Abenida Elpidio Quirino
Ang Abenida Elpidio Quirino (Ingles: Elpidio Quirino Avenue), na kilala din sa anyong payak na ngalan nito na Quirino Avenue, ay isang pangunahing daang kolektor mula hilaga patimog sa Parañaque, katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong daang arteryal na apat ang mga linya at kalinya ng Bulebar Roxas at ng kanyang tagapagpatuloy nito na Manila–Cavite Expressway sa kanluran, mula Baclaran sa hilaga hanggang sa Las Piñas sa timog. Isa itong tagapagpatuloy ng Abenida Harrison mula Pasay at dating bahagi ng lansangang dalampasigan na Calle Real sa Parañaque. May haba ito na 5.6 kilometro (3.5 milya). Itinakda ang abenida bilang bahagi ng ugnayang Daang Radyal Blg. 2 ng Kamaynilaan. Paglampas ng hangganang Las Piñas, tutuloy ang daan bilang Abenida Diego Cera.
Abenida Elpidio Quirino Elpidio Quirino Avenue | |
---|---|
Calle Real | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 5.6 km (3.5 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Abenida Harrison, N170 (Abenida Taft), at Daang Redemptorist sa Baclaran. |
| |
Dulo sa timog | N62 (Abenida Diego Cera) at Kalye Villareal sa San Dionisio |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kasaysayan
baguhinTinatakda ng Abenida Elpidio Quirino ang orihinal na dalampasigan ng Look ng Maynila sa Parañaque noong panahon ng mga Kastila. Binubuo nito ang bahagi ng dating lansangang dalampasigan ng Kastila na nag-uugnay ng dating Lalawigan ng Maynila sa La Laguna at iba pang mga lalawigan sa timog. Tinawag itong Calle Real o Camino Real (Kastila ng "kalyeng royal") na dumaan mula Ermita patungong Muntinlupa. Dati itong lokasyon ng Camp Dewey (Kampo Dewey), isang unang instalasyong militar ng mga Amerikano sa Baryo Tambo noong Digmaang Pilipino–Amerikano.[1] Ang nasabing kampo ay ginawang kampo ng Philippine Army noong 1936.[2] Subalit pagpasok ng taong 2003, ang nasabing kampo (Kampo Claudio) ay ginawang sityong pabahay at urban development.[3]
Sa ngayon, tangi ang bahaging Las Piñas at Muntinlupa ay tinatawag pa ring Calle Real bilang alternatibong pangalan ng daan. Ang bahaging Parañaque ay pinangalanang Abenida Elpidio Quirino (mula kay Elpidio Quirino, dating pangulo ng Pilipinas). Ang bahaging Maynila ay pinangalanang Kalye Del Pilar, at ang bahaging Pasay, Abenida Harrison.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Gentleman Soldier: John Clifford Brown and the Philippine-American War". Texas A&M University Press. Nakuha noong 4 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proclamation No. 94, s. 1936". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2015. Nakuha noong 4 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proclamation No. 359, s. 2003". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2015. Nakuha noong 4 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)