Suwisa
Ang Suwisa[2] (Ingles: Switzerland), opisyal na tinatawag na Kompederasyon ng Suwisa, ay isang republikang pederal na matatagpuan sa Kanluran-Gitnang Europa, [note 1] at naghahanggan sa Italya sa timog, sa Pransiya sa kanluran, sa Alemanya sa hilaga, at sa Austria at Liechtenstein sa Silangan. Isang nasasagitna ng lupaing bansa ang Suwisa at heograpikal na nahahati sa pagitan ng Alpes, Talampas ng Suwisa at ng Bulubundukin ng Jura, na may sukat na 41,285 km2 (15,940 mi kuw). Habang nasasakop ng Alps ang malaking bahagi ng lupain, ang populasyon ng Suwisa ay tinatayang nasa walong milyon at karamihan ay nakatipon sa talampas, kung saan matatagpuan ang mga malalaking lungsod: kabilang dito ang dalawang lungsod global at sentrong pang ekonomiko, ang Zürich at Geneva. May malakas na kinagawian ng pagkawalang-kilingan sa pulitika at hukbo ang bansa gayunmandin ng pagkakasundong pandaigdig; nasa bansa ang himpilan ng maraming pagtitipong pandaigdig.
Kompederasyon ng Suwisa Schweizerische Eidgenossenschaft Confédération suisse Confederazione Svizzera Confederaziun svizra Confoederatio Helvetica (CH) | |
---|---|
Salawikain: Unus pro omnibus, omnes pro uno (Latin: Isa para sa lahat, lahat para sa isa) | |
Awiting Pambansa: Dalit Swis | |
Pinakamalaking lungsod | Zürich |
Wikang opisyal | Aleman (63,7 %), Pranses (20,4 %), Italyano (6,5 %), Rumantsch (0,5 %) capital = Bern |
Pamahalaan | Direct democracy Federal parliamentary republic |
• Swiss Federal Council | Guy Parmelin, Ignazio Cassis, Viola Amherd, Karin Keller-Sutter, Elisabeth Baume-Schneider, Albert Rösti, Beat Jans |
Independence | |
Agosto 1,[1] 1291 | |
• de facto | 22 Setyembre 1499 |
24 Oktubre 1648 | |
7 Agosto 1815 | |
12 Setyembre 1848 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 41,285 km2 (15,940 mi kuw) (ika-136) |
• Katubigan (%) | 4.2 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 8 815 400 (Ika-100) |
• Senso ng 2000 | 7 288 010 |
• Densidad | 213/km2 (551.7/mi kuw) (Ika-44) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2003 |
• Kabuuan | US$233 bilyon (Ika-35) |
• Bawat kapita | US$30 186 (Ika-8) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2003 |
• Kabuuan | US$309 billion (Ika-17) |
• Bawat kapita | US$42 138 (Ika-3) |
Salapi | Franc Swis (CHF) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | 41 |
Internet TLD | .ch |
Iniiwasa ng paggamit ng Confœderatio Helvetica (bigkas /kon·foy·de·ra·ti·yo hel·we·ti·ka/), ang saling Latin ng pangalang pantungkulin, ang pagpili sa isa sa mga pantungkuling wika. Ganito rin ang paggamit sa daglat na CH; halimbawa, ginagamit ito bilang ccTLD, .ch
Etimolohiya
baguhinConfoederatio Helvetica ay ang opisyal na pangalan sa Latin ng bansa. Ang kataga ay mula sa salitang Latin na Helvetica Helvetier na siyang nagmumula sa pangalan ng sinaunang tribung Celtico ng Helvetii. Ang Himagsikang 1798 ng Suwisa ay ang unang laban sa kataas-taasang kapangyarihan ng mga tagapagtatag ng Lumang Kompederasyon ng Suwisa: Uri, Schwyz, Unterwalden at ang mga lungsod ng Lucerne, Zurich at Bern. Dulot ng iba't ibang mga wikang sinasalita, at upang hindi mangibabaw o makipagtalo ang mga wika, ay nakalikha ng isang natatanging pangalan sa Latin, ang wikang sinasalita sa Europa noong panahong iyon. Sa kasalukuyan, ang terminong Helvetia ay hindi ginagamit upang ilarawan ang mga mamamayang Suwisa. Gayunpaman, ang pangalan na ito ay matatagpuan sa mga selyo at baryang Suwiso. Ang mga titik "C. H." (Confoederatio Helvetica) ay naging Internet domain (.Ch) mula noong 1995.
Naging kilala lamang ang pangalan na "Kompederasyon ng Suwisa" sa panahon ng ika-18 dantaon, kapag nagkaroon alinma'y hindi opisyal o natatangi, bilang pagtatalaga bilang Swiss Katawan, Magna League, Liga at Helvetia ay ginagamit din upang tukuyin Suíça.12 Nor ay ang Swiss kompederasyon pamamagitan Act sa 1803, habang Napoleon Bonaparte na ituring bilang mga tagapamagitan ng Swiss kompederasyon. Ang unang paglitaw legal na pangalan ay nakasulat sa Artikulo 15. Ng mga pederal na pagkakaisa sa 1815 na transcribes ang XXII canton bumubuo ng Swiss kompederasyon, isang pangalan na ay nabago mula noon.
Sa kasalukuyan, ayon sa titik pagtatalaga ng mga bansa ng Switzerland, ang bansa ay opisyal na pinangalanan bilang ang Kompederasyon ng Suwisa at ipinapaliwanag kung ano upang iwasan ang paggamit ng lahat ng mga salita na may prefix Helveto-0.12 ng titulong ito ay ginagamit sa unang pagkakataon sa isang dokumento sa Aleman itinayo ang Tatlumpung Taong Digmaan (1618-1648) 0.12 Gayunpaman, sa pagsasaling Latin ay nananatiling Confoederatio Helvetica.
Politika
baguhinAng Saligang-Batas na pinagtibay noong 1848 ay ang legal na pundasyon ng modernong pederal na estado. Ito ay kabilang sa mga pinakalumang mga konstitusyon sa mundo.[3] Ang isang bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 1999, ngunit hindi ipakilala pambihirang mga pagbabago sa pederal na istraktura. Ito binabalangkas basic at pampulitikang karapatan ng mga indibidwal at pakikilahok ng mamamayan sa mga pampublikong affairs, naghihiwalay ang kapangyarihan sa pagitan ng Katipunan at ang canton at tumutukoy sa mga pederal na hurisdiksyon at kapangyarihan. May tatlong pangunahing mga namamahala sa katawan sa mga pederal na antas:[4]
Pagkakahating administratibo
baguhinBinubuo ang Kompederasyong Suwisa ng 20 canton at 6 na kalahating canton:[3][5]
Canton | ID | Capital | Canton | ID | Capital | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Aargau | 19 | Aarau | *Nidwalden | 7 | Stans | ||
*Appenzell Ausserrhoden | 15 | Herisau | *Obwalden | 6 | Sarnen | ||
*Appenzell Innerrhoden | 16 | Appenzell | Schaffhausen | 14 | Schaffhausen | ||
*Basel-Landschaft | 13 | Liestal | Schwyz | 5 | Schwyz | ||
*Basel-Stadt | 12 | Basel | Solothurn | 11 | Solothurn | ||
Bern | 2 | Bern | St. Gallen | 17 | St. Gallen | ||
Fribourg | 10 | Fribourg | Thurgau | 20 | Frauenfeld | ||
Geneva | 25 | Geneva | Ticino | 21 | Bellinzona | ||
Glarus | 8 | Glarus | Uri | 4 | Altdorf | ||
Graubünden | 18 | Chur | Valais | 23 | Sion | ||
Jura | 26 | Delémont | Vaud | 22 | Lausanne | ||
Lucerne | 3 | Lucerne | Zug | 9 | Zug | ||
Neuchâtel | 24 | Neuchâtel | Zürich | 1 | Zürich |
*Kilala ang mga Canton na ito bilang kalahating canton at kinakatawan ng isang konsehal (sa halip na dalawa) sa Lupon ng mga Estado. ng Suwisa.
Mayroong permanenteng estadong konstitusyunal ang mga canton, at kung ihahambing sa ibang mga bansa, may mataas na antas ng pagsasarili. Sa ilalim ng Pederal na saligang batas, lahat ng 26 na canton ay may pantay-pantay na estado. Bawat canton ay may kani-kaniyang mga saligang batas, at sariling batasan, pamahalaan, at hukuman.[5] Gayunman, may malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na mga canton, lalo na ayon sa populasyon at sukat ng nasasakop nito. Ang kanilang populasyon ay nagkakaiba sa pagitan ng 15,000 (Appenzell Innerrhoden) at 1,253,500 (Zürich), at ang kanilang sukat sa pagitan ng 37 km2 (14 mi kuw) (Basel-Stadt) at 7,105 km2 (2,743 mi kuw) (Graubünden).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tradisyunal. Sinasabi lamang ng Federal Charter na "maagang Agosto" at ng kasunduan ay maliwanag na pagpapanibago ng isang pang mas matanda at nawawalang kasunduan.
- ↑ De Dios, Reynaldo [Tagalog] at Afenir [Ilokano] (2005). "Suwisa". English-Tagalog-Ilokano Vocabulary.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Switzerland's political system". Berne, Switzerland: The Federal Council. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Hunyo 2016. Nakuha noong 24 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Political System". Federal Department of Foreign Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2015. Nakuha noong 9 Oktubre 2015.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Addresses of administrative authorities". Berne, Switzerland: ch.ch, A service of the Confederation, cantons and communes. Nakuha noong 24 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Talababa
baguhin- ↑ Maraming kahulugan. Tignan sa Heograpiya ng Switzerland#Kanluran o Gitnang Europa?.