Ang NAIA Expressway (na tinatawag ding NAIAEX, NAIAX, at Ninoy Aquino International Airport Expressway)[1] ay isang 11.6 kilometrong (7.2 milyang) nakaangat na sistema ng mabilisang daanan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nag-uugnay ng Metro Manila Skyway sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) at Entertainment City. Dumadaan ito sa ibabaw ng Abenida Andrews, Daang Elektrikal, at Daang NAIA at nag-uugnay ng Skyway sa Abenida Ninoy Aquino, Bulebar Macapagal, Bulebar Jose Diokno, at Manila–Cavite Expressway. Ito ang kauna-unahang airport expressway (o ang mabilisang daanan na naglilingkod sa isang paliparan) sa Pilipinas. Binuksan ito noong Setyembre 2016.[2] Matatagpuan ito sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque.


NAIA Expressway
NAIA Skyway
NAIAEX / NAIAX
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon, kalakip ang NAIA Expressway na nakakahel.
NAIA Expressway patimog patungong Daang NAIA mula Abenida Andrews sa Pasay.
Impormasyon sa ruta
Haba11.6 km (7.2 mi)
UmiiralSetyembre 22, 2016–kasalukuyan
Bahagi ng E6
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranNew Seaside Drive, Parañaque
 
Dulo sa silangan N195 (Abenida Ninoy Aquino) / N194 (Daang NAIA), Pasay
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay
Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Kasaysayan

baguhin
 
Ang itinatayong bahagi ng mabilisang daanan sa kahabaan ng Abenida Andrews sa harap ng Resorts World Manila noong 2014.

Natapos ang pagtatayo ng 1.6 kilometrong (0.99 milyang) Unang Bahagi ng NAIA Expressway (Labasan ng NAIA Terminal 3 ng Metro Manila Skyway) noong 2009.[3] Nagbigay ito ng rampang pasukan/palabas sa noo'y kabubukas na NAIA Terminal 3 at Resorts World Manila. Noong Enero 2, 2014, sinimulan ang pagtatayo ng Ikalawang Bahagi ng NAIA Expressway. Kabilang rito ang 7.15 kilometrong (4.44 milyang) karugtong ng mabilisang daanan patungong Bulebar Macapagal sa Entertainment City, Parañaque, sa pamamagitan ng Abenida Andrews, Electrical Road (kanluran ng Daang Domestiko) at Daang NAIA.[4][patay na link][5]

Noong Setyembre 22, 2016, sa ganap ng 12:01 ng hatinggabi (PST), ang ikalawang bahagi ng mabilisang daanan mula Bulebar Macapagal hanggang mga Terminal 1 at 2 ng NAIA ay binuksan na sa mga motorista at pasahero ng paliparan na nagmamadali sa mga lipad nila upang makaiwas ng mga ilaw-trapiko sa bawat sangandaan sa kahabaan ng Daang NAIA. Ang pagbubukas ng nakaangat na mabilisang daanan ay pinangunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan na si Mark Villar. Ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon na si Arthur Tugade, sisimulan ang pangongolekta ng mga bayarin sa NAIAEx sa Oktubre 22, ganap nang isang buwan pagkaraan ng pagbubukas ng mabilisang daanan.[2]

Noong Disyembre 21, 2016, sa ganap ng 6:00 ng umaga (PST), ang bahaging Entertainment City-NAIA Road-SLEX-Skyway ng mabilisang daanan (kasama na ang rampang pasukan na kumokonekta sa Terminal 3) ng mabilisang daanan ay binuksan na sa mga motorista dahil sa Christmas rush.

Noong Disyembre 28, 2016, ang mga rampang pasukan sa Manila–Cavite Expressway o CAVITEx ay binuksan na sa mga motorista na manggagaling sa lalawigan of Kabite at Las Piñas para sa mas-madaling pagpasok sa mga Terminal 1, 2, at 3 at gayon din naman palabas ng paliparan.

Noong Hunyo 2, 2017, tuluyan nang binuksan ang kabuuang NAIAx sa publiko.

Paglalarawan ng ruta

baguhin
 
Ang NAIA Expressway sa may Bulebar Macapagal off-ramp papuntang Okada Manila.

Mula sa Labasan ng Sales (labasan sa NAIA) ng Metro Manila Skyway, tutungo ang mabilisang daanan patimog-kanluran at dadaan sa kahabaan ng Daang Sales sa may Villamor Airbase at Newport City. Liliko naman ito pahilagang-kanluran sa Abenida Andrews patungo sa pasukan sa NAIA Terminal 3 at tutuloy sa kahabaan ng hilagang hangganan ng paliparan patungong Electrical Road malapit sa NAIA Terminal 4. Mula rito, liliko ito patimog at dadaan kalinya ng Daang Domestiko sa silangan patungo sa sangandaan ng Daang NAIA. Mula sa sangandaang ito, ang mabilisang daanan ay hahati sa dalawang sangay: ang isa ay dadaan papuntang mga Terminal 1 at 2 ng NAIA sa silangan, habang ang isa naman ay tutuloy pakanluran papuntang Entertainment City at Manila–Cavite Expressway.

Di tulad ng ibang mga mabilisang daanan sa sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas, ang pinakamataas na itinakdang tulin sa ruta ay 60 kilometro kada oras (37 milya kada oras).[6]

Mga bayarin[7]

baguhin
 
Toll booth sa NAIA Terminal 1 at 2 on-ramp
Phase 1 (Skyway)
baguhin
Uri ng Sasakyan Bayad
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV, at dyipni)
20.00
Class 2
(Mga bus at magaan na trak)
₱40.00
Phase 2 (NAIAx)
baguhin
Uri ng Sasakyan Maikling bahagi Buong ruta
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV at dyipni)
35.00 ₱45.00
Class 2
(Mga bus at magaan na trak)
₱69.00 ₱90.00
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱104.00 ₱134.00

Mga labasan

baguhin
LalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Hangganan ng mga lungsod ng Pasay at Taguig   E2 / AH26 (Skyway) – Makati, AlabangPalitang Sales. Silangang dulo ng mabilis na daanan.
PasayTarangkahang Pambayad ng NAIAX
8.95.5   N192 (Abenida Andrews) – NAIA Terminal 3, Newport CityPakanlurang labasan at pasilangang pasukan. Daan patungong NAIA Terminal 4 sa pamamagitan ng   N193 (Daang Domestiko).
  N192 (Abenida Andrews) – Newport City, Villamor Airbase, BGCPasilangang labasan at pakanlurang pasukan. Daan patungong    E2 / AH26 (SLEX) sa pamamagitan ng Daang Sales.
Pangunahing Tarangkahang Pambayad ng NAIAX
7.24.5  NAIA Terminal 3Patimog na labasan lamang.
Hangganan ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque  NAIA Terminal 1 at 2Palitang T. Daan patungong   N195 (Abenida Ninoy Aquino) at   N194 (Daang NAIA), ayon sa nabanggit.
Parañaque4.52.8  E3 (CAVITEX) – KabitePakanlurang labasan at pasilangang pasukan
4.1–
3.8
2.5–
2.4
Bulebar MacapagalPakanlurang labasan at pasilangang pasukan
4.12.5New Seaside DrivePakanlurang labasan at pasilangang pasukan. Daan patungong Okada Manila.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access
  •       Pagkakasabay ng ruta
  •       May toll

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "DPWH PPP Projects NAIA". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-22. Nakuha noong 2017-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "NAIA Expressway finally opening on September 22" (sa wikang Ingles). ABS-CBN. Nakuha noong 07 Setyembre 2016. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  3. "Arroyo inaugurates NAIA expressway before leaving for Korea". GMA News. 30 Mayo 2009. Nakuha noong 7 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "NAIA Expressway Phase 2". {{cite web}}: Missing or empty |url= (tulong); Text "http://www.dpwh.gov.ph/bureau_services/PPP/projects/naia_2.htm" ignored (tulong)
  5. "NAIA Expressway to be operational 2015". BusinessWorld. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2015. Nakuha noong 11 Agosto 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong) Naka-arkibo 23 September 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  6. "Arroyo inaugurates NAIA expressway before leaving for Korea". GMA News. 30 Mayo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Pebrero 2021. Nakuha noong 7 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 13 February 2021[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  7. "Toll Regulatory Board (NAIA Expressway Toll Rate)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-09. Nakuha noong 2017-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-04-09 sa Wayback Machine.

Mga ugnay panlabas

baguhin

14°31′15″N 121°1′21″E / 14.52083°N 121.02250°E / 14.52083; 121.02250