Buksan ang pangunahing menu

Ang Kroasya (pagbigkas: kro•wey•s'ya; Kroato: Hrvatska), opisyal na tinutukoy na Republika ng Kroasya (Kroato: Republika Hrvatska), ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Zagreb ang kabiserang lungsod nito, na bumubuo rin sa isa sa mga pangunahing subdibisyon ng bansa, kabilang ang 20 pang county. May lawak na 56,594 km2 ang Kroasya na may samot saring klima ngunit ang karaniwan ay klimang kontinental at Mediterranean. May higit sa isang libo ang mga pulo ng Kroasya sa baybáyin nito sa Dagat Adriatic. Umaabot sa 4.28 milyon ang populasyon ng bansa, na ang karamihan ay mga Croat, na ang karamihan naman ay mananampalataya ng Simbahang Katolika.

Republika ng Kroasya
Republika Hrvatska
Pambansang Awit: Lijepa naša domovino
Our beautiful homeland

Kinaroroonan ng  Croatia  (kahel)

sa Europe  (puti)  —  [Gabay]

Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Zagreb
45°48′N 16°0′E / 45.800°N 16.000°E / 45.800; 16.000
Opisyal na wika Wikang Kroatyano1
Pangalang-
turing
Croat, Kroatyano
Pamahalaan Parliamentary republic
 -  President Kolinda Grabar-Kitarović
 -  Prime Minister Andrej Plenković
 -  President of Parliament Gordan Jandroković
Pagkakatatag
 -  Principality 7852 
 -  Independent Principality 879 
 -  Kingdom 925 
 -  Union with Hungary 1102 
 -  Joined Habsburg Empire 1 Enero 1527 
 -  Independence from Austria–Hungary 29 Oktubre 1918 
 -  Joined Yugoslavia3 29 Nobyembre 1943 
 -  Decision on independence 25 Hunyo 1991 
 -  Declaration of independence Ocktubre 8, 1991 
Lawak
 -  Kabuuan 56,594 km2 (126th)
21,851 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.09
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2017 4,154,200[1] (129th)
 -  Lahatambilang ng 2011 4,284,889[2] 
 -  Kakapalan 75.8/km2 (126th)
196.3/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2018
 -  Kabuuan $106.548 billion[3] 
 -  Bawat ulo $25,807[3] 
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2018
 -  Kabuuan $61.056 billion[3] 
 -  Bawat ulo $14,788[3] 
Gini (2018) 29.7 (low
TKT (2015) 0.827[4] (very high) (45th)
Pananalapi Kuna (HRK)
Pook ng oras CET (TPO+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (TPO+2)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .hr
Kodigong pantawag 385
1 Also Italian in Istria and languages of other national minorities (Hungarian, Czech, Slovak, Serbian, etc.) in residential municipalities of the national minorities.
2 Shortly after the reign of Prince Višeslav, Franks were defeated in 803.
3 Before co-founding the Democratic Federal Yugoslavia, Croatia co-founded the Kingdom of Yugoslavia on 1 Disyembre 1918.

Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Kroasya noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Kroasya bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Kroasya ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Kroasya sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Kroasya si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Kroasya. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Kroasya sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Kroasya sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Kroasya, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Kroasya sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.


PolitikaBaguhin

Pangunahing artikulo: Politika ng Kroasya

Naging isang demokrasyang parlamentaryo ang Kroasya simula ng pagtibay ng Saligang Batas ng 1990.

Myembro ang Kroasya ng:
UN
Council of Europe
OSCE
Partnership for Peace
Iba pang mga organisasyon

Ang Pangulo ng republika (Predsjednik) ang pinuno ng estado at hinahalal sa mandato ng 5 taon. Dagdag pa sa pagiging commander-in-chief ng sandatahang lakas, may tungkuling pamprosedimyento din ang pangulo sa pagtakda ng punong ministro na may pahintulot ng parlamento, at may kaunti ring impluwensiya sa foreign policy.

Ang Hrvatski Sabor (Parlamentong Kroatyano) ay isang unikameral na katawang lehislatibo na may hanggang 160 kinatawan, lahat hinahalal sa pamamagitan ng botong popular upang manungkulan ng 4 taon. Nangyayari ang plenary sessions ng Sabor mula Enero 15 hanggang Hulyo 15, at mula Setyembre 15 hanggang Disyembre 15.

Ang Hrvatska Vlada (Gobyernong Kroatyano) ay pinamumunuan ng Punong ministro na may 2 diputado at 14 ministrong namamahala sa iba’t ibang sektor ng gawain. Responsable ang sangay ehekutibo sa pagmungkahi ng lehislasyon at ng bajet, sa pagpapatupad ng mga batas, at sa paggabay sa mga patakarang panlabas at panloob ng republika.

May three-tiered na sistemang hudisyal ang Kroasya na binubuo ng Kataas-taasang Hukuman, mga hukumang pang-županija, at mga hukumang munisipal. Nasusunod ang Hukumang Konstitusyonal sa mga bagay na may kinalaman sa saligang batas. arlou de los reyes

PagkahatiBaguhin

Mga talasanggunianBaguhin

  1. "EU population up to almost 512 million at 1 January 2017". Eurostat. Hinango noong Hulyo 2 2018. Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. "Population by age and sex, by settlements, 2011 census". Central Bureau of Statistics. Hinango noong Hulyo 2 2018. Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Croatia". International Monetary Fund. Hinango noong Hulyo 2 2018. Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. ""2016 Human Development Report" (PDF). United Nations. Hinango noong Hulyo 2 2018. Check date values in: |accessdate= (tulong)

Mga kawing palabasBaguhin

TurismoBaguhin

KalikasanBaguhin

Mga magazinBaguhin

Mga retratoBaguhin



  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.