Ang isang dinastiya ay isang pagkakasunud-sunod ng mga pinuno mula sa parehong pamilya,[1] karaniwang nasa konteksto ng isang pyudal o monarkiyang sistema, ngunit minsa'y lumilitaw din ito sa mga republika. Ang mga alternatibong termino para sa "dinastiya" ang "bahay", "pamilya" at "angkan", bukod sa iba pa.

Si Charles I ng Inglatera at ang kanyang anak na si James II ng Inglatera mula sa Bahay ng Stuart
Ang Dinastiyang Qing ay ang huling dinastiyang imperyal ng Tsina. Itinatag ito noong 1636 at bumagsak noong 1912.

Tinatakda ng mga mananalaysay ang panahon sa kasaysayan ng maraming estado at kabihasnan, tulad ng Sinaunang Iran (3200 – 539 BC), Sinaunang Ehipto (3100 – 30 BC), at Sinauna at Imperyal na Tsina (2070 BC – AD 1912), gamit ang isang banghay ng sunod-sunod na mga dinastiya. Dahil dito, maaring gamitin ang katawagang "dinastiya" sa paglilimita ng panahon kung saan naghari ang isang pamilya.

Bago ang ika-18 dantaon, karamihan sa mga dinastiya sa mundo ay tradisyunal na kinikila sa patrilineyalidad, tulad ng mga sumusunod sa batas Salikong Franco. Sa kaayusan ng pamahalaan kung saan pinapahintulot ito, ang paghalili ng anak na babae ay kadalasang naitatag ang isang bagong dinastiya sa pamilya ng kanyang asawa. Nabago ito sa lahat ng natitirang monarkiya sa Europa, kung saan batas sa paghalili at mga kumbensyon na pinatili sa mga ngalan dinastiko ay de jure sa pamamagitan ng isang babae.

Humina ang politikang dinastiko sa paglipas ng panahon, dahil sa paghina ng monarkiya bilang isang anyo ng pamahalaan, ang pagbangon ng demokrasya, at isang pagbawas sa loob ng mga demokrasya ng hinalal na kasapi mula sa mga pamilyang dinastiko.[2]

Terminolohiya

baguhin

Impormal na ginagamit minsan ang salitang "dinastiya" para sa mga taong na hindi pinuno subalit, halimbawa, mga kasapi ng pamilya na may impluwensiya sa ibang bagay, tulad ng isang serye ng sunud-sunod na mga may-ari ng pangunahing kompanya. Ginagamit din ito sa mga taong hindi naman magkamag-anak, tulad ng mga pangunahing makata ng parehong paaralan o iba't ibang roster ng nag-iisang koponan sa palakasan.[1]

Maaring makilala ang isang pamilya o angkanan bilang "bahay maharlika",[3] na maaring iistilo bilang "imperyal", "panghari", "pamprinsipe", "pangduke", "pangkonde" o "pambaron", depende sa puno o kasalukuyang titulong dinadala ng kasalukuyang kasapi nito.

Ginagamit din ang katawagang dinastiya sa pampolitikang pamilyang hinahalal sa isang republika. Halimbawa, sa Pilipinas, may mga kilalang dinastiyang pampolitika tulad ng mga Marcos, Aquino, Binay, Macapagal, Duterte at Roxas. Mayroon ang mga dinastiya sa Pilipinas sa kabila ng pagbabawal nito sa Saligang Batas ng Pilipinas.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Oxford English Dictionary, 1st ed. "dynasty, n." Oxford University Press (Oxford), 1897. (sa Ingles)
  2. Van Coppennolle, Brenda; Smith, Daniel (2023). "Dynasties in Historical Political Economy" (PDF). The Oxford Handbook of Historical Political Economy (sa wikang Ingles).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Oxford English Dictionary, 3rd ed. "house, n.¹ and int, 10. b." Oxford University Press (Oxford), 2011. (sa Ingles)
  4. "The Constitution of the Republic of the Philippines | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-01-05. Nakuha noong 2023-06-01. Article II Section 26: The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)