Torogan
Ang Torogan ay isang tradisyonal na bahay na itinayo ng mga Maranao sa lalawigan ng Lanao, Mindanao, Pilipinas.[1] Ang torogan ay isang tanda ng mataas na katayuan sa lipunan. Ito ay isang noo'y tahanan sa mga Sultan o Datu sa pamayanang Maranao. Sa kasalukuyan, mga bahay na yari sa konkreto na ang mahahanap sa mga buong pamayanang Maranao, ngunit may mga natitira pang mga torogan na sandaang taong gulang na. Ito'y mahahanap sa Dayawan at sa lungsod ng Marawi, pati na rin malapit sa lawa ng Lanao. Hindi kumpleto ang isang torogan kapag wala ang maalamat na ibong Sarimanok na dapat makikita sa loob ng bahay.
Torogan | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Pambansang Yamang Pangkalinangan |
Uri | Bahay |
Estilong arkitektural | Filipino |
Bansa | Pilipinas |
Teknikal na mga detalye | |
Materyales | Wood |
Bilang ng palapag | Isa |
Ang Kawayan Torogan na itinayo ng Sultan sa Kawayan Makaantal sa Bubung Malanding, Marantao, Lanao del Sur, ang huling matitirhang torogan, ay inihayag bilang isang Pambansang Yamang Pangkalinangan ng Pambansang Museo ng Pilipinas noong 2008.[2]
Mayroon ring iba pang mga torogan na matatagpuan sa iba't ibang pook sa Lanao tulad ng Dayawan Torogan ng Marawi at Laguindab Torogan ng Ganassi. Ang lahat ay nangangailangan ng malaking pondo para sa kanilang rehabilitasyon. Itong koleksyon ng mga torogan mula sa iba't ibang bayan sa Lanao ay isinusulong na mapasama sa pansamantalang talaan ng Pilipinas sa Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[3]
Ang may-ari ng kontrobersyal na Las Casas Filipinas de Acuzar ay bumili at naglipat ng dalawang sinaunang matitirhang torogan mula Lanao patungong Bataan sa Luzon, na ikinagalit ng mga grupo ng konserbasyon.
Tingnan rin
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Madale, Abdullah T. (Hulyo 1997). The Maranaw Torogan (ika-2nd (na) edisyon). Maynila, Pilipinas: Rex Bookstore. ISBN 971-23-2017-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alba, Reinerio (22 Hulyo 2008). "National Museum Declares Maranao Torogan as National Cultural Treasure; Torogan Needs Immediate Rehabilitation". Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Septiyembre 2014. Nakuha noong 4 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ https://www.rappler.com/life-and-style/travel/ph-travel/117638-lanao-del-sur-travel-culture