Paseo de Roxas
Ang Paseo de Roxas ay isang pangunahing arterya pang-komersiyal sa Makati Central Business District ng Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong abenida na may anim na linya at haba na 1.8 kilometro (1.1 milya). Dumadaan ito sa gitna ng nabanggit na distritong pang-negosyo at kumokonekta ng mga subidibisyon ng San Lorenzo Village sa kanluran at Bel-Air Village sa silangan.
Paseo de Roxas | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.8 km (1.1 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog-kanluran | Abenida Arnaiz sa San Lorenzo Village |
| |
Dulo sa hilaga-silangan | N190 (Abenida Gil Puyat) sa Bel-Air Village |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Makati |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Simula sa kanlurang dulo nito sa Abenida Arnaiz, dumadaan ito sa direksyong pahilaga pagdaan nito sa Legaspi Village kung saan makikita ang pamilihan ng Greenbelt. Pagdating sa Abenida Ayala, liliko ito nang bahagya pahilagang-silangan at papasok sa Salcedo Village. Ang kabuuan ng Ayala Triangle Gardens ay sa tabi ng hilagang linya nito. Paglampas ng Abenida Makati, dumadaan ito sa hilagang hangganan ng Urdaneta Village hanggang sa maabot nito ang silangang dulo nito sa Abenida Gil Puyat. May mga maikling nagpapatuloy ng Paseo de Roxas sa timog patungong San Lorenzo Village bilang Kalye Edades, at sa hilaga patungong Bel-Air Village bilang Kalye Hydra.
Ipinangalanan ang abenida mula sa nagtatag ng Ayala Corporation na si Domingo Roxas y Ureta ng Pamilyang Zobel de Ayala na nagmamay-ari ng lupain. Dito nakatayo noon ang dating paliparan ng Palapagang Nielson na kung saan nagsilbi itong patakbuhan kasama ang Abenida Ayala.[1]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "History of FHL". Filipinas Heritage Library. Nakuha noong 27 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)