Sagisag ng Republika ng Pilipinas

(Idinirekta mula sa Sagisag ng Pilipinas)

Ang Sagisag ng Republika ng Pilipinas ay nagtataglay ng araw na mayroong walong sinag na sa bawat sinag ay isang lalawigan ang katumbas (Batangas, Bulacan, Kabite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac) na pinasailalim sa batas militar ng Gobernador-Heneral Ramon Blanco habang nagaganap ang Himagsikang Pilipino. Ang tatlong bituin na mayroong limang dulo ay sumisimbolo sa tatlong heograpikal na rehiyon ng Pilipinas (Luzon, Visayas at Mindanao).

Sagisag ng Republika ng Pilipinas
Coat of Arms of the Philippines
Versions

Salin na kung saan ang mga sakupbayaning sagisag ay tinanggal. Ipinasa ng Batasan noong 1998. Ngunit hindi pa rin ito tungkulanin dahil wala pang pagtutukoy na ipinahahayag.
Details
ArmigerRepublika ng Pilipinas
AdoptedHulyo 3, 1946
EscutcheonDalawang tutop ng kutamayang patindig na may kulay bughaw at pula; pinilakan ng tatlong bituing pariagwat at sa gitnang bahagi ay may habilog na pinilakan ng isang araw na may walong malalaki at maliliit na sinag.
CompartmentNasa ilalim dapat ang ngalan ng bansa sa Wikang Tagalog
MottoRepublika ng Pilipinas
Other elementsBald eagle ng Estados Unidos
at ang leon ng Kaharian ng Leon

Nasa kanan ang bald eagle ng Amerika na napaliligiran ng kulay bughaw, sa kabilang dako naman ay napaliligiran ng pula ang leon ng Castile at Leon.

Ang paglalarawang ginagamit sa Sagisag na ito ay mula sa website ng Pamahalaan ng Pilipinas:

Dalawang tutop ng kutamayang patindig na may kulay bughaw at pula; pinilakan ng tatlong bituing pariagwat at sa gitnang bahagi ay may habilog na pinilakan ng isang araw na may walong malalaki at maliliit na sinag. Sa ilalim ay may balumbong na nakasulat ang "REPUBLIKA NG PILIPINAS".[1]

Palatakdaan

baguhin

Ang Silangang Indiyo ng Espanya

baguhin

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang mas pinapayak na salin ng kalasag ng Kaharian ng Espanya ang ginamit. Ang sagisag ng Maynila ay isinabatas din ni Haring Felipe II noong 1596. Makikitang ang mga Haligi ni Hercules o ang Orden ng Gintong Lana ay hindi laging ipinakikita o minsanan lang kung gamitin.

Mga Kalasag ng Silangang Indiyo ng Espanya (1565-1898)
           
1565–1580 1580–1668 1668–1700 1700–1868; 1874–1898 1868–1870; 1873–1874 1871–1873
Ang sagisag noon ng Kabahayan ng Habsburg Ang sagisag ng mga Habsburg na kung saan ang putong ay dinagdagan ng mga kalahating balantok. Kawangis na sagisag ngunit ang mga balantok ay binaluktot pababa. Sagisag sa ilalim ng Kabahayan ng Bourbon Sagisag ng Pansamantalang Pamahalaan at ng Unang Republika ng Espanya na kung saan ang makaharing putong ay pinalitan ng piniring putongi at ang kutamaya ng kabahayan ng Bourbon ay tinanggal. Ang kutamaya ay nagpapakita ng sagisag ng Kabahayan ng Savoy sa maikling paghahari ni Amadeo I.

Sakupbayan ng Amerika at Pananakop ng mga Hapones

baguhin

Matapos lagdaan ang 1898 Kasunduan ng Paris na tumapos sa Digmaang Amerikano-Espanyol, isinuko ng Espanya ang soberanya ng Pilipinas at ng iba pang mga kolonya sa Nagkakaisang Estado ng Amerika. Ang mga armas na susunod ay ginamit matapos ang sesyon, sa kapanahunan ng Komonwelt at sa pagdaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Larawan Paglalarawan Taon/Panahon Batayang Legal
Pamahalaang Rebolusyonaryo (1899-1901)
  Ang sagisag ng Unang Republika ng Pilipinas, ang Tatlong Bituin at Isang Araw. Ang tatak ay ginamit sa pamunuan ni Pangulong Emilio Aguinaldo, mula sa Pagpapahayag ng Kalayaan hanggang sa kanyang pagkakadakip ng mga hukbong Amerikano noong 1901. 1899–1901 1898

Pagpappahayag ng Kalayaan
Acta de la Proclamacion de la Independencia del Pueblo Filipino

Insular at ang mga sagisag ng Komonwelt (1898–1946)
  Kalasag ng Kapuluan ng Pilipinas. Ginamit ng Pamahalaang Insular na naguulat sa Kawanihan ng Kapakanang Insular ng EU. 1905–1935 Batas Blg. 1365
  Unang salin ng sagisag ng Komonwelt na ginamit Komonwelt ng Pilipinas. Ginamit sa ilalim ng pamunuan ni Manuel Quezon, ginamit din ng gobyerno-desteryo Pilipinas habang sinakop tayo ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 1935–1940, 1941–1946 Batas Blg. 4358
  Ang ikalawang salin na ito ay panandaliang ginamit. Ito ay pinagtibay noong ika-19 ng Agosto 1940 sa ilalim ng Batas Komonwelt Blg. 602. Ito ay hindi lubusang nagamit kaya ang nakaraang sagisag ay ibinalik noong Pebrero 23, 1941 sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 614. 1940–1941 Batas Komonwelt Blg. 602
Kapanahunan ng mga Hapones (1942–1945)
  Sagisag ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. 1943 Batas Blg. 5
  Kalasag ng Ikalawang Republika. Ipinakilala ng Pamahalaan ng Estadong Papet ng mga Hapones. Ang nakasulat sa ibaba ay ang pangalan ng bansa sa wikang Tagalog. 1943–1945 Batas Blg. 17

Kalasag ng Kasarinlan

baguhin

Ang mga sumusunod ay ginamit matapos makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Ang mga kalasag ay binanghay ni Kap. Galo B. Ocampo at ang dibuho ay halos walang ipinagbago mula pa noon. Ang mga pagbabago ay maliliit lang at karamihan ay dahil sa pulitikal at kalinangang pagsasaalang-alang.

Larawan Paglalarawan Taon/Panahon Batayang Legal
Kasarinlan (1946–present)
  Kalasag ng bagong layang Republika ng Pilipinas, ginamit sa buong Ikatlong Republika at sa mga unang taon ng Ikaapat na Republika. Ibinalik Setyembre 10, 1986 sa pamamagitan ng Panandaan Blg. 34 matapos ang Himagsikan sa Edsa 1986. Ang ngalan sa ibaba ay "Republic of the Philippines," ang pangalan ng bansa na isinalin sa wikang Inggles. 1946–1978, 1986–1998 Batas Komonwelt Blg. 731
  Noong 1978, pinapalitan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang nakasulat sa ibaba mula sa pangalan ng bansa ay ginawa itong pambansang kasabihan noon na "Isang Bansa, Isang Diwa." 1978–1985 Pampanguluhang Atas Blg. 1413 s. 1978
  Ang pinakahuling salin ng kalasag sa Ikaapat na Republika. Ang kulay bughaw ay mas pinatingkad upang maging kawangis ng kulay ng binagong watawat. 1985–1986 Ehekutibong Atas 1010 s. 1985
  Ito ang kalasag ngayon. Ang pangalan ng bansa ay naisalin na sa wikang Tagalog. Noong 1998, pinalitan ang kulay ng pula, dilaw at bughaw. Isinagawa ito upang maging kawangis ng kulay sa watawat ngayon. Ang paglalarawan ng kalasag ay isinabatas noong 2000s. 1998–kasalukuyan Panandaan Blg. 34 s. 1986