Abenida Harrison
Ang Abenida Francis Burton Harrison (Ingles: Francis Burton Harrison Avenue), o mas-madalas na tawaging Abenida F.B. Harrison (F.B. Harrison Avenue) o Abenida Harrison (Harrison Avenue), at kung minsa'y Kalye Harrison (Harrison Street), ay isang kilalang lansangan sa Pasay, kanlurang Kalakhang Maynila, Pilipinas.[1] Isa itong daang arteryal na apat ang mga linya at hindi hinahatian sa gitna. Dumadaan ito mula hilaga patimog at kalinya ng Bulebar Roxas sa kanluran at Abenida Taft sa silangan, mula sa sangandaan nito sa Kalye Pablo Ocampo at Kalye Mabini sa Malate hanggang sa sangandaan nito sa Kalye Aguarra at Abenida Elpidio Quirino sa Baclaran, Parañaque. Ang kabuuang haba nito ay 3.2 kilometro (2.0 milya). Madalas itong dinadaanan ng mga intra-metropolitan na dyipni at mega-taxi. Dahil dito, madalas ang pagbabagal at paninikip ng daloy ng trapiko sa nasabing abenida, gayundin sa madaming bilang ng mga naglalakad sa daan.
Abenida Harrison Harrison Avenue | |
---|---|
Abenida Francis Burton Harrison (Francis Burton Harrison Avenue) Calle Real | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.2 km (2.0 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Kalye Pablo Ocampo at Kalye Mabini sa Malate |
Dulo sa timog | Kalye Aguarra at N62 (Abenida Elpidio Quirino) sa Santo Niño |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila, Pasay, at Parañaque |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kasaysayan
baguhinPinangalanan ang Abenida Harrison mula kay Francis Burton Harrison, Gobernador-Heneral ng Pilipinas noong 1913–1921 (panahon ng Amerikano).
Bumubuo ang daan sa bahagi ng dating lansangang pandalampasigan noong panahon ng mga Kastila na nagugnay ng dating lalawigan ng Maynila sa La Laguna at iba pang mga lalawigan sa katimugan. Tinawag itong Calle Real o Camino Real (salitang Kastila sa "kalsadang pangmayaman") na dumaan noon mula Ermita hanggang Muntinlupa. Sa kasalukuyan, tangi ang bahagi na nasa Las Piñas at Muntinlupa ay tinatawag pa ring Calle Real (o Real Street) bilang isa pang pangalan sa daan.
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 1 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)