Abenida Gil Puyat

daanan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas

Ang Abenida Senador Gil J. Puyat (Ingles: Senator Gil J. Puyat Avenue), na kilala din sa anyong payak na ngalan nito na Abenida Gil Puyat (Ingles: Gil Puyat Avenue) at sa dati nitong pangalan na Abenida Buendia (Ingles: Buendia Avenue), ay isang pangunahing lansangang arteryal sa mga lungsod ng Makati at Pasay sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa direksyong silangan-pakanluran, mula Bulebar Roxas hanggang EDSA. Dumadaan ito sa pook na tinawag na Makati Central Business District. May apat hanggang labindalawang linya ang abenidang ito. Ang haba nito ay 5.4 kilometro (3.4 milya).

Abenida Gil Puyat
Gil Puyat Avenue
Abenida Buendia (Buendia Avenue)
Abenida Gil Puyat sa Pasay, pakanluran patungong Kalye Leveriza
Impormasyon sa ruta
Haba5.4 km (3.4 mi)
Bahagi ng
  • C-3 C-3 (mula Bulebar Roxas hanggang Abenida Ayala)
  • N190
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N120 / AH26 (Bulebar Roxas) / Bulebar Jose Diokno sa Pasay
 
Dulo sa silangan N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Makati
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMakati at Pasay

Ang bahagi ng Abenida Gil Puyat mula Bulebar Roxas hanggang Abenida Ayala ay itinakda bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3 ng Sistema ng Daang Arteryal ng Kamaynilaan.

Hango ang pangalan nito kay Gil Puyat, na naging senador mula 1951 hanggang 1972. Dati itong tinawag na Abenida Buendia mula kay Nicolas Buendia, isang Katipunero at mambabatas mula sa Bulacan noong dekada-1940.[1][2]

Transportasyon

baguhin

Ang Abenida Gil Puyat ay isang pangunahing hintuan sa tatlong mga linya ng Sistemang Panlulan ng Kalakhang Maynila.

Ang mga hybrid bus na pinapatakbo ng Green Frog Transport Corp. ay nagsisilbi sa ruta sa pagitan ng Gil Puyat at Abenida Kalayaan.[3] Pinaglilingkuran din ang abenida ng mga pangkaraniwan at may erkon na dyipni.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Batas Pambansa Blg. 312".
  2. "Senators Profile - Nicolas Buendia".
  3. "Hybrid buses ply Makati's streets". Philippine Star. Nakuha noong 12 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°33′31″N 121°0′35″E / 14.55861°N 121.00972°E / 14.55861; 121.00972