Abenida Quirino

malaking kalye sa Maynila, Pilipinas

Ang Abenida Quirino (Ingles: Quirino Avenue), na kilala rin sa pormal na ngalan nito na Abenida Pangulong Elpidio Quirino (President Elpidio Quirino Avenue), ay isang lansangang panlungsod sa Maynila, Pilipinas, na nahahati ng pangitnang harangan at may anim hanggang sampung linya. Dumadaan ito sa direksyong hilagang-silangan pa-timog-kanluran, mula Tulay ng Mabini (dating Tulay ng Nagtahan) sa hilaga hanggang Bulebar Roxas sa Malate. Dumadaan ito sa mga distrito ng Pandacan at Paco. Ang haba nito ay 3.6 kilometro (2.2 milya). Itinakda ito bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 2 ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at N140 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.


C-2

Abenida Quirino
Quirino Avenue
Tanawin ng Abenida Quirino sa Malate mula sa Estasyong Quirino ng LRT.
Impormasyon sa ruta
Haba3.6 km (2.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N140 (Tulay ng Mabini), Kalye Jesus, at Kalye Paz Mendoza Guazon sa Paco
 
Dulo sa timog N120 (Bulebar Roxas) / AH26 sa Malate
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Kasaysayan

baguhin

Itinayo ang Abenida Quirino noong unang bahagi ng ika-labinsiyam na dantaon sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Unang itinayo ang bahaging Karugtong ng Abenida Quirino sa Paco bilang Calle Canonigo.[1] Ang daang patungong Tulay ng Nagtahan ay isa pa lamang makipot na kalye na tinatawag na Calle Luengo.[2]

Pagpasok ng dekada-1920, sa ilalim ng Pamahalaang Insular ng Estados Unidos, itinayo ang daang mula Plaza Dilao hanggang Ilog Pasig at Santa Mesa. Tinawag itong Kalye Tomas Claudio (o Daang Paco–Santa Mesa), mula kay Tomas Mateo Claudio, bayaning Pilipino noong Unang Digmaang Pandaigdig.[3] Alinsunod sa Burnham Plan para sa Maynila, pinahaba ang daan upang maidugtong ito sa Bulebar Harrison (Harrison Boulevard), isang lansangan na dumadaan nang patimog-kanluran mula Calle Herrán (Kalye Pedro Gil ngayon) hanggang Bulebar Dewey (Bulebar Roxas ngayon). Kalaunan, ang kabuuan ng lansangan na bumubuo sa bahagi ng Daang Palibot Blg. 2 ay pinangalanang Abenida Quirino, mula kay Elpidio Quirino, ika-anim na pangulo ng Pilipinas.

Paglalarawan ng ruta

baguhin
 
Abenida Quirino sa Pandacan, kasama ang itinatayong Skyway Stage 3, noong Abril 2018.
Bahaging Tulay ng Mabini - Kalye Tomás Claudio

Ang hilagang dulo ng Abenida Quirino ay sa sangandaan ng Kalye Paz Mendoza Guazon at Kalye Jesus sa Paco paglampas ng Tulay ng Mabini (dating Tulay ng Nagtahan) bilang taga-pagpatuloy ng Kalye Nagtahan. Papasok naman ito sa Pandacan pagkatapos. Liliko naman ito pa-timog-kanluran para masunod sa pagkakalinya ng mga linyang daangbakal ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas, kung saan tutumbukin nito ang Kalye Tomás Claudio.

Bahaging Kalye Tomás Claudio - Lansangang Osmeña

Sa timog ng sangandaan ng Kalye Tomás Claudio, dadaan ang abenida sa distrito ng Paco kung saan matatagpuana ang luma at bagong estasyong PNR ng Paco at Plasa Dilao. Paglampas ng Kalye Pedro Gil, susundan nito ang deretsong ruta patungong Malate kung saan tutumbikin nito ang Lansangang Osmeña. Ang 230kV linyang transmisyon ng Sucat-Araneta-Balintawak ay dumadaan sa bahaging ito mula Kalye Tomas Claudio hanggang Lansangang Osmeña, kung saang aalis ng Abenida Quirino ang linya.

Bahaging Lansangang Osmeña - Bulebar Roxas

Ang bahagi ng Abenida Quirino sa Malate ay kadalasang pook pamahayan at pang-komersiyal. Tutumbukin nito ang Abenida Taft sa ilalim ng Estasyon ng Quirino ng LRT. Paglampas, nagbibigay-daan ito sa mga pook-pasyalan tulad ng Remedios Circle at Manila Zoo. Liliko ito pa-kanluran paglampas ng Kalye Adriatico. Tatapos ito ng tuluyan sa Bulebar Roxas malapit sa Manila Yatch Club.

Karugtong ng Abenida Quirino (Quirino Avenue Extension)
 
Karugtong ng Abenida Quirino mula sa Plasa Dilao.

Nagdudurugtong ang Abenida Quirino mula sa isang loop road sa paligid ng Plasa Dilao patungong pook-industriyal ng Paco (Kalye Paz Mendoza Guazon) at Abenida ng United Nations. Ang nasabing karugtong ay isang pangunahing ruta ng mga trak na dumadaan sa pagitan ng South Luzon Expressway at Port Area ng Maynila.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "History of San Fernando de Dilao". Roman Catholic Archdiocese of Manila. Nakuha noong 9 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "1945 Map of Central Manila". BattleofManila.org. Nakuha noong 9 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Briones, A.G. (1955). AB Commercial Directory of the Philippines. University of California. Nakuha noong 5 Pebrero 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°34′33″N 120°59′46″E / 14.57583°N 120.99611°E / 14.57583; 120.99611