Ang Pan-Philippine Highway, na kilala rin bilang Maharlika Highway (AH26 AH26) ay isang pinag-ugnay na kalsada, tulay at mga serbisyo ng barko na umaabot sa 3,517 km (2,185 mi) ang haba na kumokonekta sa mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao sa Pilipinas, na sumeserbisyo sa pangunahing gulugod ng transportasyon.

AH26 (N1) sign.svg AH26 (E1) sign.svg AH26 (N120) sign.svg

AH26 (E2) sign.svg AH26 (N70) sign.svg AH26 (N10) sign.svg

Pan-Philippine Highway
Maharlika Highway
Asian Highway 26
Palatandaang pang-katiyakan para sa AH26 sa bahaging Lungsod Quezon ng EDSA.
Impormasyon sa ruta
Haba3,517 km (2,185 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaLaoag, Ilocos Norte
Dulo sa timogLungsod ng Zamboanga
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Sa lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte ang hilagang dulo ng daanan at sa Lungsod ng Zamboanga ang timog na dulo.

KasaysayanBaguhin

Iprinisinta ang daanan noong 1965 at itinayo sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Ang mga tagaplano mula sa pamahalaan ay naniniwala na ang daanan ay magpapasigla sa agrikultural na produksiyon at magpapababa sa gastos sa transportasyon, mag-aanyaya sa panlipunan at pang-ekonomiya na pagbabago sa labas ng pangunahing sentrong urban, at magpapalawak ng industriyal na produksiyon para sa domestiko at dayuhang pamilihan. Sinusuportahan ito ng pautang para sa pamahalaan at tulong mula sa institusyong dayuhan, tulad na lamang ng Pandaidigang Bangko. Nang matapos ang proyektong ito, sinasabing isa ito sa mga pangunahing naabot ng bansa sa sektor ng transportasyon.

Inayos muli ang daanan at pinaunlad noong 1997 mula sa tulong ng pamahalaan ng Hapon, at matapos ang proyektong ito, tinawag rin itong Philippine-Japan Friendship Highway. Noong 1998, nagdesigna ang Kagawaran ng Turismo ng 35 seksiyon sa daanan bilang "Scenic Highways" na may pinaunlad na amenidad para sa mga manlalakbay at mga turista.

Ang bahagi ng Pan-Philippine Highway sa loob ng Kamaynilaan sa hinaharap ay ang Skyway Stage 3 mula Balintawak, Lungsod Quezon hanggang Buendia, Lungsod ng Makati, kasama na ang bahaging ng Skyway Stage 1 na naroroon na (mula Abenida Gil Puyat hanggang Magallanes). Magsisilbi rin itong alternatibong ruta sa mga motorista upang maiwasan ang EDSA, mula North Luzon Expressway hanggang South Luzon Expressway at gayundin naman South Luzon Expressway hanggang North Luzon Expressway.

RutaBaguhin

Pangunahing rutaBaguhin

 
Abenida Hen. Segundo sa Laoag, ang hilagang dulo ng AH26
 
Ang Tulay ng San Juanico ay nagdadala ng AH26 sa pagitan ng Samar at Leyte.

Alternatibong rutaBaguhin

Balintawak, Lungsod Quezon - Monumento (Caloocan) - Navotas - Ermita, Maynila - Pasay - Magallanes, Makati

Asian Highway NetworkBaguhin

Itinakda ang Pan-Philippine Highway bilang AH26 AH26 sa Asian Highway Network, isang proyektong kooperatiba na naglalayon ng pagbabago sa sistema at istandard ng mga daanan sa kontinente ng Asya. Ito ang kasalukuyang daanan sa ugnay na hindi nakakonekta sa ibang mga daanan sa ugnayan — nakakonekta ang mga seksiyon ng Asian Highway Network sa Hapon (AH1 AH1), Sri Lanka (AH43 AH43) at Indonesia (AH2 AH2) sa kontinente sa pamamagitan ng barko papuntang Timog Korea (AH1 AH1), India (Dhanushkodi), at Singapore.

Mga sangandaanBaguhin

Ilocos NorteBaguhin

CagayanBaguhin

IsabelaBaguhin

Nueva VizcayaBaguhin

Nueva EcijaBaguhin

BulacanBaguhin

 
Sangandaan ng AH26 at N115 sa Pulilan, na binansagang "Pulilan Crossing"

Kalakhang MaynilaBaguhin

Silangang rutaBaguhin

  •   N129 sa Muñoz, Lungsod Quezon
  •    N171 / N173 sa North Triangle, Lungsod Quezon
  •   N170 sa Diliman, Lungsod Quezon
  •    N172 / N174 sa East Triangle, Lungsod Quezon
  •    N59 / N180 sa Cubao, Lungsod Quezon
  •   N185 malapit sa Kampo Crame, Lungsod Quezon
  •    N60 / N59 sa Ugong Norte, Lungsod Quezon
  •   N141 sa Mandaluyong
  •   N190 sa Makati

Kanlurang rutaBaguhin

Bahaging SLExBaguhin

KabiteBaguhin

Laguna (unang bahagi)Baguhin

 
Palatandaang pang-katiyakan para sa AH26 sa bahaging Santa Rosa ng South Luzon Expressway

BatangasBaguhin

Laguna (ikalawang bahagi)Baguhin

QuezonBaguhin

Camarines NorteBaguhin

Camarines SurBaguhin

AlbayBaguhin

SorsogonBaguhin

Hangganang Luzon–KabisayaanBaguhin

Hilagang SamarBaguhin

SamarBaguhin

Hangganang Samar–LeyteBaguhin

Surigao del NorteBaguhin

Agusan del NorteBaguhin

Agusan del SurBaguhin

 
Abenida Narra, bahagi ng AH26 sa Bayugan

Lambak ng CompostelaBaguhin

Davao del NorteBaguhin

Davao Del SurBaguhin

Timog CotabatoBaguhin

Sultan KudaratBaguhin

MaguindanaoBaguhin

Zamboanga del SurBaguhin

Zamboanga SibugayBaguhin

Tingnan dinBaguhin

TalababaBaguhin

Mga kawing panlabasBaguhin

.