Turkmenistan
Ang Republika ng Turkmenistan (Turkomano: Turkmenistan Respublikasy), na nakilala rin bilang Turkmenia (Ruso: Туркмения) ay isa sa mga bansang Turko sa Gitnang Asya. Ang mga katabing-bansa nito ay ang Afghanistan sa timog-silangan, Iran sa timog at timog-kanluran, Uzbekistan sa silangan at hilagang-silangan, Kazakhstan sa hilaga at hilagang-kanluran at ang Dagat ng Kaspiy sa kanluran.
Turkmenistan Türkmenistan
| |
---|---|
Awiting Pambansa: Garaşsyz, Bitarap Türkmenistanyň Döwlet Gimni (Pambansang Awit ng Malaya at Walang-kinikilingang Turkmenistan) | |
![]() | |
Kabisera | Ashgabat |
Wikang opisyal | Turkomano |
Kinilalang wikang panrehiyon | Ruso, Uzbek, Dari |
Katawagan | Turkmen |
Pamahalaan | Parliamentary republic |
• Pangulo | Serdar Berdimuhamedow |
Kalayaan mula sa Unyong Sobyet | |
• Ipinahayag | 27 Oktubre 1991 |
• Kinilala | 8 Disyembre 1991 |
Lawak | |
• Kabuuan | 488,100 km2 (188,500 mi kuw) (ika-52) |
• Katubigan (%) | 4.9 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Disyembre 2006 | 5,110,023 (ika-113) |
• Kapal | 9.9/km2 ([convert: di tugmang yunit]) (ika-208) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $26.822 bilyon[1] |
• Bawat kapita | $5,171[1] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $26.201 bilyon[1] |
• Bawat kapita | $5,052[1] |
TKP (2007) | 0.712 mataas · ika-109 |
Salapi | Turkmen Manat (TMM) |
Sona ng oras | UTC+5 (TMT) |
• Tag-init (DST) | UTC+5 (—) |
Kodigong pantelepono | 993 |
Kodigo sa ISO 3166 | TM |
Internet TLD | .tm |
Noong 2012, umabot ng 11% ang GDP growth rate ng Turkmenistan pagkatapos ng patuloy na paglago ng ekonomiya nito sa mga naunang taon, ngunit ito ay nakadepende lamang sa pagkalakal ng iisang produkto. Ang Turkmenistan ang may hawak sa ikaapat sa pinakamalalaking pagkukunan ng natural gas. Kahit na mayaman ito sa ilang likas na yaman, ang karamihan ng bansa ay bahagi ng tinatawag na Karakum Desert.
Ang lupain na sakop ng makabagong-panahong Turkmenistan ay naging bahagi ng Imperyo ng Rusya noong 1881. Naging sentro ito ng oposisyon sa Himagsikang Bolshevik sa Gitnang Asya. Naging bahagi ito ng Unyong Sovyet noong 1924, at naging isang malayang bansa noong bumagsak ang Unyong Sovyet noong 1991. Pinamunuan ni Saparmurat Niyazov (tinawag na "Türkmenbaşy", Pinuno ng mga Turkmen") ang Turkmenistan hangang sa kanyang biglaang kamatayan noong 21 Disyembre 2006. Pumalit sa kaniya si Gurbanguly Berdimuhamedow noong 11 Pebrero 2007.
Mga teritoryong pampangasiwaanBaguhin
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Turkmenistan". International Monetary Fund. Nakuha noong 2008-10-09.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Turkmenistan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.