Ang Wikang Turko (Turko: Türkçe / Türk dili / Türkiye Türkçesi) ay isáng wikang ginagamit ng halos 77 angaw na tao sa buong sanlibutan, at ini ay ang pinakamalakíng kasapi ng mga wikang Turkiko. Karamihan sa mga mananalitâ ng Turko ay naninirahan sa Turkiya at Tsipre, kung saan pampamunuán na ginagamit ang wikà roón, at may lalong maliliít na pangkát sa Irak, Gresya, Bulgarya, Republika ng Masedonya, Albanya at iba pang bahagi ng Silangang Europa. Ginagamit rin ang wikà ng angaw-angaw na mandarayuhan sa Europa, lalo na sa Alemanya, kung saán may malaking diaspora ng mga Turko roón.

Turko
Türkçe / Türkiye Türkçesi
Bigkas[ˈt̪yɾktʃe] ( pakinggan)
Katutubo saAlbanya, Aserbayan,[1] Bosnia at Herzegovina, Bulgarya, Croatia, Gresya, Hordan, Irak, Kosovo, Lebanon, ang Republika ng Masedonya, Moldova, Montenegro, Palestina, Rumanya, Rusya, Serbya, Sirya,[2] Tsipre, Turkiya, Turkmenistan, Unggarya, Uzbekistan,
at ng mga pamayanang mandarayuhan sa Alemanya, Austria, Belhika, Eskandinabya, ang Estados Unidos, Italya, Canada, ang United Kingdom, Olanda, Polonya, Pransiya, Slovakia, Suwisa at Unggarya
Hilagang Tsipre (kinikilala lamang ng Turkiya)
Mga natibong tagapagsalita
  • Katutubo: +77 milyon
  • Kabuuan: '+83 milyon
Altaiko (kontrobersiyal)
alpabetong Latin (gamit sa Turkiya)
Opisyal na katayuan
 Turkey
 Northern Cyprus
 Cyprus
Kinikilalang wika ng minorya sa
 Kosovo (regional)
 Macedonia (regional)
Romania Rumaniya (recognized)[3]
 Iraq[4] (In Kerkük, Tal Afar)
Pinapamahalaan ngKapisanan ng Wikang Turko
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1tr
ISO 639-2tur
ISO 639-3tur

Sa kanluran, ang impluwensiya ng wikang Turkong Otomano — ang diyalekto ng wikang Turko na ginamit bilang wikang pang-administrasyon at pampanitikan ng Imperyong Otomano — lumawak kasama sa imperyong mismo. Noong 1928, bilang isa sa mga reporma ni Atatürk (Turko: Atatürk İnkılâpları) sa maaagang taon ng Republika ng Turkiya, ang alpabetong Turkong Otomano ay pinalitan ng isang alpabetong Latin.

Ang mga katangian ng wikang Turko ay pagkakasundo ng mga patinig at malawak na aglutinasyon. Ang basikong ayos ng mga salita sa Turko ay paksa–bagay–pandiwa.

Klasipikasyon

baguhin

Ang Turko ay miyembro ng grupong Oghuz ng pamilyang Turkiko. Ang ilang ibang mga miyembro ay Aseri, na sinasalita sa Aserbayan at hilagang-kanlurang Iran, Gagauz ng Gagauzia, at wikang Turkomano ng Turkmenistan.

Masalimuot ang klasipikasyon ng mga wikang Turkiko. Ang mga migrasyon ng mga taong Turkiko at ang kasunod na kanilang halubilo, parehong sa isa't isa at sa ibang mga taong di-Turkiko, ay lumikha ng isang sitwasyong lingguwistiko ng malawak na kompleksidad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Taylor & Francis Group (2003). Eastern Europe, Russia and Central Asia 2004. Routledge. p. 114. ISBN 978-1857431872. Nakuha noong 2008-03-26.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Syrian Turks". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-04-20. Nakuha noong 2010-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Recognized Minority Languages of Romania". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-06-23. Nakuha noong 2010-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "APA - Kirkuk parliament passes decision to give official status to the Turkish language". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-12-09. Nakuha noong 2010-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. http://www.photius.com/rankings/languages2.html

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Turkiya at Tsipre ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.