Ang trambiya o trambya (Kastila: tranvía) ay isang sasakyang panriles na - sa bahagi man o buong ruta nito - gumagamit ng riles na nasa gitna ng daan. Ang mga trambiya ay nilikha para magdala ng mga pasahero, hindi kalakal. Ang mga sinaunang trambiya ay hinihila ng kabayo[1]; sa mga sumunod na panahon ang mga ito ay pina-tatakbo sa pamamagitan ng singaw, kable, kuryente at ng gasolina.[2]

Trambiya sa lungsod ng Maynila noong dekada 1900
Isang makabagong trambiya sa Amsterdam, Olanda

Sa Maynila, ang mga trambiya na laganap noong simula ng ika-20 siglo ay napalitan na ngayon ng mga dyipni, bus at ng makabagong sistema ng magaan na riles (hindi tunay na trambiya dahil hiwalay sa daan ang mga riles nito).

Talababa

baguhin
  1. Middleton, William D. (1967). The Time of the Trolley, pp. 13 and 424. Milwaukee: Kalmbach Publishing. ISBN 0-89024-013-2.
  2. Development & Implementation of Electric Tram System with Wireless Charging Technology

Mga sanggunian

baguhin

Tignan din

baguhin