Slovakia

(Idinirekta mula sa Eslobakya)

Ang Eslobakya (Eslobako: Slovensko) ay isang republika sa gitnang Europa. Hinahanggan ito ng Tsekya sa hilagang-kanluran, Polonya sa hilaga, Ukranya sa silangan, Unggarya sa timog, at Austria sa timog-kanluran.

Republikang Eslobako

Slovenská republika
Watawat ng Slovakia
Watawat
Eskudo ng Slovakia
Eskudo
Awit: Nad Tatrou sa blýska
"Kidlat sa Katatrahan"
Kinaroroonan ng  Slovakia  (kahel) – sa sa kontinente ng Europa  (kamelyo & puti) – sa Unyong Europeo  (kamelyo)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Slovakia  (kahel)

– sa sa kontinente ng Europa  (kamelyo & puti)
– sa Unyong Europeo  (kamelyo)  —  [Gabay]


KabiseraBratislava
Pinakamalaking lungsodcapital
Opisyal na wikaSlovak
Pangkat-etniko
85.8% Slovaks, 9.7% Hungarians, 1.7% Roma, 2.8% iba pang pangkat
KatawaganEslobako
PamahalaanRepublikang parlamentaryo
• Pangulo
Zuzana Čaputová
Igor Matovič
Pagsasarili 
Payapang paghihiwalay ng Czechoslovakia
• Petsa
1 Enero 1993[1]
Lawak
• Kabuuan
49,035 km2 (18,933 mi kuw) (ika-130)
• Katubigan (%)
wala
Populasyon
• Senso ng 2001
5,379,455 (ika-109)
• Kapal
111/km2 (287.5/mi kuw) (ika-88)
GDP (PPP)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$109.677 billion[2] (ika-59)
• Kada kapita
$21,787,[2] (ika-41)
GDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$74.988 billion[2] (ika-60)
• Kada kapita
$14,896[2] (ika-42)
HDI (2004)Increase 0.863
Error: Invalid HDI value · ika-42
SalapiEuro ()[3] (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Pagmanehoright
Kodigong pantelepono421
Kodigo sa ISO 3166SK
Dominyon sa Internet.sk[4]

KasaysayanBaguhin

Namalagi at nanahanan ang mga unang mamamayan sa teritoryo ng Eslobakya mga isangdaang taon na ang nakalilipas, noong mga Kapanahunang Paleolitiko. Isang katibayan nito ang natagpuang hubog ng ulo ng isang Taong Neanderthal sa Gánovce malapit sa Poprad. Natagpuan sa Eslobakya ang pinakamatandang laruang-kariton ng isang bata. Nagmula ang laruang ginawa noong Panahon ng Tanso at nahukay mula sa isang libingan sa Nižná Myšľa malapit sa Košice. Marami pang ibang mga bagay na may kaugnayan sa arkeolohiyang nahukay sa Eslobakya na maiuugnay sa kalinangan ng mga mamamayang Otomano, noong mga 1,600 BC.[7]

Mga mamamayanBaguhin

Sa ngayon, mayroong populasyong 5,379, 455 katao ang Eslobakya na binubuo ng mga Eslobako (85.6%), Unggaro (10.8%), Romani (1.5%), Ukranyano (0.3%), Rutenyano (0.3%), at mga Aleman at Polako.[7]

PolitikaBaguhin

Sumali ang Eslobakya sa NATO noong 29 Marso 2004, at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004. Nagkaroon ng mga eleksiyon sa pagkapangulo noong 3 Abril 2004 at 17 Abril 2004.

Ang pinuno ng estado ng Eslobakya ay ang pangulo, na hinahalal sa pamamagitan ng direktong botong popular para sa isang mandato ng 5 taon. Karamihan sa kapangyarihang ehekutibo ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang unikameral na Sangguniang Pambansa ng Republikang Eslobako (Národná rada Slovenskej republiky), na may 150 kinatawan. Hinahalal ang mga delegado sa mandato ng 4 taon base sa representasyong proporsyonal. Ang pinakamataas na katawang hudisyal ay ang Hukumang Konstitusyonal (Ústavný súd), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal. Ang 13 na kasapi ng hukumang ito ay itinatakda ng pangulo mula sa isang tala ng mga kandidatong hinihirang ng parlamento.

PagkahatiBaguhin

Pangunahing artikulo: Mga rehiyon ng Slovakia, Mga kondado ng Eslobakya

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Eslobakya sa 8 kraj (kondado), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod. Sa dibisyong panterritoryo naman at sa definisyon ng nagsasariling entities, mula 2002, nahahati ang Eslobakya sa 8 vyšší územný celok o VÚC na tinatawag na samosprávny kraj (rehyong awtonomo):

  1. Bratislavský kraj (tingnan din Bratislava)
  2. Trnavský kraj (tingnan din Trnava)
  3. Trenčiansky kraj (tingnan din Trenčín)
  4. Nitriansky kraj (tingnan din Nitra)
  5. Žilinský kraj (tingnan din Žilina)
  6. Banskobystrický kraj (tingnan din Banská Bystrica)
  7. Prešovský kraj (tingnan din Prešov)
  8. Košický kraj (tingnan din Košice)

(Maaari ding palitan ang salitang kraj ng samosprávny kraj sa bawat kaso.)

Nahahati rin ang kraje sa maraming okres (distrito). Kasalukuyang may 79 okres ang Eslobakya.

 
Mapa ng Eslobakya

Mga talababa at sanggunianBaguhin

  1. Naghiwalay ang Tsekoslobakya sa Tsekya at Eslobakya; tingnan ang Velvet Divorce.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Slovakia". International Monetary Fund. Nakuha noong 2008-10-09.
  3. Ginamit ng Slovakia ang Euro bilang pananalapi nito noong 1 Enero 2009 na may palitan na €1 = 30.1260SKK. Nasa sirkulasyon pa rin ang mga barya at papel na Koruna coins and notes hanggang 16 Enero 2009.
  4. Kasama ang .eu na ginagamit din ng iba pang kasaping estado ng Unyong Europeo.
  5. "Slovakia". The World Factbook. CIA. 2007. Nakuha noong 26 Abril 2008.
  6. Ang kodigong 42 ay ginamit din ng Czech Republic hanggang 1997.
  7. 7.0 7.1 Slovakia, nilipon ni Eugene Lazišťan, nilimbag sa tulong ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Republikang Slovak, 1999, ISBN 80-88892-23-6

Mga kawing panlabasBaguhin