Kasaysayan ng Pilipinas (900–1565)

Ang mga taal na katayuan sa lipunan at likas na kinabihasnang galaw ng mga katutubo sa katagalugan noong mga kapanahunang wala o hindi pa nakararating ang mga taga Europa (kastila o portuguese) sa lusong o pulo ng ginto, ay tatlo lamang: ang "MAGINOO, MANDIRIGMA at TIMAWA". Wala pa sa dila at baybayin ng mga taga-ilog ang salita't katauhan ng "ALIPIN at MAHARLIKA" na dumatal sa kaisipang katutubo pagkaraan lamang ng ilang mga siglo, matapos magkaroon ng pakikipag-ugnayan ang mga manlalakbay na nangangalakal sa lupaing "MALAYA" mula sa malayong kanluran ng ibayong dagat. Sila ang mga banyagang bisaya, muslim, hindu at mga taga Europa na itinuring na mga "DAYUHAN" sa isip at hinuha ng mga katutubong "TAGA-ILOG".

Maginoo

baguhin

Isang lahi ng mga katutubong Tagalog na may paninidigan sa kasarinlan ng pulo ng ginto noong unang panahon. Sila ang umugit ng kaharian at pamayanan ng kahariang mabunga na sa ngayon ay kilalang-kilala na pangalang KALAKHANG MAYNILA, BULAKAN, TARLAK, PANGASINAN, SAMBALES, BATAAN, PANGPANGA, CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, RIZAL, QUEZON AT AURORA.

Sila ay isang angkan na tunay na iginagalang noong panahon ng mga timawa o katutubong malaya sa tulong ng mga mandirigmang Tagalog na naniniwala sa kapatirang likas ng lahat ng tao. Ang mga maginoo ang naging sandigan ng kaisipang MAGDIWANG na pilit pinagyaman ng KAPATIRANG KATIPUNAN nina Ladislaw Diwa, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio noong panahon ng mga Kastila.

Mandirigma

baguhin

Ang lipon ng mga mamamayang itinakda upang maging tagapamayapa o tagapagmana sa mga nalolokang hampaslupa sa teleseryeng Amaya at tagatangkilik nitong kaayusan sa taal na lipunang tagalog. Pinailalim sila sa masikhay na paghahanda at pagsasanay sa angkop na pagtatanggol sa sarili at pamayanan sa pamamagitan ng katutubong galaw na KALI. Pinipili sila sa mga mamamayang tagalog na may angking tayog ng talino, lakas ng pangangatawan at ganda ng asal at ugali upang sanayin sa loob ng mahabang panahon sa isang pulo sa dakong silangan ng KALILAYA na tinawag nilang PULILYO. Lahat-lahat ng kanilang nalalaman sa suntukan, bakbakan, sikaran, sipaan, maging sa panlalait, murahan o paninira ng karangalan ng mga nilalang ay pinagsasama-sama bilang mga aralin o kaalaman upang mapaghusay ang kanilang paghahanda bilang mga mandirigma.

Dumaan ang mga panahon at ang kahulugan ng mandirigma ay napalitan ng mga dayuhan bilang mga katutubong gumagawa ng gulo, dahil nga sila, ang mga mandirigma, ang nagiging hadlang sa mga pansariling hangarin ng mga dayuhan para maghari-harian sa tinubuang lupa ng mga malaya.

Maharlika

baguhin
 
isang pinturang nag lalarawan sa isang mag-inang kabilang sa uring Maharlika kasama ang palasyong kahoy na Torogan.

Ang maharlika ay isang salitang katutubo mula sa ibang lugar ng mundo ng madyapahit, bidyaya, hindu o gitnang silangan na nakarating dito sa pulo ng ginto maraming daang taon na ang nakaraan. Sila ay mga manlalakbay na tuluyang nanirahan sa Luzon na may taglay na karangyaan sa pamumuhay na halos maitutulad o kawangki ng mga maginoong Tagalog. Napagkamalan ng maraming dayuhan na ibilang sila bilang mga katutubo rin ng ating mga pulo. Nag-ugat sila sa Indiya at mga kahariang muslim sa gitnang silangan at nagtangkang magtatag ng sariling kaharian sa pulong Tagalog sa pamamagitan ng kanilang mga datu, raha, sultan at lakan, na hindi naman pinayagan ng mga naghaharing lipi at namamayaning lahi sa Katagalugan na lubos pa ang pananalig at pananampalataya sa anito ng mga maginoong pinga. Isang maharlikang lakan ang hinayaan ng mga katutubong mandirigma na manirahan sa gilid ng ilog pasig malapit sa lawang maynilad na kakambal ng lawang babaye. Ang mga dayuhang tinuran ay hinayaan na lamang sa kanilang hangaring mamuhay ng payapa't tiwasay bilang paggalang sa kanilang karapatan at angking katauhan. Ang mga mandirigma at timawa ang tunay na katutubo ng katagalugan noong unang panahon sa ilalim ng taal na pangangasiwa ng kanilang mga maginoo.

Timawa

baguhin

Ang timawa ang pinakamalayang tao sa pulo ng ginto, noong hindi pa nakararating ang mga taga dayuhan sa kahariang malaya ng mga Tagalog. May karapatan rin sila magkalakal at makipagsapalaran sa anumang antas ng buhay. Hindi sila namumuno bilang timawa, hindi rin mga alipin. Kapag ninais nilang sumapi o humalubilo sa ibang pamayanan at lipunan, kanilang binibigay ang sarili sa mga namumunong gat at dayang. Sila naman ay bibigyan ng pangangalaga't patnubay sa lahat ng oras ng panganib at pangangailangang pangkabuhayan. Kapalit ng mga ito ay ang katapatan ng paglilingkod nila sa mga maginoo, kasama rin ang kanilang pakikiisa sa mga mandirigmang tagalog sa panahon ng pakikihamok sa mga dayuhang manliligalig, gayon din ang kanilang pagtulong sa pagsasaka at pangingisda sa larangan ng mga mamamayang katutubo. Sila rin ang palaging kasama ng Datu sa mga digmaan,sila rin ang nagdadala ng mga sandata.

Alipin

baguhin

Ang mga alipin ang mababang antas ng tao na hindi likas sa mga Tagalog. Dalawa ang uri ng mga alipin sa katagalugan noong unang panahon" ang "sagigilid" at "namamahay" na ikinapit ng mga dayuhan sa mga bisayang alipin o bug-os'. Ang alipin ay galing salitang "oripun" ng mga bisaya na pinatingkad sa antas na "bug-os" o "lubos na alipin" na lumaganap lamang sa Katagalugan bago pa dumating ang mga taga Europa dito sa Luzon o pulo ng ginto. Kasama ng mga Kastila ang mga oripun o aliping Muslim, Bisaya at Meksikano sa pagsalakay sa kahariang Tagalog at naratnan nila dito sa pulong tagalog ang mga maharlikang kadugo't kababayan nila na may sariling mga utusan at tagasunod, subalit hindi nila napagtanto na ang mga ito ay mga panauhin lamang na pinayagang manirahan sa paligid at baybayin ng lawang maynilad sa pulo ng ginto. Ang mga maginoong Tagalog ay may sariling pamamahala sa mga balatan at lalawigan na alam nila na sakop noon ng kahariang mabunga sa ilalim ng basbas o pamumuno ng maginoong angkan. Pinamamahala nila ang kaayusan ng pamayanan sa mga gat at dayang na tunay ring iginagalang ng mga mandirigma at timawa, at ang kalagayang ito ang siyang dinatnan ng mga dayuhan na tinulungan ng mga morong muslim at bisaya para makubkob at magapi nila ng tuluyan ang pulo ng luzon.