Caloocan

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila

Ang Caloocan (pagbigkas: ka•lo•ó•kan), o ang Makasaysayang Lungsod ng Caloocan, ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 1,661,584 sa may 404,252 na kabahayan.

Caloocan

ᜃᜎᜓᜂᜃᜈ᜔

Lungsod ng Caloocan
Opisyal na sagisag ng Caloocan
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Caloocan
Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Caloocan
Map
Caloocan is located in Pilipinas
Caloocan
Caloocan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°39′N 120°58′E / 14.65°N 120.97°E / 14.65; 120.97
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Mga barangay188 (alamin)
Pagkatatag1815
Ganap na LungsodPebrero 16, 1962
Pamahalaan
 • Punong LungsodDale Gonzalo Malapitan
 • Manghalalal700,279 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan55.80 km2 (21.54 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan1,661,584
 • Kapal30,000/km2 (77,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
404,252
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan4.20% (2021)[2]
 • Kita₱6,811,974,121.00 (2020)
 • Aset₱21,771,799,844.00 (2020)
 • Pananagutan₱9,938,639,767.00 (2020)
 • Paggasta₱8,501,484,007.00 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
137501000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytcaloocancity.gov.ph

Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa noo'y itinatatag na Lungsod Quezon.[3] Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng lungsod ng Malabon at lungsod ng Valenzuela sa hilaga, lungsod ng Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Caloocan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga ng Lungsod Quezon, at timog ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.

Pangalan

baguhin

Ang Caloocan bilang isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na "lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob-looban") na nagngangahulugang "pinakaloob na lugar." Kolokyal na binabaybay ang pangalan ng lungsod bilang Kalookan.

May magkakaibang kagustuhan ukol sa nais na baybay ng pangalan ng lungsod. Ang kaibhan at ang tilang kalituhan sa pagbaybay ay nagsimula noong unang bahagi ng dekada-1970, nang ipinasa ng lupong munisipal ang isang resolusyon na nag-uutos sa mga kagawarang panlungsod na gumamit ng pangalang "Kalookan." Ngunit naantala ang pagpapatupad ng resolusyon nang isinailalim ang bansa sa batas militar noong Setyembre 1972. Pagkaraang ibinalik ang mga sangguniang panlungsod at pambayan, inihain ni noo'y Konsehal na si Aurora Asistio-Henson ang Resolusyon Blg. 006 na nagbabago sa naunang resolusyon at itinataguyod ang nasyonalismong Filipino sa pamamagitan ng pag-uutos sa lahat ng mga residente at mga tanggapan at establisimiyento ng lungsod - "pampubliko man o pampribado" - na ibaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Kalookan." Ayon kay Henson, ang "naka-Filipinong baybay" ay nagbibigay ng diwa at kahulugan sa kasaysayan ng lungsod. Dagdag niya, dapat itong gamitin "sa gusaling panlungsod, sa mga gusaling pambarangay, mga palengke, at ibang mga lugar para sa kabatiran at paggabay sa lahat na sangkot." Gayunpaman, mariing kinondena ito ng mga residente, may-ari ng mga negosyo, at opisyal. Tinuring na iligal ni Virgilio Robles, dating mambabatas at alkalde ng lungsod, ang hakbang dahil wala itong pagsang-ayon ng Kongreso. Dagdag niya na binaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Caloocan" tulad ng ipinakikita ng karta ng lungsod (city charter). Ang pagkalahatang kagustuhan sa pagbaybay ng pangalan sa mismong lungsod ay "Caloocan" at hindi "Kalookan," sa kabila ng umiiral na ordinansang panlungsod, bagamat humantong ang kalituhan sa iba't-ibang mga pagbaybay ng pangalan sa maraming mga negosyo sa lungsod. Nakabaybay na "Caloocan" ang pangalan ng lungsod sa opisyal na sagisag, at pabor ang gayong pagbaybay sa maraming mga barangays at mga paaralang pampubliko at pampribado sa lungsod. Ang "Kalookan" ay nais na baybay ng Directories of the Philippines Corporation (DPC) na nakahimpil sa Makati, habang pabor naman sa baybay na "Caloocan" ang maraming mga pahayagang pambansa at magasin, pati mga gumagawa ng mapa tulad ng HYDN Publishing na nakahimpil sa Mandaluyong.[4][5]

Mga barangay

baguhin

Ang Caloocan ay nahahati sa 188 mga barangay:

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Caloocan
TaonPop.±% p.a.
1903 7,847—    
1918 19,551+6.27%
1939 38,820+3.32%
1948 58,208+4.60%
1960 145,523+7.93%
1970 274,453+6.54%
1975 397,201+7.70%
1980 467,816+3.33%
1990 763,415+5.02%
1995 1,023,159+5.64%
2000 1,177,604+3.06%
2007 1,381,610+2.23%
2010 1,489,040+2.76%
2015 1,583,978+1.18%
2020 1,661,584+0.94%
Sanggunian: PSA[22][23][24][25]


Pamahalaan

baguhin

Alkalde

baguhin

Alkalde Panunungkulan

Pedro Sevilla 1902–1905
Silverio Baltazar 1904–1906
Tomas Susano 1906–1908
Leon Nadurata 1908–1910
Emilio Sanchez 1910–1913
Godofredo Herrera 1913–1915
Jose Sanchez 1915–1921
Dominador Aquino 1922–1925
Pablo Pablo 1926–1928
Dominador Aquino 1928–1931
Pablo Pablo 1932–1940
Cornelio Cordero 1941–1944
Oscar Baello 1945–1946
Jesus Basa 1946–1951
Macario Asistio, Sr. 1952–1971
Marcial Samson 1972–1976
Alejandro Fider 1976–1978
Virgilio Robles 1978–1980
Macario Asistio, Jr. 1980–1986
Virgilio Robles      1986
Antonio Martinez 1986–1988
Macario B. Asistio, Jr. 1988–1995
Reynaldo Malonzo 1995–2004
Enrico Echiverri 2004–2013
Oscar Malapitan 2013-2022
Along Malapitan 2022-Ngayon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: NCR, THIRD DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "About Us" (sa wikang Ingles). Lungsod ng Caloocan. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2015. Nakuha noong Oktubre 4, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Confusion over spelling: Caloocan or Kalookan?". The Manila Times. Oktubre 19, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 9, 2020. Nakuha noong Abril 2, 2020. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. Samonte, Severino (Disyembre 6, 2018). "Which is which, Caloocan or Kalookan?". Philippine News Agency. Nakuha noong Abril 2, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Caloocan City Barangay Directory Zone 1 Naka-arkibo 2009-10-07 sa Wayback Machine. Retrieved July 8, 2009
  7. Caloocan City Barangay Directory Zone 2[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  8. Caloocan City Barangay Directory Zone 3[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  9. Caloocan City Barangay Directory Zone 4[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  10. Caloocan City Barangay Directory Zone 5[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  11. Caloocan City Barangay Directory Zone 6 Naka-arkibo 2010-10-11 sa Wayback Machine. Retrieved July 8, 2009
  12. Caloocan City Barangay Directory Zone 7[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  13. Caloocan City Barangay Directory Zone 8[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  14. Caloocan City Barangay Directory Zone 9[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  15. Caloocan City Barangay Directory Zone 10[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  16. Caloocan City Barangay Directory Zone 11[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  17. Caloocan City Barangay Directory Zone 12[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  18. Caloocan City Barangay Directory Zone 13[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  19. Caloocan City Barangay Directory Zone 14[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  20. Caloocan City Barangay Directory Zone 15[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  21. Caloocan City Barangay Directory Zone 16[patay na link] Retrieved July 8, 2009
  22. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  25. "Province of Metro Manila, 3rd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin