Kalye Adriatico
Ang Kalye Adriatico (Ingles: Adriatico Street) ay isang daan na dumadaan mula hilaga pa-timog at nag-uugnay ng mga distrito ng Ermita at Malate sa Maynila, Pilipinas. Ang hilagang dulo nito ay sa Kalye Padre Faura sa Ermita at ang katimugang dulo nito ay sa Kalye Pablo Ocampo (dating Calle Vito Cruz) sa Malate. Ang bahagi ng kalye mula Kalye Padre Faura hanggang Abenida Quirino ay nagdadala ng walang salubong na trapiko pa-timog. Sa timog ng Abenida Quirino—hanggang sa dulo nito sa Kalye Pablo Ocampo—nagdadala ito ng trapikong magkasalubong (pa-hilaga at pa-timog) na may isang malawak na panggitnang harangan sa gitna nito paglampas ng Manila Zoo. Ang kabuuang haba nito ay 2.2 kilometro (1.4 milya).
Kalye Adriatico Adriatico Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.2 km (1.4 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N157 (Kalye Padre Faura) sa Ermita |
Dulo sa timog | Kalye Pablo Ocampo sa Malate |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kilala ang kalye sa mga restoran at bar nito na nakasentro sa paligid ng Bilog ng Remedios sa pagitan ng mga Kalye ng Nakpil at Remedios. Ang lugar na ito ay itinuturing sentro ng buhay gabi ala-bohemian (bohemian night life) sa lungsod.[1] Bukod sa Manila Zoo, ang mga iba pang kilalang pook na matatagpuan rito ay ang Harrison Plaza, Ninoy Aquino Stadium, Pan Pacific Hotel Manila, Rizal Memorial Stadium, at Robinsons Place Manila.
Ipinangalan ang kalye noong 1964 kay Macario Adriatico, isang Pilipinong mambabatas at may-akda ng karta panlungsod (city charter) ng Maynila. Dati itong tinawag na Dakota Avenue (o Calle Dakota) na mula sa mga estado ng North at South Dakota.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Malate's Cafes, a Walk on the Bohemian Side of Manila". New York Times. 8 Oktubre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Macario G. Adriatico (1869-1919)" (PDF). National Historical Commission of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 20 Disyembre 2013. Nakuha noong 8 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)