Orden ng Gintong Lana
Ang Orden ng Gintong Lana (Ingles: Order of the Golden Fleece, Kastila: Orden del Toisón de Oro, Aleman: Orden vom Goldenen Vlies) ay isang orden ng kagalantihan na itinatag sa Bruges ni Felipe III, Duke ng Burgundy noong 1430, upang ipagdiwang ang kasal niya prinsesang Portuges na si Infanta Isabella ng Portugal, anak ni Haring Juan I ng Portugal. Isa ito sa mga pinakaprestihiyosong orden sa buong Europa. Sa kasalukuyan, 2 sangay ng order ang mayroon ngayon, ang Lanang Espanyol at ang Lanang Awstriyano; Ang mga may kapangyarihan dito ay ang Hari ng Espanya na si Felipe VI at si Karl von Habsburg, apo ng dating Emperador ng Awstriya na si Carlos I. Ang kapelyan sa sangay Awstriyano ay Ang Kanyang Eminensiya Kardinal Graf von Schonborn, Arsobispo ng Vienna.
Orden ng Gintong Lana Order of the Golden Fleece Orden del Toisón de Oro Ordre de la Toison d'Or Orden vom Goldenen Vlies Ordo Velleris Aurei | |
---|---|
Tanikala ng Orden ng Gintong Lana (ipinakikita sa "Schatzkammer" sa Vienna) | |
Ginagawad ng the King of Spain and the Head of the House of Habsburg | |
Bansag | Pretium Laborum Non Vile Non Aliud |
Ginagawad sa | Sa kagustuhan ng monarka |
Katayuan | Ipinagkakaloob pa sa kasalukuyan |
May Kapangyarihan | Felipe VI ng Espanya Karl von Habsburg |
Itinatag | 1430 (see History) |