Ang wikang Swahili o Kiswahili (salinwika: wika ng mga taong-Swahili) ay isang pamilyang wikang Bantu at ang paunahing wika sa taong Swahili. Ito ay isang lingguwa prangka ng rehiyon ng Dakilang Lawa ng Aprika at ilang bahagi ng silangan at timog-silangang Aprika na kagaya ng Kenya, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, mga ilang bahagi ng Malawi, Somalia, Zambia, Mozambique at ang Demokratikong Republika ng Congo (DRC).[6] Ang Komoryano na sinasalita sa Kapuluang Comoros, ay itinuturing minsan bilang diyalekto ng Swahili, ngunit itinuturing ito ng mga ibang awtoridad bilang natatanging wika.[7]

Swahili
Kiswahili
Katutubo saTanzania, Democratic Republic of the Congo, Kenya, Mozambique (marami sa Mwani), Burundi, Rwanda, Uganda,[1] Comoros, Mayotte at sa ilang lugar ng Zambia, Malawi, Madagascar, at sa Timog Sudan
Mga natibong tagapagsalita
2 milyon[2][3] hanggang 15 milyon (2012)[4]
L2 speakers: 50 hanggang 100 milyon[2]
Niger–Congo
  • Mga wikang Atlantiko–Congo
    • Mga wikang Benue–Congo
      • Mga wikang Timogang Bantoid
        • Mga wikang Bantu
          • Hilagang-Kanlurang Coast Bantu
            • Mga wikang Sabaki
              • Swahili
panitikang Latin (alpabetong Romanong Swahili),
Panitikang Arabe (alpabetong Arabeng Swahili)
Braille ng Swahili
Opisyal na katayuan
Tanzania, Kenya, Demokratikong Republika ng Congo, Uganda, Comoros, African Union, East African Community
Pinapamahalaan ngBaraza la Kiswahili la Taifa (Tanzania), Chama cha Kiswahili cha Taifa (Kenya)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1sw
ISO 639-2swa
ISO 639-3swa – inclusive code
mGa indibidwal na kodigo:
swc – Wikang Kongong Swahili
swh – Wikang Baybaying Swahili
ymk – Wikang Makwe
wmw – Wikang Mwani
Glottologswah1254
G.42–43;
G.40.A–H (mga pidgin & mga kreyol)
[5]
Linguasphere99-AUS-m
  Mga lugar na may mananalita ng wikang Swahili o Komoryano ay ang katutubong wika,
  opisyal o pambansang wika,
  ay ang trade language. Bilang sa trade language, ang wikang Swahili ay nagpapalawig pa sa mas malayo pang kaunti hanggang sa hilagang-kanluran.[kailangan ng sanggunian]
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Hindi alam at pinagtataluhan ang eksaktong bilang ng mga nananalita ng Swahili, maaaring ito'y katutubong nananalita o nananalita bilang ikalawang wika. Iba't ibang tantya ang iniharap at lubhang nagkakaiba sila, mula 100 milyon hanggang 150 milyon.[2] Nagsisilbi ang Swahili bilang pambansang wika ng DRC, Kenya, Tanzania, at Uganda. Shikomor, ang wikang opisyal ng Comoros at sinasalita rin sa Mayotte (Shimaore), ay may kaugnayan sa Swahili.[8] Ang Swahili ay isa rin sa mga pantrabahong wika ng Unyong Aprika at opisyal na kinikilala bilang lingguwa prangka ng Pamayanang Silangang Aprika.[9] Noong 2018, ginawang legal ng Timog Aprika ang pagtuturo ng Swahili sa mga Timog Aprikanong paaralan bilang opsyonal na asignatura na sisimulan sa 2020.[10]

May makabuluhang bahagi ng talasalitaan ng Swahili ang nanggagaling sa Arabe,[11] na bahagyang ipinapahiwatig ng mga Muslim na nananalita ng Arabe. Halimbawa, ang salitang Swahili para sa "aklat" ay kitabu, na matutunton sa salitang Arabe كتاب kitāb (mula sa ugat K-T-B "magsulat"). Gayunman, ang maramihang anyo sa Swahili ng salitang ito ("mga aklat") ay vitabu, sa halip ng maramihang anyo sa Arabe كتب kutub, na sumusunod sa bararilang Bantu kung saan ki- ay inaanalisa muli bilang makangalang unlapi, at ang kanyang pangmaramihan ay vi-.[12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Thomas J. Hinnebusch, 1992, "Swahili", International Encyclopedia of Linguistics, Oxford, pp. 99–106
    David Dalby, 1999/2000, The Linguasphere Register of the World's Languages and Speech Communities, Linguasphere Press, Volume Two, pg. 733–735
    Benji Wald, 1994, "Sub-Saharan Africa", Atlas of the World's Languages, Routledge, pp. 289–346, maps 80, 81, 85
  2. 2.0 2.1 2.2 "HOME – Home". Swahililanguage.stanford.edu. Nakuha noong 19 Hulyo 2016. After Arabic, Swahili is the most widely used African language but the number of its speakers is another area in which there is little agreement. The most commonly mentioned numbers are 50, 80, and 100 million people. [...] The number of its native speakers has been placed at just under 20 million.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hinnebusch, Thomas J. (2003). "Swahili". Sa William J. Frawley (pat.). International Encyclopedia of Linguistics (2 ed.). Oxford: Oxford University Press. First-language (L1) speakers of Swahili, who probably number no more than two million{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Swahili sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Wikang Kongong Swahili sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Wikang Baybaying Swahili sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Wikang Makwe sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Wikang Mwani sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  5. Jouni Filip Maho, 2009. Bagong na-update na listahang Guthrie
  6. Prins 1961
  7. Nurse and Hinnebusch, 1993, p.18
  8. Nurse and Hinnebusch, 1993
  9. "Development and Promotion of Extractive Industries and Mineral Value Addition". East African Community.
  10. Sobuwa, Yoliswa (17 Setyembre 2018). "Kiswahili gets minister's stamp to be taught in SA schools". The Sowetan.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. The Routledge Concise Compendium of the World's Languages (2nd ed.), George L. Campbell and Gareth King. Routledge (2011), p. 678. ISBN 978-0-415-47841-0
  12. See pp. 11 and 52 in Ghil'ad Zuckermann (2003). Language Contact and Lexical Enrichment in Israeli Hebrew, Houndmills: Palgrave Macmillan, (Palgrave Studies in Language History and Language Change, Series editor: Charles Jones). ISBN 1-4039-1723-X.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.