Metro (sistemang daambakal)

(Idinirekta mula sa Sistemang mabilisan)

Ang metro o sistema ng mabilisang paglulan (Ingles: rapid transit) ay isang pampasaherong sistema ng mga tren sa matataong lungsod, na bukod sa pagkakaroon ng maramihan at madalasang pagsakay ay hiwalay ito sa landas ng ibang mga sasakyan.[1] Ito ay maaaring nasa ilalim ng lupa (underground o subway), nakaangat (elevated) o magkahalo ng dalawa.

Isang tren sa Ikalawang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, estayon ng J. Ruiz.

Ang pagtakbo ng isang metro ay binubuo ng mga natatanging linya sa pagitan ng mga estasyon na siyang pinaglilingkuran ng mga hati-hating tren sa riles (transportasyong daangbakal), ngunit may mga ibang sistema na gumagamit ng gulong, batubalani o monorail (isahang riles). Ang mga ito ay karaniwang kaugnay ng ibang uri ng mga sistemang pampasahero at kadalasan ay pag-aari rin ng iisang ahensiya. Ang sistemang mabilisan ay mas mabilis at mas pang-maramihan kaysa mga "magaan na riles" (light rail) o kahit mga trambiya, ngunit hindi kasing-bilis o pang-malayuan ng sistemang panrehiyon (commuter rail).

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.