Ang lingguwa prangka[1] (Ingles: lingua franca; lit. na 'wika ng mga Prangko') na kilala rin bilang wikang tulay, karaniwang wika, wika pangkalakal, wikang pantulong, o wikang nag-uugnay, ay isang wika na sistematikong ginamit upang makapagsalita sa isa't isa ang mga taong nagkakaiba sa katutubong wika o diyalekto, lalo na kung ito ay pangatlong wika na iba sa dalawang katutubong wika ng nananalita.[2]

Nabuo ang mga lingguwa prangka sa iba't ibang bahagi ng mundo sa buong kasaysayan ng tao, kung minsan dahil sa mga dahilang komersyal (tinaguriang "wikang pangalakal" na nagpadali sa kalakalan), ngunit para rin sa dahilang kultural, relihiyoso, diplomatiko at pang-administratibo, at bilang paraan ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga siyentipiko at mga iba pang iskolar na may iba't ibang nasyonalidad.[3][4] Nakuha ang termino mula sa edad medyang Mediteraneong Lingua Franca, isang wikang pabalbal batay sa Romanse na ginamit (lalo na ng mga mangangalakal at marino) bilang lingguwa prangka sa Rehiyon ng Mediteraneo mula ika-11 hanggang ika-19 na siglo. Ang wikang pandaigdig – isang wika na sinasalita sa buong mundo at ng mararaming tao – ay isang wika na maaaring sumilbi bilang pandaigdigang lingguwa prangka.

Katangian

baguhin
 
Mga wikang pangkalakal ng mundo noong 1908 mula sa The Harmsworth Atlas and Gazetteer

Tumutukoy ang lingguwa prangka sa anumang wika na ginagamit upang makipagtalastasan ang mga taong may magkaibang katutubong wika.[5] Ang lingguwa prangka ay isang terminong kapaki-pakinabang na malaya sa anumang kasaysayang linggwistiko o istraktura ng wika.[6]

Kaya masasabing lingguwa prangka ang mga pidyin; maaari ring gamitin ang mga kriyolo at mga wikang hinalo sa komunikasyon ng mga pangkat na nag-iiba sa wika. Subalit masasabing lingguwa prangka rin sa isang di-kriyolong wika na katutubo sa isang bansa (kadalasang isang mananakop) na pinag-aaralan bilang pangalawang wika at ginagamit sa komunikasyon sa pagitan ng mga komunidad na may magkakaibang wika sa isang kolonya o dating kolonya.[7]

Kadalasan, ang mga lingguwa prangka ay mga wikang umiiral na may katutubong nananalita, ngunit maaari rin silang maging mga pidyin o kriyolo na binuo para sa partikular na rehiyon o konteksto. Nabubuo nang mabilis ang mga pidyin, bilang mga pinapayak na kombinasyon ng dalawa o higit pang wikang matatag. Samantala, ang mga kriyolo ay karaniwang itinuturing na mga pidyin na nag-ebolb upang maging mga ganap at masalimuot na wika sa landas ng paggamit ng mga kasunod na henerasyon.[8] Ginagamit ang mga umiiral na lingguwa prangka na tulad ng wikang Pranses upang padaliin ang interkomunikasyon sa malakihang pangangalakal o pampulitikang usapin, habang madalas na lumilitaw ang mga pidyin at kriyolo mula sa mga sitwasyong kolonyal at tiyak na pangangailangan para sa komunikasyon sa pagitan ng mga kolonista at mga katutubong mamamayan.[9] Sa kabaligtaran, ang mga wikang pidgin ay napakapinadaling na paraan ng komunikasyon na naglalaman ng maluwag na istraktura, kaunting mga alituntunin sa balarila, at pagkakaroon ng kakaunti o walang katutubong nananalita. Mas buo ang mga wikang kriyolo kaysa sa kanilang mga ninunong pidyin at gumagamit ng mas kumplikadong istraktura, bararila, at bokabularyo, pati na rin ang pagkakaroon ng malaking pamayanan ng mga katutubong nananalita.[10]

Kung ihahambing, ang wikang bernakular ay ang katutubong wika ng isang tiyak na pamayanan sa isang lugar,[11] habang ang lingguwa prangka ay ginagamit sa labas ng mga hangganan ng kanyang orihinal na komunidad, para sa dahilang pangkalakal, panrelihiyon, pampulitika, o pang-akademiko.[12] Halimbawa, bernakular ang Ingles sa Reyno Unido ngunit ginagamit bilang lingguwa prangka sa Pilipinas, katabi ng Filipino. Nagsisilbi ang Arabe, Pranses, Mandarin, Kastila, Portuges, Hindustani, at Ruso ng magkatulad na layunin bilang mga lingguwa prangkang pang-industriya/pang-edukasyon sa ibayo patungo sa mga hangganan ng rehiyon at bansa.

Kahit ginagamit bilang mga wikang tulay ang mga nalikhang pandaigdigang wikang awksilyar tulad ng Esperanto at Lingua Franca Nova, hindi pa sapat ang paggamit ng mga ito sa buong mundo para maituring sila bilang mga lingguwa prangka.[13]

Etimolohiya

baguhin

Hinango ang salitang lingguwa prangka sa Mediteraneong Lingua Franca (o Sabir), isang wikang pidyin na ginamit ng mga tao sa Lebante at silangang Dagat Mediteraneo bilang pangunahing wika ng komersiyo at diplomasya mula sa huling bahagi ng Gitnang Kapanahunan hanggang sa ika-18 siglo, lalo na sa panahon ng Renasimiyento.[14][7] Sa panahong iyon, nabuo ang isang pinasimpleng bersiyon ng Italyano sa silangang Mediteraneo at Kastila sa kanlurang Mediteraneo na naghiram ng maraming salita mula sa Griyego, mga wikang Eslabo, Arabe at Turko na naging "lingguwa prangka" ng rehiyon, bagaman sinasabi ng ilang iskolar na di-angkop na paggamit ng Italyano lamang ang Mediteraneong Lingua Franca.[12]

Sa Lingua Franca (ang tiyak na wika mismo), wika ang kahulugan ng lingua. May kaugnayan ang franca sa Φρᾰ́γκοι (Phránkoi) ng Griyego at إِفْرَنْجِي (ʾifranjiyy) ng Arabe pati na rin ang Italyanong katumbas—sa lahat ng tatlong kaso, ang literal na kahulugan ay (wikang) Prangko, kaya ang 'wika ng mga Prangko' ang direktang pagsasalin. Sa huling bahagi ng Imperyong Bisantino, "Prangko" ang tawag sa lahat ng mga Kanluraning Europeo.[15][16][17][18]

Sa pagbabagong-kahulugan ng salita sa panitikan, nagkaroon ng interpretasyon ang lingguwa prangka bilang pangkalahatang termino para sa mga pidyin, kriyolo, at ilan o lahat ng anyo ng mga wikang behikular. Naiugnay ang pagbabagong-kahulugan nito sa ideya na malawakang nakilala lang ang mga wikang pidyin mula noong ika-16 siglo dahil sa pagkokolonisa ng Europa sa mga kontinente tulad ng Kaamerikahan, Aprika, at Asya. Sa panahong ito, umusbong ang pangangailangan para sa isang terminong pantukoy ng mga wikang pidyin, kaya nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng lingguwa prangka mula isang pangngalang pantangi patungo sa pangngalang pambalana na sumasaklaw sa mararaming uri ng mga wikang pidyin.[19]

Nito lamang huling bahagi ng ika-20 siglo, nilimitahan ng ilan ang paggamit ng pangkaraniwang termino upang mangahulugan lamang sa mga wikang halo-halo na ginagamit bilang mga wikang behikular, ang orihinal na kahulugan nito.[20]

Mga halimbawa

baguhin
 
Griyegong Koine

Ginamit ang mga lingguwa prangka kahit noong sinaunang panahon. Ang Latin at Griyegong Koine ay ang mga lingguwa prangka ng Imperyong Romano at kulutang Helenistiko. Nanatili ang Akadio (namatay noong panahon ng Sinaunang Klasiko) at pagkatapos ang Arameo bilang mga karaniwang wika ng malaking bahagi ng Kanlurang Asya mula sa ilang mga naunang imperyo.[21][22]

Ang wikang Hindustani (Hindi-Urdu) ay ang lingguwa prangka ng Pakistan at Hilagang Indya.[23][24] Maraming mga Indyanong estado ang nagpatibay ng Pormula ng tatlong-wika kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral sa mga estadong nagsasalita ng Hindi ng: "(a) Hindi (kasama ang Sanskrito bilang bahagi ng kursong pinaglakip); (b) Urdu o anumang iba pang modernong wika ng Indya at (c) Ingles o anumang iba pang modernong wika ng Europa." Para naman sa mga estadong di-nagsasalita ng Hindi, tinuturo ang: "(a) ang wikang panrehiyon; (b) Hindi; (c) Urdu o anumang iba pang modernong wikang Indyano maliban sa (a) at (b); at (d) Ingles o anumang iba pang modernong wika ng Europa."[25] Lumitaw rin ang Hindi bilang lingguwa prangka para sa mga lokal ng Arunachal Pradesh, isang estadong may sari-saring wika sa Hilagang-silangang Indya.[26][27] Tinatayang 90 bahagdan ng populasyon ng estado ang nakaaalam ng Hindi.[28]

Ang Indones – na nagmula sa isang uri ng wikang Malay na sinasalita sa Riau – ay ang wikang opisyal at lingguwa prangka sa Indonesya at nauunawaan nang marami sa mga lupaing nagsasalita ng Malay kabilang ang Malaysia, Singapore at Brunei, bagaman mas marami katutubong nagsasalita ng Habanes. Gayunpaman, ang Indonesian ang tanging wikang opisyal at sinasalita sa buong bansa.

 
  Mga rehiyon kung saan ang Ingles ay katutubong wika ng karamihan
  Mga rehiyon kung saan opisyal ang Ingles ngunit hindi ito katutubong wika ng karamihan

Nadebelop ang Swahili bilang lingguwa prangka sa pagitan ng mga iilang pangkat na nagsasalita ng Bantu sa silangang baybayin ng Aprika na may mabigat na impluwensya mula sa Arabe.[29] Ang mga pinakaunang halimbawa ng pagsulat sa Swahili ay mula 1711.[30] Noong unang bahagi ng 1800, lumipat sa interyor ang paggamit ng Swahili bilang lingguwa prangka kasama ang Arabeng mangangalakal ng garing at alipin. Sa kalaunan ay pinagtibay rin ito ng mga Europeo sa mga panahong kolonyal sa lugar. Ginamit ito ng mga Alemanong kolonisador bilang wika ng pangangasiwa sa Tanganyika, na nagimpluwensya sa pagpili na gamitin ito bilang pambansang wika na ngayo'y nasa independiyenteng Tanzania.[29]

Sa Unyong Europeo, humantong ang paggamit ng Ingles bilang isang lingguwa prangka sa mga mananaliksik na siyasatin kung lumitaw na ang isang bagong diyalekto ng Ingles (Ingles Euro).[31]

Noong naging kolonyal na kapangyarihan ang Reyno Unido, nagsilbi ang Ingles bilang lingguwa prangka ng mga kolonya ng Imperyong Britaniko. Sa panahong post-kolonyal, ang ilan sa mga bagong nilikhang bansa na may maraming wikang katutubo ay pumiling magpatuloy sa paggamit ng Ingles bilang wikang opisyal.

 
Aprikang Prangkopono

Ang Pranses ay lingguwa prangka pa rin sa karamihan ng mga bansa sa Kanluran at Gitnang Aprika at isang wikang opisyal ng marami, isang nalalabi sa kolonyalismong Pranses at Belhiko. Ang mga bansang ito sa Africa at iba pa ay mga miyembro ng Prangkoponya.

Ginagamit at nauunawaan nang marami ang Ruso sa Gitnang Asya at Kaukasya, mga lugar na dating bahagi ng Imperyong Ruso at Unyong Sobyet, at sa halos lahat ng Gitnang at Silangang Europa. Ito ay nananatiling wikang opisyal ng Komonwelt ng Nagsasariling Estado. Ang Ruso ay isa rin sa anim na wikang opisyal ng mga Nagkakaisang Bansa.[32]

Sa Qatar, ang pamayanang medikal ay pangunahing binubuo ng mga manggagawa mula sa mga bansa kung saan hindi katutubong wika ang Ingles. Sa mga larangan ng medisina at ospital, karaniwang nakikipag-usap ang mga nars sa ibang mga propesyonal sa Ingles bilang lingguwa prangka.[33] Humantong ang pangyayaring ito sa interes sa pagsasaliksik ng mga kahihinatnan at kakayahan ng pamayanang medikal na makipag-usap gamit ang lingguwa prangka.[33]

Ang Persyano ay lingguwa prangka rom ng Iran at ang pambansang wika.

Ang Hausa ay maaari ring ituring bilang lingguwa prangka sapagkat ito ang wika ng komunikasyon sa pagitan ng mga nagsasalita ng iba't ibang wika sa Hilagang Nigeria at iba pang mga bansa sa Kanlurang Aprika.

Ang tanging dokumentadong wikang pakumpas na ginamit bilang lingguwa prangka ay Wikang Pakumpas ng Indyano ng Kapatagan, na ginamit sa buong bahagi ng Hilagang Amerika. Ginamit ito bilang pangalawang wika sa mga katutubong mamamayan. Sa tabi o isang hinango ng Wikang Pakumpas ng Indyano ng Kapatagan ay Wikang Pakumpas ng Talampas, na lipas na ngayon. Maaaring ganyan din ang Wikang Pakumpas ng Inuit sa Arktiko sa mga Inuit para sa komunikasyon sa mga hangganan ng oral na wika, ngunit kaunti lamang ang pananaliksik tungkol dito.

Karagdagang pagbabasa

baguhin
  • Hall, R.A. Jr. (1966). Pidgin and Creole Languages. Cornell University Press. ISBN 0-8014-0173-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Heine, Bernd (1970). Status and Use of African Lingua Francas. ISBN 3-8039-0033-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Kahane, Henry Romanos (1958). The Lingua Franca in the Levant.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Melatti, Julio Cezar (1983). Índios do Brasil (ika-48 (na) edisyon). São Paulo: Hucitec Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Ostler, Nicholas (2005). Empires of the Word. London: Harper. ISBN 978-0-00-711871-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Ostler, Nicholas (2010). The Last Lingua Franca. New York: Walker. ISBN 978-0-8027-1771-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Constantino, Pamela (1996). Mga piling diskurso sa wika at lipunan. University of the Philippines Press. p. 180. ISBN 9789715420648.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Viacheslav A. Chirikba, "The problem of the Caucasian Sprachbund" [Ang suliranin ng Kaukasong Sprachbund] sa Pieter Muysken, ed., From Linguistic Areas to Areal Linguistics (sa wikang Ingles), 2008, pa. 31. ISBN 90-272-3100-1
  3. Nye, Mary Jo (2016). "Speaking in Tongues: Science's centuries-long hunt for a common language" [Pagsasalita ng mga Wika: Ang mga siglong paghahanap ng agham para sa isang karaniwang wika]. Distillations (sa wikang Ingles). 2 (1): 40–43. Nakuha noong 20 Marso 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gordin, Michael D. (2015). Scientific Babel: How Science Was Done Before and After Global English [Siyentipikong Babel: Paano Ginawa ang Agham Bago at Pagkatapos ng Pandaigdigang Ingles] (sa wikang Ingles). Chicago, Illinois: University of Chicago Press. ISBN 9780226000299.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "vehicular, adj. [behikular, pnr.]" OED Online (sa wikang Ingles). Oxford University Press, Hulyo 2018. Web. 1 Nobyembre 2018.
  6. Intro Sociolinguistics [Panimula Sosyolingguwistika] Naka-arkibo 2018-05-22 sa Wayback Machine. – Pidgin and Creole Languages: Origins and Relationships – Tala para sa LG102, – Unibersidad ng Essex, Prop. Peter L. Patrick – Linggong 11, Taglagas na termino.
  7. 7.0 7.1 LINGUA FRANCA:CHIMERA OR REALITY? [LINGGUWA PRANGKA:KIMERA O REALIDAD?] (PDF) (sa wikang Ingles). ISBN 9789279189876. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2020-02-27. Nakuha noong 2020-03-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Romaine, Suzanne (1988). Pidgin and Creole Languages [Mga Wikang Pidyin at Kriyolo] (sa wikang Ingles). Longman.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Lingua Franca, Pidgin, and Creole" [Lingguwa Prangka, Pidyin, at Kriyolo] (sa wikang Ingles). 3 Abril 2015. Nakuha noong 29 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The Difference Between Lingua Franca, Pidgin, and Creole Languages" [Ang Pagkakaiba ng Mga Wikang Lingguwa Prangka, Pidyin, at Kriyolo]. Teacher Finder (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Definition of VERNACULAR" [Kahulugan ng BERNAKULAR]. www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2021. Nakuha noong 2021-05-11. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Dursteler, Eric R. (2012). "Speaking in Tongues: Language and Communication in the Early Modern Mediterranean" [Pagsasalita sa mga Wika: Wika at Komunikasyon sa Maagang Modernong Mediteraneo]. Past & Present (sa wikang Ingles) (217): 47–77. doi:10.1093/pastj/gts023 – sa pamamagitan ni/ng JSTOR.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Directorate-General for Translation, European Commission (2011). "Studies on translation and multilingualism" [Pag-aaral sa pagsasalin at multilinggwalismo] (PDF) (sa wikang Ingles). Europa (web portal). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2012-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "lingua franca | linguistics" [lingguwa prangka | lingguwistika]. Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Lexico Triantaphyllide online dictionary, Greek Language Center (Kentro Hellenikes Glossas), lemma Franc ( Φράγκος Phrankos), Lexico tes Neas Hellenikes Glossas, G.Babiniotes, Kentro Lexikologias(Legicology Center) LTD Publications (sa wikang Ingles). Komvos.edu.gr. 2002. ISBN 960-86190-1-7. Nakuha noong 18 Hunyo 2015. Franc and (prefix) franco- (Φράγκος Phrankos and φράγκο- phranko-{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "An etymological dictionary of modern English : Weekley, Ernest, 1865–1954 : Free Download & Streaming : Internet Archive" [Isang diksiyonaryong etimolohikal ng modernong Ingles : Weekley, Ernest, 1865–1954 : Libreng Download & Streaming : Artsibo sa Internet] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. [1] Naka-arkibo 10-12-2014 sa Wayback Machine.
  18. House, Juliane (2003). "English as a lingua franca: A threat to multilingualism?" [Ingles bilang lingguwa prangka: Isang banta sa multilingguwalismo?]. Journal of Sociolinguistics (sa wikang Ingles). 7 (4): 557. doi:10.1111/j.1467-9841.2003.00242.x. ISSN 1467-9841.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Brosch, C. (2015). "On the Conceptual History of the Term Lingua Franca" [Ukol sa Konseptuwal na Kasaysayan ng Katagang Lingguwa Prangka]. Apples: Journal of Applied Language Studies (sa wikang Ingles). 9 (1): 71–85. doi:10.17011/apples/2015090104.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Webster's New World Dictionary of the American Language, Simon and Schuster, 1980
  21. Ostler, 2005 pp. 38–40
  22. Ostler, 2010 pp. 163–167
  23. Mohammad Tahsin Siddiqi (1994), Hindustani-English code-mixing in modern literary texts, University of Wisconsin, ... Hindustani is the lingua franca of both India and Pakistan ...{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)Padron:Self-published source
  24. Lydia Mihelič Pulsipher; Alex Pulsipher; Holly M. Hapke (2005), World Regional Geography: Global Patterns, Local Lives, Macmillan, ISBN 0-7167-1904-5, ... By the time of British colonialism, Hindustani was the lingua franca of all of northern India and what is today Pakistan ...{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Three Language Formula". Government of India Ministry of Human Resource Development Department of Education. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Pebrero 2012. Nakuha noong 16 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Chandra, Abhimanyu (22 August 2014). "How Hindi Became the Language of Choice in Arunachal Pradesh." Scroll.in. Retrieved 12 March 2019.
  27. http://www.censusindia.gov.in/2011census/C-17.html
  28. Roychowdhury, Adrija (27 February 2018). "How Hindi Became Arunachal Pradesh's Lingua Franca." The Indian Express. Retrieved 12 March 2019.
  29. 29.0 29.1 "Swahili language". Encyclopædia Britannica. 27 Agosto 2014. Nakuha noong 29 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. E. A. Alpers, Ivory and Slaves in East Central Africa, London, 1975.., pp. 98–99 ; T. Vernet, "Les cités-Etats swahili et la puissance omanaise (1650–1720), Journal des Africanistes, 72(2), 2002, pp. 102–105.
  31. Mollin, Sandra (2005). Euro-English assessing variety status. Tübingen: Narr. ISBN 382336250X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Department for General Assembly and Conference Management – What are the official languages of the United Nations?". United Nations. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Oktubre 2007. Nakuha noong 25 Enero 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 33.0 33.1 Tweedie, Gregory; Johnson, Robert. "Listening instruction and patient safety: Exploring medical English as a lingua franca (MELF) for nursing education". Nakuha noong 6 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin