Kalye Pablo Ocampo
Ang Kalye Pablo Ocampo (Ingles: Pablo Ocampo Street) ay isang pangunahing daang panlungsod sa mga lungsod ng Maynila at Makati sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Inuugnay nito ang mga katimugang distrito ng Malate at San Andres sa hilaga-kanlurang Makati.
Kalye Pablo Ocampo Pablo Ocampo Street | |
---|---|
Kalye Vito Cruz (Vito Cruz Street) | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.4 km (2.1 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N120 / AH26 (Bulebar Roxas) sa Malate |
| |
Dulo sa silangan | Abenida South sa Makati |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila, Makati |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Sinasaklaw nito ang 3.4 kilometro (o 2.1 milyang) ruta mula sa kanlurang dulo nito sa Bulebar Roxas sa Malate, Maynila, hanggang sa silangang dulo nito sa Abenida South sa kanluran ng Manila South Cemetery sa Santa Cruz, Makati. Pagdaan, babagtasin nito ang mga sumusunod na lansangan: Abenida Harrison, Kalye Adriatico/Kalye Leveriza, Abenida Taft, Kalye Bautista, at Lansangang Osmeña sa Maynila, at Kalye Kamagong/Kalye Zobel Roxas, at Abenida Chino Roces sa Makati. Ang bahagi ng daan mula Kalye Kamagong hanggang Abenida South ay tinatawag na Ekstensyon ng Kalye Pablo Ocampo (Pablo Ocampo Street Extension). Paglampas ng Bulebar Roxas, tutuloy ito patungong Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (o CCP) at Bay City, Kalakhang Maynila bilang Kalye Pedro Bukaneg.
Dating tinawag itong Kalye Vito Cruz (Vito Cruz Street o Calle Vito Cruz), mula kay Hermogenes Cruz, ang alkalde ng Pineda (Pasay ngayon) noong ika-19 na siglo. Binigyan ito ng bagong pangalan noong 1989, sa karangalan ng estadista at abogado na si Pablo Ocampo.[1] [2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Republic Act No. 6731". Chan Robles. Nakuha noong 28 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About Pasay". Pasay City Government. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-09-21. Nakuha noong 28 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)