Mga Pangasinan

Ang mga taga-Pangasinan (Wikang Pangasinan: Totoon Pangasinan), na tinatawag din na mga Pangasinense, ay isang etnolinggwistikong grupo na natatagpuan lamang sa Pilipinas. Ang mga Pangasinense ay pang-siyam na pinakamalaking etnolinggwistikong grupo sa bansa. Ang karamihan sakanila ay nakatira sa probinsya ng Pangasinan at sa mga katabing probinsya tulad ng La Union at Tarlac, pati na rin sa Benguet, Nueva Ecija, Zambales, at Nueva Vizcaya.