Ilocos Norte
Ang Ilocos Norte (Filipino: Hilagang Ilocos, Ilokano: Amianan nga Ilocos) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzón sa kanluran at sa Kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao, at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.
Ilocos Norte | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Ilocos Norte | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Ilocos Norte | |||
Mga koordinado: 18°10'N, 120°45'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Rehiyon ng Ilocos | ||
Kabisera | Laoag | ||
Pagkakatatag | 1818 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Matthew Manotoc | ||
• Manghalalal | 434,114 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 3,467.89 km2 (1,338.96 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 609,588 | ||
• Kapal | 180/km2 (460/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 152,972 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 1.70% (2021)[2] | ||
• Kita | ₱1,748,407,812.50 (2020) | ||
• Aset | ₱7,952,263,417.88 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱1,532,365,080.82 (2020) | ||
• Paggasta | ₱1,603,143,769.15 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 2 | ||
• Bayan | 21 | ||
• Barangay | 558 | ||
• Mga distrito | 2 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 2900–2922 | ||
PSGC | 012800000 | ||
Kodigong pantawag | 77 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-ILN | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | Wikang Iloko Wikang Isnag | ||
Websayt | https://www.ilocosnorte.gov.ph/ |
Kilala ang lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigan panturismo sa hilaga, kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.
Relihiyon
baguhinBagaman karamihian ng mga mamamayan ng Pilipinas ay tagasunod ng Romano Katoliko, ang karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag ng taal ng Batac na si Gregorio Aglipay.
Matatagpuan ang ilang mga tanyag na simbahang Katoliko sa lalawigan ng Ilocos Norte:
- Simbahan ng Paoay Church (St. Augustine Church) - Napabiliang sa UNESCO World Heritage Site noong 1993.
- St. William's Cathedral sa Laoag - Tanyag dahil sa Lumulubog na Tore ng Kampana
- St. Monica Parish Church sa Sarrat - Itinalang pinakamalaking simbahan sa rehiyon ng Ilokos.
- Simbahang ng Bacarra - nasira nang lumindol noong 17 Agosto 1983 ,[3] inayos at binuksang muli noong 1984.
Sa Ilocos Norte matatagpuan ang Dambana ng Aglipay, kung saan inilibing ang kataastaasang pinuno ng simbahan.
Heograpiya
baguhinPampolitika
baguhinNahahati ang lalawigan ng Ilocos Norte sa 558 mga barangay, 21 bayan, at 2 lungsod.
Lungsod
baguhinMga Bayan
baguhin- Adams, Ilocos Norte
- Bacarra, Ilocos Norte
- Badoc, Ilocos Norte
- Bangui, Ilocos Norte
- Banna, Ilocos Norte (Espiritu)
- Burgos, Ilocos Norte
- Carasi, Ilocos Norte
- Currimao, Ilocos Norte
- Dingras, Ilocos Norte
- Dumalneg, Ilocos Norte
- Marcos, Ilocos Norte
- Nueva Era, Ilocos Norte
- Pagudpud, Ilocos Norte
- Paoay, Ilocos Norte
- Pasuquin, Ilocos Norte
- Piddig, Ilocos Norte
- Pinili, Ilocos Norte
- San Nicolas, Ilocos Norte
- Sarrat, Ilocos Norte
- Solsona, Ilocos Norte
- Vintar, Ilocos Norte
Mga Sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Ilocos Norte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Laoag Earthquake - 17 Agosto 1983". Phivolcs. 1983. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-08-15. Nakuha noong 2011-01-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)