Talaan ng mga mabilisang daanan sa Pilipinas
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ito ay isang talaan ng mga mabilisang daanan sa Pilipinas.[1]
Ang mga mabilisang daanan sa Pilipinas ay binubuo ng sampung (10) mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan sa Hilaga at Katimugang Luzon. Sa ngayon hindi mag-kakaugnay ang lahat ng mga mabilisang daanan, ngunit may pangkinabukasang panukala na mag-uugnay ng lahat ng mga ito upang makabuo ng isang ugnayan (network).
Mula 2014, inilunsad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang panibagong sistema ng pagtatakda ng mga nakabilang na ruta para sa mga mabilisang daanan sa bansa, kahalintulad ng sistemang lansangambayan ng bansa na inilunsad din ng DPWH sa parehong taon.
Sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, isasakatuparan ang isang ugnayan na tinatawag na "Luzon Spine Expressway Network".
Talaan
baguhinGumagana
baguhinPangalan | Retrato | Kalagayan | Haba | Paglalarawan | Tagapamahala | Mayhawak | Pagsisimula ng paghawak | Pagtatapos ng paghawak |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Manila–Cavite Expressway (Coastal Road/CAVITEX) |
Gumagana | 14 km | Nag-uugnay ng Parañaque, Las Piñas, at lalawigan ng Kabite. | Cavite Infrastructure Corporation Naka-arkibo 2017-06-17 sa Wayback Machine. ° | Cavite Infrastructure Corporation Naka-arkibo 2017-06-17 sa Wayback Machine. ° | 1996 | 2023 | |
Metro Manila Skyway (MMSWS/Skyway) |
|
Gumagana | 31.2 km | Nakaangat na mabilisang daanan sa ibabaw ng South Luzon Expressway at nag-uugnay ng nasabing mabilisang daanan sa North Luzon Expressway. | Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo.) Naka-arkibo 2017-06-08 sa Wayback Machine. ♯ | Citra Metro Manila Tollways Corporation ♯ | Agosto 24, 1995 | 2010 |
Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX) |
Gumagana | 4.0 km | Nag-uugnay ng Bacoor at Muntinlupa. | Ayala Corporation Naka-arkibo 2017-06-27 sa Wayback Machine. | Ayala Corporation Naka-arkibo 2017-06-27 sa Wayback Machine. | 2015 | 2045 | |
NAIA Expressway (NAIAX) |
Gumagana | 11.6 km | Nakaangat na mabilisang daanan sa ibabaw ng Abenida Andrews. | Vertex Tollways Development, Inc. ♯ | Vertex Tollways Development, Inc. ♯ | 2013 | 2043 | |
North Luzon Expressway (NLEX) |
Gumagana | 84 km | Nag-uugnay ng Balintawak, Lungsod Quezon sa mga lungsod ng Caloocan, Valenzuela, at mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. | Tollways Management Corporation Naka-arkibo 2017-06-05 sa Wayback Machine. ° | Manila North Tollways Corporation Naka-arkibo 2016-10-07 sa Wayback Machine. ° | Pebrero 2005 | Disyembre 31, 2037 | |
NLEX-Mindanao Avenue Link (NLEX Segment 8.1) |
Gumagana | 2.7 km | Maiksing mabilisang daanan na naguugnay ng NLEX sa C-5 (sa pamamagitan ng Abenida Mindanao sa Lungsod Quezon) | Tollways Management Corporation Naka-arkibo 2017-06-05 sa Wayback Machine. ° | Manila North Tollways Corporation Naka-arkibo 2016-10-07 sa Wayback Machine. ° | |||
NLEX-Karuhatan Link (NLEX Segment 9) |
Gumagana | 2.42 km | Maiksing mabilisang daanan na naguugnay ng NLEX sa Lansangang MacArthur sa Valenzuela. | Tollways Management Corporation Naka-arkibo 2017-06-05 sa Wayback Machine. ° | Manila North Tollways Corporation Naka-arkibo 2016-10-07 sa Wayback Machine. ° | |||
South Luzon Expressway (SLEX) |
Gumagana | 51 km | Nag-uugnay ng lungsod ng Maynila sa Makati, Pasay, Taguig, Muntinlupa, at mga lalawigan ng Laguna, Kabite, at Batangas | Manila Toll Expressway Systems (Alabang-Santo Tomas) ♯ | South Luzon Tollway Corporation (Alabang-Santo Tomas) ♯ | Agosto 2006 | Marso 2038 | |
Southern Tagalog Arterial Road (STAR Tollway) |
Gumagana | 42 km | Karugtong ng SLEX sa lalawigan ng Batangas | STAR Tollway Corporation ♯ | STAR Infrastructure Development Corporation ♯ | 2002 | 2029 | |
Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) |
Gumagana | 93.8 km | Nag-uugnay ng Hermosa, Bataan sa Lungsod ng Tarlac | Tollways Management Corporation Naka-arkibo 2017-06-05 sa Wayback Machine. ° | Manila North Tollways Corporation Naka-arkibo 2016-10-07 sa Wayback Machine. ° | Q3 2008 | Oktubre 31, 2043 | |
Subic Freeport Expressway (NLEx Segment 7/SFEX) |
Gumagana | 8.8 km | Nag-uugnay ng SCTEX sa Olongapo at Subic Bay Freeport Zone | Tollways Management Corporation Naka-arkibo 2017-06-05 sa Wayback Machine. ° | Manila North Tollways Corporation Naka-arkibo 2016-10-07 sa Wayback Machine. ° | 1996 | 2037 | |
Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) |
|
88.85 km | Nag-uugnay ng Lungsod ng Tarlac sa Rosario, La Union | Private Infra Dev Corporation ♯ | Private Infra Dev Corporation ♯ | Oktubre 2013 | Pebrero 2044 |
Mga tala:
- (♯) Sangay ng San Miguel Corporation
- (°) Sangay ng Metro Pacific Investments Corporation
Mga itinatayo pa
baguhinHindi kasama sa bahaging ito ang mga nabanggit na sa talaan sa itaas.
Pangalan | Imahe | Estado | Petsa ng pagbubukas |
Komento | Unang dulo | Huling dulo |
---|---|---|---|---|---|---|
C-6 Expressway |
|
Agosto 2020 | Mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Bulacan sa Rizal, mga lungsod ng Pasig at Taguig, at Kabite | Marilao (Bulacan) |
Noveleta (Cavite) | |
CAVITEX–C-5 Link Expressway | Itinatayo | 2020 | Ang mabilisang daanang magpupuno sa puwang ng Daang C-5 mula SLEX hanggang CAVITEx. | Las Piñas | Taguig | |
Cavite–Laguna Expressway (CALAx) |
Itinatayo | Disyembre 2020 | Mabilisang daanan na mag-uugnay ng mga lalawigan ng Kabite at Laguna at gayundin ng CAVITEX sa SLEX. | Manila-Cavite Expressway (Kawit, Cavite) |
South Luzon Expressway (Biñan, Laguna) | |
Cebu–Cordova Link Expressway (CCLEx) |
Itinatayo | 2022 | Unang mabilisang daanan sa Pilipinas na matatagpuan sa labas ng Luzon; mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Lungsod ng Cebu at Cordova; ikatlong tulay na mag-uugnay ng Pulo ng Cebu sa Pulo ng Mactan. | Cebu South Coastal Road (Lungsod ng Cebu) | Cordova, Cebu | |
Central Luzon Link Expressway (CLLEx) |
Itinatayo | Enero 2020 | Mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Nueva Ecija sa Tarlac | TPLEx (Lungsod ng Tarlac) |
NLEE (Cabanatuan) | |
North Luzon East Expressway (NLEE) |
Itinatayo | 2022 | Mabilisang daanan sa hinaharap na mag-uugnay ng Lungsod Quezon sa Bulacan at Nueva Ecija | La Mesa Parkway (Lungsod Quezon) |
Cabanatuan (Nueva Ecija) | |
North Luzon Expressway Segment 10 (Harbor Link Expressway) |
Itinatayo | Oktubre 2018 | Ugnayan ng NLEx-Karuhatan Link (NLEx Segment 9) sa Daang C-3 at karugtong sa Daang Radyal Blg. 10 | Lansangang MacArthur (Valenzuela) |
Daang C-3 (Caloocan) R-10 (Navotas) | |
North Luzon Expressway Segment 10.2 (NLEX-SLEX Connector Road) |
Itinatayo | Pebrero 2022 | Segment 10.2 ng North Luzon Expressway Phase 2 na mag-uugnay ng NLEX sa SLEX | North Luzon Expressway (Valenzuela) |
Abenida Gil Puyat (Makati) | |
Southeast Metro Manila Expressway (SEMME) |
Itinatayo | 2020 | Metro Manila Skyway (Taguig) |
Hugnayan ng Batasang Pambansa (Lungsod Quezon) |
Mga ipinapanukalang mabilisang daanan
baguhin- Bohol–Cebu Friendship Bridge (Cordova, Cebu hanggang Getafe, Bohol)
- Calamba–Los Baños Expressway (Calamba hanggang Los Baños)
- Cavite–Tagaytay–Batangas Expressway (Silang, Kabite hanggang Nasugbu, Batangas)
- Cebu Trans-Axial Expressway (Santander, Cebu hanggang Daanbantayan, Cebu)
- Davao City Expressway
- Laguna Lakeshore Expressway Dike Phase 1 (Taguig hanggang Cabuyao)
- Laguna Lakeshore Expressway Dike Phase 2 (Cabuyao hanggang Los Baños)
- Las Piñas–Muntinlupa Expressway (Manila–Cavite Expressway hanggang South Luzon Expressway)
- Phase 1 (Pulanglupa, Las Piñas hanggang Alabang, Muntinlupa)
- Phase 2 (Zapote, Las Piñas hanggang Alabang, Muntinlupa)
- Makati Expressway (Metro Manila Skyway hanggang EDSA)
- Manila–Bataan Coastal Road (Navotas-Bataan Boundary Bridge)
- Manila–Quezon Expressway (Pasig hanggang Candelaria, Quezon)
- Metro Cebu Expressway (Naga hanggang Danao)
- Metro Manila Skybridge (Ang San Juan River Expressway ay isang shortcut sa EDSA)
- Metro Manila Skyway:
- Sky 7 (Taguig hanggang Abenida Commonwealth, Lungsod Quezon)
- Sky 8 (Tanauan–Tagaytay Expressway)
- Sky 9 (Pagkakalinya ng Ilog Pasig kasama ang mga rampa sa Buendia, Pioneer at Bonifacio Global City.)
- North Luzon Expressway:
- Segment 8.2 (NLEx Segment 8.1 (NLEx-Mindanao Avenue Connector Link) hanggang Abenida Katipunan, Lungsod Quezon)
- NLEX Phase 3 (San Simon, Pampanga hanggang Dinalupihan, Bataan)
- Pasig River Expressway (Abenida J.P. Rizal sa Guadalupe, Makati - C-6 sa Rizal)
- Plaridel Toll Road (Bulacan)
- Quezon–Bicol Expressway (Pagbilao, Quezon hanggang San Fernando, Camarines Sur)
- R-7 Expressway (Bulebar Espanya sa Maynila - C-6 sa Rizal)
- South Luzon Expressway:
- Toll Road 4 (Santo Tomas, Batangas hanggang Lucena, Quezon)
- Toll Road 5 (Lucena, Quezon hanggang Matnog, Sorsogon)
Mga Pangunahing Palitan
baguhin- Palitan ng Balintawak (Balintawak Interchange): ay isang dalawang lebel na palitang trebol (cloverleaf interchange) sa Lungsod Quezon na nagsisilbing sangandaan ng North Luzon Expressway (NLEx) sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), Abenida Bonifacio, at Lansangang Quirino.
- Palitan ng Magallanes (Magallanes Interchange): ay isang apat na lebel na partial turbine interchange sa Makati, na nagsisilbing sangandaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA).
- Palitan ng Sales (Sales Interchange): na kilala rin bilang Palitan ng Nichols o Nichols Interchange, ay isang palitang hybrid sa hangganan ng Pasay at Taguig sa Kalakhang Maynila. Binubuo ito ng isang mababang kalahating palitang trebol na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng South Luzon Expressway at Abenida Andrews, at isang upper T-bone na palitan na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng Metro Manila Skyway at NAIA Expressway.
- Palitan ng Smart Connect (Smart Connect Interchange): na kilala rin bilang Palitan ng Abenida Mindanao (Mindanao Avenue Interchange) at Palitan ng North Luzon Expressway–Daang Palibot Blg. 5 (North Luzon Expressway–Circumferential Road 5 Interchange), ay isang dalawang lebel na palitang trebol sa Valenzuela, na nagsisilbing sangandaan ng North Luzon Expressway (NLEx) sa Daang Palibot Blg. 5 (C-5). Itinayo ito bilang bahagi ng 2.7 kilometro (1.7 milya) na bahaging NLEx–Mindanao Avenue Link na dumudugtong patungong Abenida Mindanao, at naging bahagi ng sistemang C-5 kalaunan. Ito ang pinakamalaking palitang trebol ng Pilipinas kung ibabatay sa lawak.
Sistema ng Pagbabayad
baguhinKaramihan sa mga mabilisang daanan ay nagpapatupad ng mga bayarin, na kadalasang mga sistemang tarangkahang bayarin (barrier toll) at nakasarang daanan (closed road). Sa mga mabilisang daanang gumagamit ng nakasarang daanan sa pagsisingil ng bayarin, unang kukuha ang mga motorista ng isang kard o tiket sa pasukan at ibabalik nila ang mga ito paglabas. Sa mga mabilisang daanang nagpapatupad ng bayaring tarangkahan, isinasagawa ang pangongolekta ng bayarin sa mga tarangkahang pambayad sa tapat na halaga. Ilan sa mga mabilisang daanan ay gumagamit ng isang magkahalong sistema na kinabibilangan ng kapuwa, tulad ng North Luzon Expressway, na gumagamit ng kapuwang sistemang tarangkahang bayarin (sa NLEx ay tinaguriang "sistemang bukas") at nakasarang daanan.
Unang ininlunsad ang sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng mga bayarin (electronic toll collection o ETC) noong 2001 sa South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway, gamit ang teknolohiyang transponder na tinatakang E-Pass. Ang mga sistemang ETC ay ipinapatupad ng ilang mayhawak ng mabilisang daanan, kasama ang inter-running support sa ibang mga magkarugtong na mabilisang daanan. Ang mga tarangkahang pambayad ay may mga linyang ETC sa pinakakaliwang mga linya o sa mga "pinaghalong" linya na pumapahintulot ng pangongolekta ng mga bayarin o kapuwa. Ang mga bagong sistemang ETC ay gumagamit ng teknolohiyang radio frequency identification (RFID) para sa pangongolekta. Dahil sa mga magkaibang sistema ng ETC na hindi suportado sa ibang mga daan, ipinahihikayat ang isang panukala para sa isang pinagsamang sistemang ETC para sa kaginhawaan ng mga motorista.
Magmula noong Abril 2011, ang mga bayarin ayon sa mabilisang daanan ay ang sumusunod:
Pangalan | Class 1 (Mga kotse, motorsiklo, SUV, dyipni) |
Class 2 (Mga bus, magaan na trak) |
Class 3 (Mga mabibigat na trak) |
---|---|---|---|
Manila–Cavite Expressway | ₱8.00 (Kabihasnan) ₱24.00 (Las Piñas) ₱64.00 (Kawit) |
₱48.00 (Las Piñas) ₱129.00 (Kawit) |
₱72.00 (Las Piñas) ₱194.00 (Kawit) |
Metro Manila Skyway | ₱164.00 (papunta at mula Alabang/SLEx) ₱118.00 (papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave.) ₱72.00 (papunta at mula Bicutan/Doña Soledad) ₱20.00 (papunta at mula NAIA Terminal 3/NAIAx) |
₱329.00 (papunta at mula Alabang/SLEx) ₱237.00 (papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave.) ₱145.00 (papunta at mula Bicutan/Doña Soledad) ₱40.00 (papunta at mula NAIA Terminal 3/NAIAx) |
₱493.00 (papunta at mula Alabang/SLEx) ₱356.00 (papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave.) ₱218.00 (papunta at mula Bicutan/Doña Soledad) |
Muntinlupa–Cavite Expressway | ₱17.00 | ₱34.00 | ₱51.00 |
NAIA Expressway | ₱35.00 (Maikling Bahagi) ₱45.00 (Buong Ruta) |
₱69.00 (Maikling Bahagi) ₱90.00 (Buong Ruta) |
₱104.00 (Maikling Bahagi) ₱134.00 (Buong Ruta) |
North Luzon Expressway | ₱45.00 (Sistemang Bukas [Balintawak-Marilao]) ₱2.66/km (Sistemang Nakasara [Bocaue-Sta. Ines]) |
₱114.00 (Sistemang Bukas [Balintawak-Marilao]) ₱6.66/km (Sistemang Nakasara [Bocaue-Sta. Ines]) |
₱136.00 (Sistemang Bukas [Balintawak-Marilao]) ₱8.00/km (Sistemang Nakasara [Bocaue-Sta. Ines]) |
South Luzon Expressway | ₱3.37/km | ₱6.74/km | ₱10.11/km |
STAR Tollway | ₱1.016/km | ₱2.032/km | ₱3.048/km |
Subic–Clark–Tarlac Expressway | ₱2.67/km | ₱5.35/km | ₱8.03/km |
Subic Freeport Expressway | ₱22.00 | ₱57.00 | ₱68.00 |
Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway | ₱3.50/km | ₱8.70/km | ₱10.50/km |
Luzon Spine Expressway Network
baguhinAng Luzon Spine Expressway Network (LSEN) ay binubuo ng mga maraming pag-uugnay ng mga mabilisang daanan sa loob ng pangunahing pulo na Luzon.
Ang mga umiiral na mga mabilisang daanan ng LSEN ay North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Manila–Cavite Expressway (CAVITEX), Metro Manila Skyway (Stage 1 at 2), NAIA Expressway (NAIAX), Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR Tollway), Subic Freeport Expressway at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX). Bahagi rin ng ugnayang LSEN ang mga karugtong ng SLEX (Santo Tomas hanggang Matnog), TPLEX (Binalonan hanggang San Fernando, La Union), Skyway Stage 3 (Makati hanggang Balintawak), CAVITEX–C-5 Link Expressway), at ang mga ipinapanukalang mabilisang daanan tulad ng C-6 Expressway, North Luzon East Expressway (NLEE o NLEX East), Central Luzon Link Expressway (CLLEX), Harbor Link Expressway (NLEX Segment 10.1), Cavite–Laguna Expressway (CALAX) at Cavite–Tagaytay–Batangas Expressway (CTBEX).
Lahat ng mga proyekto ng LSEN ay nasa ilalim ng programang "Golden Age of Infrastructure" at gayundin bahagi ng adyendang "Dutertenomics" ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Karagdagag Impormasyon
baguhin- Ang pinakamahabang mabilisang daanan sa Pilipinas ay Subic–Clark–Tarlac Expressway, na may haba na 93.77 kilometro.
- Ang pinakamaiksing mabilisang daanan sa Pilipinas ay Muntinlupa–Cavite Expressway, na may haba na 4.0 kilometro.
- Ang pinakabagong mabilisang daanan sa Pilipinas ay NAIA Expressway, na binuksan noong Setyembre 2016.
- Ang kauna-unahan at pinakamahabang mabilisang daanan na nakaangat sa Pilipinas ay Metro Manila Skyway.
- Ang kauna-unahang mabilisang daanan na pampaliparan sa Pilipinas ay NAIA Expressway.
- Ang kauna-unahang mabilisang daanan na nasa baybay-dagat sa Pilipinas ay Manila–Cavite Expressway.
- Ang pinakamahabang tulay na nasa mabilisang daanan ay Biyadukto ng Candaba ng North Luzon Expressway, na may haba na 5.0 kilometro.
- Ang pinakamalaking palitan ay Palitan ng Smart Connect ng North Luzon Expressway.
- Ang pinakamalaking tarangkahang pambayad sa Pilipinas ay Bocaue Toll Barrier (na tinatawag ding Bocaue Toll Plaza) ng North Luzon Expressway, na may kabuuang 34 toll lane.
- Ang Metro Pacific Investments Corporation ay ang pinakamalaking tagapamahala ng mabilisang daanan sa Pilipinas; pinamamahalaan nito ang North Luzon Expressway, Subic–Clark–Tarlac Expressway, Subic Freeport Expressway, at Manila–Cavite Expressway.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Public Private Partnership; Overview; List of PPP Projects". Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2017. Nakuha noong 8 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)