Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingguwa prangka) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Iloko
Iluko, Ilokano, Ilocano
Katutubo saPilipinas
Estados Unidos
RehiyonHilagang Luzon
Mga natibong tagapagsalita
7.7 milyon, 2.3 milyon ikalawang wika = 10 milyon kabuuan; ikatlong pinakaginagamit na wika sa Pilipinas[1]
Austronesyo
Latin (Abakada o Alpabetong Filipino);
Sa kasaysayan, isinusulat sa Baybayin
Opisyal na katayuan
Rehiyonal na wika sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2ilo
ISO 639-3ilo
Ang lugar na nasasakupan ng wikang Ilokano
Distribusyon ng Wikang Ilokano sa Pilipinas

Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.

Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado ng Hawaii at California sa Amerika.

Iloko at Ilokano

baguhin

Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang tinutukoy. Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o ang katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita, at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.

Ang Wika Ngayon

baguhin

Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingguwa prangka ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang sakada(mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog.

Idagdag pa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang ito. Sa katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at isa sa mga may pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may kompletong bokabularyo bago pa dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa gahum ng wikang banyaga.

Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingguwa prangka raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar.

Sa Honolulu ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa Tagalog.

Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala bilang Heritage Language sa Hawaii.

Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong mundo.

Salita ng mga Ilokano

baguhin
 
Lugar kung saan sinasalita ng karamihan ang Ilokano.
Kanlurang Ilokano (Western Ilocano)

(Salitang Malalim na "Ilokano, at sinmahan Pang-galatok (Pangasinense)).

Gitnang Ilokano (Central Ilocano)

(Salitang mayroong halong "Igorot", "Bontok" at "Apayao", ngunit Balarila ng wikang Ilokano).

Silangang Ilokano (Eastern Ilocano)

(Salitang Malalim na Ilokano at nahaluan ng "Igorot", "Apayao" at "Tuguegarao").


Timog Ilokano (Southern Ilocano)

(Salitang Ilokano na mayroong salitang "Kapampangan" at salitang "Tagalog").

Timog Katagalugan (Southern Tagalog)

(Salitang Tagalog Caviteño, Calambeño na nahaluan ng wikang "Ilokano").

Timog Katagalugan (Southern Tagalog)

(Salitang Palawenyo, (Mangyan) Mindoro na nahaluan ng wikang "Ilokano").

Mindanaw

baguhin
Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)

(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", at nahaluan ng wikang "Ilokano" at kasama ang ka-Musliman).

Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)

(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), at nahaluan ng wikang "Ilokano" at kasama ang Ka-musliman).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000

Mga kawing panlabas

baguhin

Mga saligan

baguhin