Estasyon ng Quirino (LRT)
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Estasyong Quirino ng LRT, na kilala rin bilang Estasyong Quirino Avenue ng LRT, ay isang himpilan sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Quirino. Nagsisilbi ang estasyon para sa Malate sa Maynila at matatagpuan sa panulukan ng Abenida Taft, Abenida Quirino at Kalye San Andres. Ipinangalan ang estasyon mula sa Abenida Quirino, na ipinangalan kay dating pangulong Elpidio Quirino.
Quirino | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Panulukan ng Abenida Taft at Abenida Quirino, Malate, Manila | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Gilid ng plataporma | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | QU | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Nagsisilbi bilang pang-labinlimang estasyon ang estasyong Quirino para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at bilang ikalabing-isang estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr..
Mga kalapit na palatandaang pook
baguhinDahil matatagpuan ang estasyon sa Malate, malapit ito sa mga pasyalan tulad ng Manila Zoo, Manila Yatch Club, Baywalk ng Maynila, Simbahan ng Malate, Plaza Rajah Sulayman, at ang sikat na lugar panlibang ng Malate na Remedios Circle at Kalye Adriatico. Malapit din ito sa Ospital ng Maynila Medical Center, San Andres Sports Complex, Malate Catholic School, Saint Anthony School, Doña Aurora Quezon Elementary School, at mga opisina ng Kawanihan ng Paghahalaman.
Mga kalapit na hotel
baguhinMaraming mga hotel ang pwedeng puntahan ng mga bibisita sa Quirino. Isa sa mga ito ay ang Dusit Thani Manila na may 4.4 kilometrong layo mula sa estatsyon. Malapit din ang The Heritage Hotel Manila na 3.3 kilometrong layo, Kingsford Hotel Manila na may 3.1 kilomentrong layo. Ang pinakamalapit na malaking hotel ay Sofitel Philippine Plaza Manila na may 2.1 kilometrong layo lamang mula sa Quirino.[1]
Mga kawing pangpanlalakbay
baguhinHumihinto ang mga bus at dyip na dumadaan sa Abenida Taft malapit sa estasyon, at sa malalapit na lugar, mga sasakyang de-padyak at mga taksi. Pwede silang gamitin upang ikutin at lumabas ng Malate.
May isang estasyon ng Philippine National Railways na matatagpuan din malapit dito, ang Estasyong Paco.
Pagkakaayos ng Estasyon
baguhinL2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr. | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan |
L1 | Daanan |
Mga imahe
baguhin-
Gusali ng Estasyong Quirino Avenue