Mga Ilokano

pangkat etniko mula sa Hilagang Luzon

Ang mga Ilokano (Ilokano: Tattao nga Iloko/Ilokano), o mga Iloko ay ang ikatlong pinakamalaking pangkat etnolinggwistikong Pilipino. Karamihang naninirahan sila sa loob ng Rehiyon ng Ilokos sa hilagang-kanlurang tabing-dagat ng Luzon, Pilipinas. Wikang Ilokano ang katutubong wika ng mga Ilokano.

Mga Ilokano
Tattao nga Iloko
Mga kababaihang Ilokana mula sa Santa Catalina, Ilocos Sur, c. 1900.
Kabuuang populasyon
8,074,536 (8.8%) (2010)[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Pilipinas
(Rehiyong Ilokos, Cordillera, Lambak ng Cagayan, Gitnang Luzon, Kalakhang Maynila)
 Estados Unidos
(Hawaii, California)
Buong mundo
Wika
Ilokano, Filipino, Ingles, Kastila (lipas nang prestihiyong pormal), Pangasinan, Ibanag, Ibatan, Sebuwano, Hiligaynon
Relihiyon
Nakakarami ang Katolikong Romano,
minoryang Aglipayan, Iglesia ni Cristo, Protestantismo, Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios na Pandaigdig, Saksi ni Jehovah, Islam, Budismo[2][3]
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga Pilipino (Ibanag, Ivatan, Pangasinan, Kapampangan), Austronesyo[4]

Sa kasaysayan, may mga sala-salabat na paniniwala at kasanayang panlipunan ang mga Ilokano.[5]

Umaabot ang pandarayo ng mga Ilokano sa halos lahat ng bahagi ng Pilipinas, gayon din sa mga lugar sa Kanluraning mundo, partikular sa Hawaii at California.[6] Nagkaroon ng pangingibang-bayan dahil sa pagkagipit sa kakapalan ng populasyon sa rehiyon na may limitadong potensyal sa agrikultura.[7] Isa ang Rehiyon ng Ilokos sa pinakamataong rehiyon sa Pilipinas. Hindi sapat ang produksyong pang-agrikultura upang mapunan ang mga pangangailangang lokal, kaya, sa kasaysayan, karamihan sa populasyon ay napunta sa merkado ng paggawa at kalakalang interrehiyonal. Nangunguna ang tabako bilang pananim napagkikitaan ng mga Ilokano. May mahabang tradisyon ang industriya ng tela sa lugar, habang pumapangalawa lamang ang pangingisda sa produksyong pang-agrikultura.[8][9]

Etimolohiya

baguhin
 
Mga Ilokanong mangangalakal noong kalagitnaan ng ika-19 na dantaon.

Nagmula ang salitang Ilocano o Ilokano mula sa salitang Iloko/Iloco (o Yloco, ang lipas nang anyong Kastila), ang pagbabanghay ng i- (nangangahulagang 'ng') at look (parehong kahulugan sa Tagalog na look), na nangangahulgang 'mula sa look' sa Ilokano. Sa isang banda, sang-ayon sa ilang mga tala, hinango ang katawagan mula sa "l-"(mula sa) at "luku" o "lukung (isang lambak o depresyon ng lupa, alalaong baga'y "kapatagan"). Matatagpuan ito sa pagitan ng "gulod" (kabundukan) at "luek" (dagat o look). Tumutukoy ang Kastilang hulaping -ano sa "tayo", na nangangahulugang ang mga tao (tulad ng Amerikano, Italyano, Aprikano, Mehikano, atbp.). Tumutukoy ang katawagang "Ilocano" o "Ilokano" sa kalalakihan habang ang "Ilocana" o "Ilokana" naman sa mga kababaihan.

Demograpiya

baguhin

Nasa 8,074,536 ang mga Ilokano sa Pilipinas noong 2010.[10] May iilang mga Ilokano na naninirahan sa Cordillera ang may ilang dugong Cordillerano.

Mayroon ding mga Ilokano sa labas ng kanilang rehiyon. Sila ay matatagpuan sa Kamaynilaan, Rehiyon 4-A, bahagi ng Rehiyon 3, Rehiyon 4-B, Lungsod ng Cebu at Soccsksargen sa Mindanao.

Relihiyon

baguhin

Karamihan sa mga Ilokano ay Romano Katoliko, bagaman may ilan na kasapi ng Simbahang Aglipayan, na nagmula sa Ilocos Norte.[2][3][11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) – Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Mayo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Ilokanos." Junior Worldmark Encyclopedia of World Cultures. The Gale Group, Inc. 1999. Hinango noong Disyembre 10, 2009 (sa Ingles).
  3. 3.0 3.1 "Ilocano in Philippines". joshuaproject.net (sa wikang Ingles).
  4. "ILOCANO | Cassell's Peoples, Nations and Cultures - Credo Reference" (sa wikang Ingles).
  5. "Ilocano Lowland Cultural Community". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 4, 2021. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Politics of Ethnicity among Ilokanos in Hawaii" (sa wikang Ingles).
  7. "Ilocanos - Document - Gale in Context: World History" (sa wikang Ingles).
  8. "Ilocano | people | Britannica" (sa wikang Ingles).
  9. "Ilocanos - Document - Gale in Context: World History" (sa wikang Ingles).
  10. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) – Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Mayo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "UCLA Language Materials Project" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Disyembre 30, 2010. Nakuha noong Setyembre 28, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)