Ang Tabako ay isang agrikultural na produkto na hinahango mula sa mga sariwang dahon ng mga halaman na napapabilang sa saring Nicotiana. Maari itong kainin, gamitin bilang organikong pamuksa ng peste at bilang sangkap sa gamot kung gagamitin sa pormang nicotine tartrate.[1]

Mga dahon ng tabako pinapatuyo sa araw sa Bastam, Iran.
Dahon ng tabako

Ang pagkonsumo nito ay sa pamamagitan ng In consumption it may be in the formof paninigarilyo, pagnguya, pag-snuff, Pagsawsaw ng Tabako, o snus. Ang tabako ay matagal nang ginagamit na entheogen sa mga Amerika. Subalit sa pagdating ng mga taga-Europa sa Hilagang Amerika, ito ay naging gamit pangkalakal at panlibang na gamot. Ang pagsikat nito ay ang nagpaunlad ng ekonomiya ng katimugang bahagi ng Estados Unidos bago ito napalitan ng bulak. Pagkatapos ng Amerikanong Digmaang Sibil, ang mga pagbabago sa mga pangagailangan at mga trabahador ay naging mainam sa paggawa ng sigarilyo. Ang produktong ito ay ang nagpaunlad sa mga kompanya ng tabako hanggang sa mga pang-agham na kontrobersiya noong kalagitnaan ng 1900 na siglo.

Maraming uri ng mga tabako na napapabilang sa saring Nicotiana. Ang salitang nicotiana (pati na rin ang nicotine) ay pinangalan kay Jean Nicot, isang Pranses na embahador sa Portugal, na sa 1559 ay hinatid ito bilang gamot sa korte ni Catherine de Medici.[2]

Dahil sa nakakaadik na katangian ng nictone, nagkakaroon ng pagpaparaya at kimikal na paghilig. ang dami at bilis ng pagkunsumo ng nicotine ay directang nakaugnay na tindi ng biyolohikal na adiksiyon, pagapaparaya at pagkahilig dito.[3][4] Ang paggamit ng tabako ginagawa ng 1.1 bilyong katao at halos 1/3 ng populasyon ng matatanda.[5] Inuulat ng World Health Organization na isa ito sa mga nangungunang mapipigilang dahilan ng pagkamatay at tinatayang sanhi ng 5.4 milyong kamatayan kada taon.[6] Bumaba na ang paninigarilto sa mga maunlad na bansa subalit tumataas ito sa mga umuunlad na bansa.

Ang tabako ay tinatabim na tulad ng ibang produktong pang-agrikultura. Ang mga buto ay nilalagay sa mgacold frame o hot bed upang maiwasang atakihin ng mga kulisap bago itanim sa mga pataniman. Ang tabako ay isang taunang halaman at inaani ng isang malawakang kasangkapan. Pagkatapos ng anihan, tinatabi ang tabako para sa paggamot, isang proseso na unti-unting nag-oxidize at sumisira sa mga carotenoid. Ito ay ang gumagawa ng "smoothness" sa usok ng tabako. Pagkatapos nito ay iniimpake ito para sa pagkonsumo.

Etimolohiya

baguhin

Ang Espanyol na salitang "tabaco" ay sinasabing galing sa wikang Arawakan, o mas partikular, ang wikang Taino ng Caribbean. Sa Taino, maari itong tumukoy sa mga binilot na mga dahon ng tabako (ayon kay Bartolome de Las Casas, 1552), o sa tabago, isang hugis-Y na pipa para sa pagsinghot ng usok ng tabako (ayon kay Oviedo; ang mga dahon ay minsang tinatawag na Cohiba).[7]

Subalit, maraming salita mula sa Espanyol at Italyano na gingamit noong pang 1410 para tumukoy ng mga yerba. Isa na dito ang salitang tabbaq na mula sa Arabo na sinasabing ginagamit pa noong ika-9 na siglo bilang pangalan ng iba't ibang yerba.[8]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-15. Nakuha noong 2009-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Heading: 1550–1575 Tobacco, Europe". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-09. Nakuha noong 2009-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tobacco Facts - Why is Tobacco So Addictive?". Tobaccofacts.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-14. Nakuha noong 2008-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Philip Morris Information Sheet". Stanford.edu. Nakuha noong 2008-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Saner L. Gilman and Zhou Xun, "Introduction" in Smoke; p. 26
  6. "WHO Report on the global tobacco epidemic, 2008 (foreword and summary)" (PDF). World Health Organization. 2008: 8. Tobacco is the single most preventable cause of death in the world today. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "World Association of International Studies, Stanford University".