Ang Kalye Tramo (Ingles: Tramo Street) ay isang pangunahing daang lokal sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula hilaga-patimog, mula Kalye Pablo Ocampo sa hangganan ng lungsod sa distrito ng Malate hanggang Abenida Andrews sa distrito ng Maricaban, sa haba na 4.1 kilometro (2.5 milya). Pansamantalang hihintuin ito ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) at ng Linyang MRT-3; hinahati ng mga ito ang daan sa dalawang bahagi, ang katimugang bahagi ay pinangalanang Bulebar Aurora (Aurora Boulevard).[1]

Kasaysayan

baguhin

Sinusundan ng Kalye Tramo ang abandonadong linya ng daang bakal na Linyang Kabite (Cavite Line) ng Manila Railroad Company (MRR, ngayon ay Philippine National Railways) na dumaan noon mula Estasyong Paco hanggang Lungsod ng Cavite.[2] Itinayo ang daang bakal noong 1908, subalit natigil ang mga serbisyo nito noong 1936. Ang kasunod na pagpapausbong ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila (Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, o NAIA ngayon) ay humantong sa permanenteng pagkakasara ng malaking bahagi ng dating linya sa Pasay at Parañaque. tutuloy ang linya sa La Huerta kung saan tinatawag itong Daang Tramo (Tramo Road) na tumatahak ng 4.6 kilometro hanggang sa Zapote, Las Piñas at Bacoor, Kabite. Ang pangalan ng kalye ay salitang Kastila ng "sangay" o "linya", na tumutukoy sa Linyang Kabite na isang sangay ng trambiya ng Maynila (o tramo del tranvía).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 1 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cavite Line". Railways and Industrial Heritage Society of the Philippines, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-02. Nakuha noong 1 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°32′59″N 121°0′4″E / 14.54972°N 121.00111°E / 14.54972; 121.00111