Abenida Ninoy Aquino

kalsada sa Kalakhang Maynila, Pilipinas

Ang Abenida Ninoy Aquino (Ingles: Ninoy Aquino Avenue) ay isang daang kolektor na dumadaan mula hilaga-patimog at nag-uugnay ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas.[1] Ang haba nito ay 3.2 kilometro (o 2.0 milya). Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa Kalye Victor Medina sa hangganan ng mga baranggay ng La Huerta at San Dionisio sa Parañaque, at nagtatapos ito sa sangandaan nito sa Daang NAIA malapit sa NAIA Terminal 1 Exit ng NAIA Expressway sa Pasay. Nagsisilbi ito bilang tagapagpatuloy ng Abenida Dr. Santos (dating Daang Sucat), at bilang daang patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) mula sa timog at silangan.

Abenida Ninoy Aquino
Ninoy Aquino Avenue
Abenida Ninoy Aquino malapit sa Terminal 1 ng NAIA.
Impormasyon sa ruta
Haba3.2 km (2.0 mi)
Bahagi ng N195
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N194 (Daang NAIA) sa Pasay
 Abenida Multinational
Dulo sa timog N63 (Abenida Dr. Arcadio Santos) sa Parañaque
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay at Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Tulad ng paliparan na dinadaanan nito, ipinangalan ang Abenida Ninoy Aquino kay dating senador Benigno "Ninoy" Aquino. Ang bahagi ng daan sa Pasay ay dating tinawag na Imelda Avenue.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°30′5″N 120°59′53″E / 14.50139°N 120.99806°E / 14.50139; 120.99806