Lansangang-bayang N190
Ang Pambansang Ruta Blg. 190 (N190) o Rutang 190 ay isang pambansang daang sekundarya ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Ini-uugnay nito ang mga lungsod ng Pasay, Makati, at Taguig sa katimugang bahagi ng Kalakhang Maynila.[1]
Paglalarawan ng ruta
baguhinAlinsunod sa pagtatakda ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), binubuo ang N190 ng mga sumusunod na bahagi:[2][3]
Abenida Gil Puyat
baguhinNagsisimula ang N190 sa sangandaan nito sa Bulebar Roxas sa Pasay bilang Abenida Gil Puyat, isang pangunahing lansangang arteryal sa direksiyong silangan-pakanluran. Dumadaan sa pook na tinawag na Makati Central Business District. Babagtasin nito ang mga lansangan ng Abenida Harrison, Abenida Taft (N170), at Kalye Tramo sa Pasay, at Kalye Dian, Lansangang Osmeña (N145), Abenida Chino Roces, at Abenida Makati sa Makati bago magtapos sa sangandaan nito sa EDSA sa Makati. Hango ang pangalan nito mula kay Gil Puyat, na isang senador 1951–1972. Ang dating pangalan nito, Abenida Buendia, ay mula kay Nicolas Buendia na isang senador mula sa Bulacan noong dekada-1940.
Karugtong ng Abenida Kalayaan
baguhinPaglampas ng EDSA, tutuloy ang N190 bilang Karugtong ng Abenida Kalayaan na isang lansangang may panggitnang harangan at anim hanggang walong linya. Mayroon itong maliit na bahagi sa Taguig sa harap ng pasukan ng Bonifacio Global City. Nagbibigay ito ng daan papasok sa nasabing distritong pangkomersiyo.
Ang nalalabing bahagi ng Abenida Kalayaan na isang pang-apatang lansangan sa hilagang Makati ay nananatiling isang hindi nakabilang na pambansang daang tersiyaryo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "NCR". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-03. Nakuha noong 15 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "South Manila". Department of Public Works and Highways. Nakuha noong 15 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Metro Manila 2nd". Department of Public Works and Highways. Nakuha noong 15 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]