Bratislava
Ang Bratislava (Aleman: Pressburg, Unggaro: Pozsony) ay ang kabisera ng Eslobakya at, sa populasyong bandang 431,000, ay siya ring pinakamalaking lungsod ng bansa[1]. Ang Bratislava ay nasa timog-kanlurang Eslovakya sa magkabilang pampang ng ilog Danubio. Dahil nasa gilid ng Austria at Unggriya, ito ang nag-iisang pambansang kabisera na kabakuran ng dalawang soberanong bansa.[2] Ang Bratislava at Viena ay dalawa sa pinakamagkalapit na mga kabiserang Europeo sa isa't isa, na may lapit na kaunti pa sa 60 km (37 mi) na pagkakahiwalay.
Bratislava Bratislava Pozsony Pressburg Prešporok Bratislava | |||
---|---|---|---|
lungsod, big city, municipality of Slovakia | |||
| |||
Mga koordinado: 48°08′41″N 17°06′46″E / 48.1447°N 17.1128°E | |||
Bansa | Slovakia | ||
Lokasyon | Bratislava Region, Slovakia | ||
Itinatag | 907 (Huliyano) | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 367.6 km2 (141.9 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2021, Senso) | |||
• Kabuuan | 475,503 | ||
• Kapal | 1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Plaka ng sasakyan | BA | ||
Websayt | http://www.bratislava.sk/ |
Ang Bratislava ay ang sentrong pampolitika, pangkultura at pang-ekonomiya ng Eslobakya. Ito ang tahanan ng Eslobakong presidente, ng parlamento at ng sangay-tagapagpaganap ng pamahalaan. Ito ang kinalalagyan ng ilang mga pamantasan, museo, teatro, bulwagan at iba pang mga mahahalagang pasilidad pangkultura at pang-edukasyon.[3] Marami sa mga kompanya at bangko ng Eslobakya ay naka-himpilan dito.
Ang kasaysayan ng lungsod, na matagal nang kilala sa Alemang pangalan na Presburgo, ay naimpluwensiyahan ng husto ng mga tao mula sa iba't ibang bansa at relihiyon, halimbawa ay ang mga Austriano, Tseko, Aleman, Unggaro, Eslobako at mga hudyo.[4] Ang lungsod ay naging kabisera ng Kaharian ng Unggriya, bahagi ng higit na malawakang lupain ng Dinastiyang Habsburgo, mula 1536 hanggang 1783 at pinagmulan ng maraming mga batikang Eslobako, Unggaro at Aleman sa kasaysayan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Statistical Office of the Slovak Republic. 2007-07-23. Retrieved 8 Enero 2007.
- ↑ Dominic Swire (2006). "Bratislava Blast". Finance New Europe. Archived from the original on 10 Disyembre 2006. Retrieved 8 Mayo 2007.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-05. Nakuha noong 2011-07-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-07. Nakuha noong 2011-07-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)