Daniel Burnham
Si Daniel Hudson Burnham, FAIA (4 Setyembre 1846 – 1 Hunyo 1912) ay isang Amerikanong arkitekto at tagaplano ng lungsod. Isa siya sa mga arkitektong naging responsable sa pagbabago ng abot-tanaw o guhit-tagpuan (skyline sa Ingles) ng mundo. Siya ang nagpanimula ng mga Amerikanong tukudlangit.[1] Siya ang dating Direktor ng mga Pagawain para sa Kolumbyanong Eksposisyon ng Daigdig at nagdisenyo ng ilang mga kilalang mga gusali, kabilang ang Gusaling Flatiron sa Lungsod ng New York at Estasyong Unyon sa Washington D.C., pati na ang Kolumbiyanong Eksposisyon ng Daigdig sa Tsikago ng 1893.[1][2] Sa Pilipinas, muli niyang dinisenyo ang Maynila at siyang lumikha ng resort sa Lungsod ng Baguio, kabilang ang Liwasang Burnham.[2]
Daniel Hudson Burnham | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Setyembre 1846 |
Kamatayan | 1 Hunyo 1912 | (edad 65)
Nasyonalidad | Amerikano |
Mga gusali | Gusaling Flatiron |
Mga proyekto | Kolumbyanong Eksposisyon ng Daigdig |
Hindi nagkaroon ng plano sa pagiging arkitekto si Burnham, bagkus bumagsak siya sa mga pagsusulit na pangpagpasok sa Harvard at sa Yale. Sumubok muna rin siyang magkaroon ng karera sa politika, bago magbalik sa Tsikago upang maging katulong na mangguguhit ng plano o draftsman. Pagdaka, naging kasama niya sa pagka-arkitekto si John Wellborn Root. Nakilalang lalo si Burnham dahil sa Plano ng Tsikago o Planong Pang-Tsikago (kilala sa Ingles bilang Plan of Chicago) na pinaunlad noong 1909.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Umakyat patungo: 1.0 1.1 1.2 The Christophers (2004). "Daniel H. Burnham, Aim High and... Tall?". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Setyembre 21. - ↑ Umakyat patungo: 2.0 2.1 Karnow, Stanley (1989). "Daniel Burnham". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)