Hugnayan ng Batasang Pambansa

Ang hugnayan ng Batasang Pambansa (Batasang Pambansa complex) ay kasalukuyang nagsisilbi bilang punong himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Nakaluklok ito sa Daang Batasan sa Batasan Hills, Lungsod Quezon.

Hugnayan ng Batasang Pambansa
Map
Pangkalahatang impormasyon
Bayan o lungsodLungsod Quezon
BansaPilipinas
Mga koordinado14°41′35.93″N 121°5′39.83″E / 14.6933139°N 121.0943972°E / 14.6933139; 121.0943972
Natapos1978
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoFelipe M. Mendoza

Unang nagsilbi ang hugnayan bilang punong himpilan ng Batasang Pambansa, ang dating tagapagbatas ng Pilipinas na itinatag bilang pansamantalang asamblea noong 1978 at bilang opisyal na katawan ng pamahalaan noong 1984. Ayon sa Saligang Batas ng 1973, hinahalili ng unikameral na Batasang Pambansa ang bikameral na Kongreso, na itinatag sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935 na ipinasa noong panahon ng Komonwelt ng Pilipinas. Noong ibinalik ang bikameral na Kongreso noong 1987, inilaan ang hugnayan upang magsilbi bilang punong himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

Karaniwang tinutukoy ang Pangunahing Gusali ng hugnayan, kung saan nakapuwesto ang pangunahing bulwagan ng Kapulungan ng mga Kinatawan para sa kanilang mga sesyon, bilang "Batasang Pambansa".