Unggriya

Bansa sa Gitnang Europa
(Idinirekta mula sa Unggarya)

Ang Ungriya (Hungaro: Magyarország) ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Hinahangganan ito ng Eslobakya sa hilaga, Ukranya at Rumanya sa silangan, Serbiya at Kroasya sa timog, Eslobenya sa timog-kanluran, at Austria sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 93,030 km2 at may populasyon na 9.7 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Budapest.

Hungriya
Magyarország (Hungaro)
Awitin: Himnusz
"Himno"
Location of Hungriya
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Budapest
47°26′N 19°15′E / 47.433°N 19.250°E / 47.433; 19.250
Wikang opisyalHungaro
KatawaganHungaro
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Katalin Novák
Viktor Orbán
LehislaturaPambansang Asembleya
Kasaysayan
25 Disyembre 1000
24 Abril 1222
29 Agosto 1526
2 Setyembre 1686
15 Marso 1848
30 Marso 1867
4 Hunyo 1920
16 Oktubre 1944
1 Pebrero 1946
20 Agosto 1949
• Ikatlong Republika
23 Oktubre 1989
Lawak
• Kabuuan
93,030 km2 (35,920 mi kuw) (ika-108)
• Katubigan (%)
3.7
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
9,678,000 (92nd)
• Densidad
105/km2 (271.9/mi kuw) (78th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $421.683 bilyon (54th)
• Bawat kapita
Increase $43,601 (42nd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $203.829 bilyon (58th)
• Bawat kapita
Increase $21,075 (ika-57)
Gini (2020)28.3
mababa
TKP (2021)Increase 0.846
napakataas · 46th
SalapiForint (HUF)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono+36
Internet TLD.hu[a]
  1. ^ The .eu domain is also used, as it is shared with other European Union member states.

Pagkatapos ng sunod-sunod na paghahalinhinan ng mga Celt, Romano, Hun, Slav, Gepid, at Avar, ang mga pundasyon ng Unggarya ay naitatag noong ika-siyam na siglo ni Prinsipe Árpád sa katapusan ng Honfoglalás ("pagsakop-sa-lupang-sinilangan"). Naging Kristiyanong kaharian ang Unggarya nang naging pinuno ang kaniyang apo-sa-tuhod na si Stephen I noong 1000 CE. Sa pagdating ng ika-12 siglo, naging isang panggitnang kapangyarihan ang kaharian sa Europa. Pagkatapos ng Labanan sa Mohács nooong 1526 at isa't kalahating siglo ng di-lubusang panankop ng mga Ottomanong Turko (1541-1699), napasailalim sa kontrol ng mga Habsburg ang Unggarya, at naging bahagi ng Austro-Unggaryong Imperyo.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang kapitolyong lungsod na Budapest.

Ang mga hangganan ng Unggarya ay itinakda sa Tratado ng Trianon (1920) pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, kung saan nawala sa Unggarya ang 71% ng lupain nito, 58% ng populasyon nito, at 32% ng mga Unggaryo. Nakipag-alyansa ito sa mga Axis Powers noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Napasailalim ito ng kontrol ng Unyong Sobyetiko pagkatapos ng digmaan, at naitatag rito ang apat-na-dekadang diktaturyang komunista (1947-1989). Natanyag ang bansang ito dahil sa Himagsikan ng 1956 at sa pagbubukas nito ng mga hangganan sa Austria nooong 1989, na nagpabilis sa pagbagsak ng Silangang Harang.

Noong 23 Oktubre 1989, naging isang demokratikong parliamentaryong republika muli ang Unggarya. Isang sikat na destinasyon ng mga turista ang Unggarya, na may bumisitang 10.675 milyong turista kada taon (2013). Dito matatagpuan ang pinakamalaking sistema ng bukal at ikalawa sa pinakamalaking mainit na lawa sa daigdig (Lawa ng Hévíz), ang pinakamalaking lawa sa Gitnang Europa (Lawa ng Balaton), at pinakamalaking damuhan sa Europa (Hortobágy National Park).

 
Ang mga lungsod sa mapa sa Hungary

Ilan sa pinakamalalaking lungsod sa Unggarya ay and Budapest, Debrecen, Szeged, Miskolc, at Pécs.[1] Ang Budapest ay may tinatayang higit na tatlong milyon ng populasyon sa 23 distrito nito. Parte ng populasyon ay binubuo rin ng maraming turista at mga imigrante.

 

Talababa

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Biggest Cities in Hungary." World Atlas. Hinango noong 26 Disyembre 2018.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.