugao sa pagkultura ng makakaing punglo, punong prutas, at ibang mga gulay na ipinakita ng mga Ifugao sa mga henerasyon.

Sa paggawa ng mga hagdan-hagdang palayan, nangailangan ng pagtayo ng mga pangmatagalang pader na gawa sa mga bato at tapia nadinisenyo para umigib ng tubig mula sa pangunahing kanal ng patubig sa itaas ng mga kumpol ng terasa. Nakilala ang mga katutubong teknolohiya ng hagdanang taniman sa hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao tulad ng kanilang kaalaman sa irigasyon ng tubig, pag-aakma ng mga bato, gawaing lipa, at pagpapanatii ng terasa. Bilang kanilang pinagkukunan ng buhay at sining, nagpapanatili at nag-iimpluwensya ang mga buhay ng mga miyembro ng komunidad.

Pagsasakang taghayin

baguhin

Noong Marso 2009 idineklarang malaya ang hagdan-hagdang palayan ng Ifugao[7] mula sa mga organismong henetikong binago (GMO). Nagkaroon ng pagdiriwang ng tagumpay na ito sa Dianara Viewpoint sa pakikipagtulungan ng lokal at munisipal na gobyerno, Greenpeace, at ang Miss Earth Foundation.

Opisyal na pagtatalaga ng pamana

baguhin

Tumutukoy ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe sa kumpol na malapit sa poblasyong Banawe na makikita mula sa tanawan. Salungat sa popular na paniniwala na nagmula sa pagsasama nito sa dalawampung piso na papel de bangko, hindi Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe. Hindi sila kasama sa inskripsyon ng UNESCO na Mga Hagdan-hagdang Palayan ng mga Pilipinong Kordilyera dahil sa pagkakaroon ng mga modernong istruktura, na naghatak nito pababa sa puntos sa pamantayan ng integridad ng UNESCO.[8]

Ang mga limang kumpol na naitala bilang bahagi ng Mga Hagdan-hagdang Palayan ng mga Pilipinong Kordilyera ay Batad, Bangaan, Hungduan, Mayoyao Sentral at Nagacadan.[9] Ang Batad at Bangaan ay ilalim ng hurisdiksyon ng Munisipalidad ng Banawe, ngunit hindi sila tinatawag na Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.

Idineklara ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ng pamahalaang Pilipino bilang Pambansang Kayamanan sa Kalinangan sa ilalim ng Hagdan-hagdang Palayan ng Ifugao sa birtud ng Presidential Decree No. 260 noong 1973.[10]

 
Tanawin ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Wander Our Wonders" Naka-arkibo 2006-08-24 sa Wayback Machine. sa WowPhilippines, opisyal na turismong websayt ng Pilipinas.
  2. "Planting rice is never fun: Modern life threatens Ifugao rice terraces" Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. ni Imelda Visaya Abano, Philippine Post, Pebrero, 2002.
  3. "filipinasoul.com, 'The Best' of the Philippines - its natural wonders". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-30. Nakuha noong 2008-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "nscb.gov.ph, FACTS & FIGURES, Ifugao province". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-13. Nakuha noong 2008-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "About Banaue > Tourist Attractions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-14. Nakuha noong 2008-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. World Heritage Sites and Schlessinger Media and ISBN 9781417103423
  7. "Ifugao rice terraces are GMO-free--officials". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2009-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Banaue Rice Terrace". Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 13, 2014. Nakuha noong Setyembre 4, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "UNESCO World Heritage Centre". UNESCO. Nakuha noong 2011-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Presidential Decree No. 260 August 1, 1973". The Lawphil Project - Arellano Law Foundation. Nakuha noong Setyembre 5, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin

8°55′N 119°55′E / 8.917°N 119.917°E / 8.917; 119.917 Matatagpuan ang mga hagdanang-taniman sa lalawigan ng Ifugao at naging tagapag-alaga nito ang mga taong Ifugao. Umiikot ang kultura ng Ifugao sa palay, at nagbubunga ang kultura ng mga masalimuot na pagdiriwang na konektado sa ritong pansaka mula sa paglilinang ng palay hanggang pagkakain ng kanin. Karaniwang kailangan ng kapistahan ng pasasalamat sa panahon ng ani, habang pinagbabawalan ang trabahong agrikultural ng ritong pangwakas ng pag-aani na tinatawag na tango o tangul (isang araw ng paghinga). Bumubuo ang pakikibahagi sa bayah (alak-kanin), kakanin, at mani ng areka sa hindi makakatkat na kaugalian sa mga pagdiriwang.

Nasasagawa ang mga Ifugao ng tradisyonal na pagsasaka, naglalaan ng karamihan ng kanilang gawain sa kanilang hagdanang taniman at kagubatan habang paminsan-minsang dumadalaw sa paglilinang ng mga lamanlupa. Kilala rin ang mga Ifugao sa pagkultura ng makakaing punglo, punong prutas, at ibang mga gulay na ipinakita ng mga Ifugao sa mga henerasyon.

Sa paggawa ng mga hagdan-hagdang palayan, nangailangan ng pagtayo ng mga pangmatagalang pader na gawa sa mga bato at tapia nadinisenyo para umigib ng tubig mula sa pangunahing kanal ng patubig sa itaas ng mga kumpol ng terasa. Nakilala ang mga katutubong teknolohiya ng hagdanang taniman sa hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao tulad ng kanilang kaalaman sa irigasyon ng tubig, pag-aakma ng mga bato, gawaing lipa, at pagpapanatii ng terasa. Bilang kanilang pinagkukunan ng buhay at sining, nagpapanatili at nag-iimpluwensya ang mga buhay ng mga miyembro ng komunidad.