Uzbekistan
Ang Republika ng Uzbekistan (internasyunal: Republic of Uzbekistan) ay isang bansa sa Gitnang Asya. Nakikihati ang hangganan nito sa Kazakhstan sa kanluran at hilaga, Kyrgyzstan at Tajikistan sa silangan, at Afghanistan at Turkmenistan sa timog.
Uzbekistan
| |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Tashkent |
Opisyal na wika | Usbeko |
Kinilalang wikang panrehiyon | Karakalpak |
Katawagan | Uzbekistani;[1] also Uzbek, Uzbeki |
Pamahalaan | Republika Presidensyal |
• Pangulo | Shavkat Mirziyoyev |
Abdulla Oripov | |
Kalayaan mula sa Unyong Sobyet | |
• Pagkabuo | 1747[2] |
• Pagpapahayag | Setyembre 1, 1991 |
• Pagkilala | Disyembre 8, 1991 |
• Pagtatapos | Disyembre 25, 1991 |
Lawak | |
• Kabuuan | 447,400 km2 (172,700 mi kuw) (ika-56) |
• Katubigan (%) | 4.9 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2007 | 27,372,000 (ika-44) |
• Kapal | 59/km2 (152.8/mi kuw) (ika-136) |
GDP (PPP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $64.201 billion[3] |
• Kada kapita | $2,389[3] |
GDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $22.307 bilyon[3] |
• Kada kapita | $830[3] |
Gini (2000) | 26.8 mababa |
HDI (2007) | ![]() Error: Invalid HDI value · ika-113 |
Salapi | Soʻm ng Uzbekistan (UZS) |
Sona ng oras | UTC+5 (UZT) |
• Tag-init (DST) | UTC+5 (—) |
Kodigong pantelepono | 998 |
Kodigo sa ISO 3166 | UZ |
Dominyon sa Internet | .uz |
Nagmula ang pangalang Uzbekistan sa mga nomadikong Uzbek na mula sa lahing Mongol. Minsan na itong naging bahagi ng Imperyong Persa ng Samanida at nang lumaon ng Imperyong Timurida. Humiwalay bilang nagsasariling bansa ang Uzbekistan noong 1991 nang mabuwag ang USSR.
Pinakamataas na bundok ng Uzbekistan ang Khazret Sultan na may taas na 4 643 metro (15 233 talampakan) higit sa antas ng dagat. Matatagpuan ito sa Hissar Range sa probinsya ng Surkhandarya na nagsisilbing hangganan ng bansa sa Tajikistan
Ang klima ng Republika ng Uzbekistan ay kontinental na nakakukuha ng kaunting pag-ulan. Ang tag-araw ay napakainit at napakalamig naman ng taglamig. Ang temperatura nito ay umaabot sa 40 Degrees Celsius (104 Degrees Fahrenheit) sa tag-araw at -23 Degrees Celsius (-9 Degrees Fahrenheit) sa panahon ng taglamig.
Nakabatay ang ekonomiya ng Uzbekistan sa paggawa ng kalakal mula sa bulak, ginto, uranyo, potasyo at natural gas.
Mga teritoryong pampangasiwaanBaguhin
- Tashkent
- Karakalpakstan
- Andijan Region
- Bukhara Region
- Fergana Region
- Jizzakh Region
- Namangan Region
- Navoiy Region
- Qashqadaryo Region
- Samarqand Region
- Sirdaryo Region
- Surxondaryo Region
- Tashkent Region
- Xorazm Region
TalababaBaguhin
- ↑ CIA World Factbook, Uzbekistan
- ↑ bilang Bukharian Emirate, Kokand Khanate, Khwarezm
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Uzbekistan". International Monetary Fund. Nakuha noong 2008-10-09.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. CIS